It's already 3AM and I'm still waiting for him to come home. Habang nag hihintay ay hindi ko namalayang kanina pa pala tumutulo ang luha ko,hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit ako umiiyak.
Habang naghihintay ay hindi na ako mapakali kaya tinawagan ko na siya.
*The number you have dialed is unreachable, please try your call later*
Tinawagan ko ulit siya sa pangalawang pagkakataon pero wala pading sumagot.
Nakalimuran niya bang may girlfriend siyang iniwan dito at naghihintay sa kanya?Ganun ba kaimportante yung welcome party nila para kay whestley?Hindi man lang niya naisip yung nararamdaman ko.
Huminga ako nang malalim bago nilapag ang phone sa bed side table.Hanggang sa mag-umaga ay hindi ako nakatulog kakahintay sa kanya.
Hindi ko alam kung papasok ako ngayon ngunit napagdesisyunan kong pumasok dahil ito lang ang magagawa ko sa sarili ko ngayon.
Pagkatapos kong maligo ay agad agad akong nagbihis ng aking school uniform at nag-ayos,naglagay din ako ng concealer sa aking eyebags para hindi mahalata ang pamumula nito.
Nang makarating ako sa university ay para akong zombie na naglalakad dahil sa sobrang tamlay ko.Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin basta ang alam ay hindi ako okay.
I was about to enter our classroom when I remember something, today is our first anniversary and I forget about that.Kahit kanina pa'ko naghihintay sa kanya,sa pagbalik niya at iisipin ko padin kung paano siya susurpresahin.
"Uyy west!"Tawag sa akin ni vixen.
Sumimangot ako.
"Ano na naman?"Inis na tanong ko dahil alam kong mang-aasar lang siya.
"Kumusta buhay mukhang masayang masaya kana sa piling niya,"Tumatawang ani niya.
Hindi ka sure?
"Mukha lang?"Sarkastikong tanong ko habang nagbubuklat ng notebook,may quiz daw kasi kami kaya kailangan kong mag review dahil ayokong bumagsak.
"Naneto,di manahimik."Turan niya habang may kinakalikot sa kanyang cellphone.
Habang nagbubuklat ako ng notes ko ay biglang may pumasok sa room namin.Deretso ang tingin ni celene sa akin, hindi ko alam kung ano ang problema niya dahil nakakunot ang noo niya.
Ano nangyari?
"Pwede ba kita makausap?"Seryosong tanong niya.
"Tunggkol saan?"
"Just talk to me and you'll know."She answered,"Follow me."
Tumango lang ako sa kanya bago sundan kung saan siya papunta.
"About what celene?"Curious na tanong ko.
"Makipag hiwalay kana kay brandon,"seryosong sabi niya,para lang niya akong inutusang magbalat ng candy.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon,halo halong emosyon.
"Bakit?Ano na naman 'to celene?"Inis na tanong ko sa kanya.
Pagkatapos niya akong iwasan ng ilang buwan,ako yung best friend niya pero wala siya nung mga panahong mesirable ako tapos eto siya ngayon at didiktahan akong makipaghiwalay sa taong mahal ko.
YOU ARE READING
The Unforgettable Melody (EL VENICE SERIES #1)
RomanceWhy do we need to always sacrifice our happiness in order to make them satisfied? It's like surrendering your own life just to save someone. "I'd rather die than living in this miserable world. I never ever been happier!" -WEST LORENZO