CHAPTER 1

16 7 0
                                    

"Ang gwapo ng crush mo!"Bulong sa akin ni vixen.



"Wag mong sabihin nababakla ka-"Nahinto sa ere ang mga salita ko nang bigla niyang dagdagan ang sinabi niya kanina.


"Pero mas gwapo padin ako,"Pagmamalaki niya.



"Lumakas yung hangin pero ang init padin,"



"Malamang hot ako eh,"Sagot niya.


"See?Wala ka talagang sense kausap."Saad ko ng biglang masalita si Mrs.Batumbacal.


"Ms.Lorenzo!Lumipat ka dun sa bakanteng upuan sa likod sa tabi ni Suarez!Puro ka daldal kala mo naman napakatalito!"Galit na sigaw ni Batumbacal.


"Dsurb!"Tumatawang sabi ni vixen.




"Ikaw Yuller!Anong plano mo sa buhay mo?"Sigaw na tanong niya kay vixen.



"Dsurb!"Tumatawang wika ko bago lumipat sa may bakanting upuan.


"Diyan kana uupo mula ngayon Lorenzo!"Sigaw niya.


"Ang sungit,palibhasa nasa menopausal stage na."Bulong ko.



"Anong sabi mo?"Tanong niya,putek ang lakas ng pandinig eh.



"Yes it is!"Sagot ko.



"Anong yes it is?!"Napipikon na tanong niya.


"Wala po,ganda niyo po, continue niyo na lesson niyo para naman may ambag kayo sa mga estudyante."Deretsong sagot ko dito.


"Aba't!Sino kaba ha?"Tanong niya.


"West po,west lorenzo."Nakangiting sagot ko.


"Alam ko!"


"Sabi ko nga po alam niyo,"Sarkastikong sagot ko.



"Pwedi naba akong mag start?"Tanong niya.

*Walang sumagot.


"Sagot!"Sigaw niya pa ulit.


"Yes,"Sabay sabay na sagot nila.



"Okay let's proceed."



Nag umpisa na siya sa discussion niyang wala naman akong maintindihan,nakakaumay talaga kapag ICT ang topic eh diko naman magagamit sa pagkanta ko yan.


Tumingin ako sa tabi ko,ang gwapo niya sa uniform niya,bakit ba kasi magaganda ang gusto niya?


"What are you looking at?"Tanong niya.


"Huh?Wala ah,di ako nakatingin..."Tango lang ang ibinalik nito.



"Get 1 whole sheet of paper,we have activity about my discussion today,sa mga hindi nakinig ay pasensyahan tayo di ko din pakikinggan ang grades niyo!"Sigaw niya.


"Make an essay about ICT,the function of it and your reflection.Minimum of 5k words,15 minutes duration."She writes it on the board.



Ang nagawa ko nalang ay tumunganga habang nakatingin sa board,what the heck?15minutes duration for pakening shet 5k words?Nababaliw na ba siya?



"Faster!"Sigaw niya nang makita na lahat kami ay napanganga maliban sa katabi ko na parang si flash ata,kakasabi palang ng prof ang dami na agad nasulat na wala naman akong maintindihan kasi ang lalalim ng english niya.


"Nawa'y lahat,"Wika ko habang ako ay wala pang nasisimulan,siguro ay hindi na ako magpapasa,grades is just a number.


"Pass your papers, finished or not finish!"Amputa ang bilis naman niya.


The Unforgettable Melody (EL VENICE SERIES #1)Where stories live. Discover now