"Sa tingin mo ba seryoso sya?"
Tanong ko kay Mayi. Nasa room na kami pero nakatulala parin sya. Hindi makapaniwala sa narinig. Ako din naman. Imagine mo nalang Ang bilis ng pangyayari. Parang 'fall in love in your kidnapper?' no Mali mas okay sya sa 'the kidnapper fall in love in me' a basta ganun.
"Oo, what if? Sis ito na ang chance mong magmahal! Malay mo makalimutan mo na yung past mo dahil sa kanya." Sabi ni Mayi.
My past! My trauma! Kahit anong mangyari ay nandito parin yun, hindi yun mawawala. Others can see me as a perpect girl with a perpect life, but it's really opposite. I have a dark past that I can't even face until now.
******
You're now reading the new version of this storyNaglalakad ako sa isang maliit na iskinita, daan yun papuntang carpark, dito ako ngayon dumaan para masmapabilis at para narin makaiwas sa red fire na yun. Balita ko kasi ay pupunta sila sa bar kaya paniguradong dun Sila dadaan.
Habang naglalakad ay may nadaanan akong box, may nakasulat na 'Kitty' dun. Pangalan siguro ng pusa. Naging interesado ako kung ano ba ang nasa loob kaya nilapitan ko iyon at tiningnan.
"Meow" Ani ng isang maliit na kuting na nasa loob ng kahon. Ang cute! Nagnining ning ang bilogan nitong mata, mabalahibong Balat, at maamong bilugan na mukha.
Hinimas ko ang balahibo nito at kinarga. Maaga pa naman at ayokong makasalubong.yung wirdong lalaki kaya dito muna ako. May narinig akong pamilyar na boses ang papalapit.
"Kitty". Sabi ng familiar na boses. Di ako sigurado pero alam kong si Kenneth yun, yung gangster, pero anong ginagawa ng walang pusong lalaking yun dito?! Baka may balak syang masama sa pusa!
"K-kenneth!" Napasigaw ako nang makita sya sa aking likuran na nakangiti. Nabitawan ko tuloy yung kuting. Pero mas nakakuha ng atensyon ko ang lapit ng Mukha nya saking Mukha.
"Anong ginagawa ng isang prinsesa sa ganitong lugar? Wag mong sabihing dito ka sana dadaan para di mo ko makasalubong". Sabi nya at tumawa. Hindi ko itatanggi na gwapo sya pero no! Nakakainis parin sya!
"Tama ka, ayaw nga kitang makasalubong kaya dito 'ko balak dumaan, ikaw anong ginagawa mo dito?" Tanong ko. Naghalungkat sya sa bag nya at nilabas ang isang lata ng cat food na ikinalaki ng mata ko. Wag mong sabihing...
"Sya si Kitty, ligaw na pusa, at nandito ako para pakainin sya". Sabi nya at binuksan ang lata bago ibigay sa munting kuting na agad naman nitong kinain. Napabaling ako Kay Kenneth na pinapanood ngayon Ang kuting na Kumain.
"Baka matunaw ako nyan". Agad akong nag iwas ng tingin ng magsimula na naman syang Mang asar. Tumingin sya sakin at ngumiti ng nakakaloka.
"Sino ang amo nya? O nasaan ang pamilya nya?" Tanong ko. Nacu-curious dahil mag isa lang dito ang kuting. Madilim pa naman dito kapag Gabi na dahil wala na masyadong sasakyan sa ganung Oras. Baka may iba pang matatakaw na pusa o mababangis na hayop Ang manakit sa kanya dito.
"Wala?" Sagot nya. "Wala syang amo o pamilya, nakita ko sya sa gitna ng kalsada last week, na iwan ata ng nanay nya, naawa ako dahil baka masagasaan sya kaya nilipat ko dyan". Pagkwento ni Kenneth. Agad namang may naramdaman akong kakaiba sa puso ko. Nakakatouch din sya.
"May puso ka pala". Pagbibiro ko. Pero di talaga ako makapaniwala na maytinatago syang kindness sa puso nya. Tumawa lang sya bilang tugon.
"Malamang tao ako, buhay ako kaya may puso ako". Sabi nya sabay irap."By the way, di mo pa sinasagot ang tanong ko, can I court you?"
Ano? Ibig sabihin seryoso sya dun? pero papayag ba 'ko? bahala na sige na nga.
"O-okay, bahala ka dyan". Nahihiya kong sagot, pinag iisipan kung tama ba ang aking disisyon. Nakita ko naman na mabait sya kaya why not Diba. Malay ko mabait naman talaga sya. Hindi ko lang talaga kinikilala.
"O-okay? Okay! Yes! makikita mo sasagutin mo din ako". Sabi nya at nagtatalon sa tuwa. Pinanood ko lang sya at sa huli ay sabay na kaming umuwi. Napag usapan namin na pareho nalang kaming mag aalaga sa pusa.
----------:)----------
----------:(----------
----------:/----------:)
YOU ARE READING
Loving My Badboy(COMPLETED)
RomanceChloe, a normal student, she's in grade 10 and compared to other students she's different, because she's competitive and doesn't give up. On the other hand, Kenneth is a badboy, their association is feared because apart from being rich children, the...