CHAPTER 3

13 7 0
                                    

"Nasan si Lorenzo?"Tanong ng isang lalaking matangkad sa labas ng room.


"Lorenzo daw!"Sigaw sa akin ni vixen.


"Bakit?"I asked.



"Pinapatawag ka sa guidance,"Sagot nito at ngayon ko palang nakita na siya pala ay vice president ng ssg.



Tumango nalang ako dahil hindi ko alam ang isasagot,bakit kaya?



Naglakad na ako papunta sa guidance,nang makarating ako doon ay umupo na ako sa tapat ng principal.



"Alam mo ba kung bakit ka ipinatawag dito?"The principal asked.




"Di ko po alam,kayo hindi nyo din ho ba alam?"Tanong ko pabalik sa kanya,wala talaga akong alam sa mga nangyayari.




"Ipaliwanag mo ngayon 'to,"Sabi niya habang inilalabas ang mga larawan galing sa isang envelope,laking gulat ko ng makita ang picture ko habang nagbobody shot kagabi.




"Nagpunta ako sa WEST,"Wika ko para hindi na madamay si celene.



"And? Don't you think before you do an action?Gosh! You're just only seventeen years old!"Sigaw nito.




"Sa pagkakaalam ko hindi kita nanay,"I answered her straightly,what the hell?Uminom lang naman bawal na?


"Ipapatawag ko ang parents mo kung ganyan ang mga sagutan mo Lorenzo,hindi ako nagbibiro."Parang puputok na ang mga ugat nito sa panggagalaiti.




"Kahit puntahan niyo pa sila sa bahay,"Sagot ko ulit,inis na inis na din ako.



"Aba't bastos kang bata ka!"Sigaw niya.




"Bastos na kung bastos pero wag niyo akong tanggalan ng kalayaan,i can go wherever i want to go to,and you can't do anything about it."



"Do you want to get expelled?"Tanong niya.



"Hindi lang naman ito ang school dito sa QC."Sagot ko.


"By next week,ayaw ko nang makita ang pagmumukha mo dito!"Sigaw niya.




Biglang natigil ang galit niya nang biglang pumasok si brandon,anong ginagawa niya dito?





"Mom..."Tawag nito sa principal na ikinalaglag ng panga ko.


"Tangina!Pano ako magpapa good shot nito?"Mangiyak ngiyak na tanong ko sa sarili ko.




Parang bigla akong nanlumo,pero tama naman na ipaglaban ko ang karapatan ko eh.




"Son...Since ikaw ang SSG president,i want you to handle this girl,by next week ma eexpelled na siya dito."Wika nito na parang aatakihin sa puso.




"What happened?"Malamig na tanong niya,ni hindi man lang ako tapunan ng tingin.



"May nagbigay sa akin nitong mga pictures ni West Lorenzo,hindi niya ba alam na pweding ikasira ng school ito?At isa pa ang bata bata pa niya ay gumaganyan na siya,hindi lang yan sinagot sagot pa niya ako!"Galit na paliwanag niya.




"Nasa menopausal stage naba siya?Ang laki ng galit niya sa akin."Saad ko sa sarili ko.



Tumingin sa akin si Brandon,ang inaakala kong magagalit din siya sa akin ay hindi nangyari.



"Mom,that girl is old enough to stand on her own,let her do whatever she wants to do, it's her life by the way..."Wika nito na ikinalaglag ng panga ko.



The Unforgettable Melody (EL VENICE SERIES #1)Where stories live. Discover now