ET 2 ⛽️ - Chewing Gum

231 29 88
                                    




TRENTA MINUTO bago ang pasukan ay nakarating na si Hemler sa gasolinahan. Inaasam niyang makita at makasama si Golda. Hindi mawaglit sa kanyang isipan ang malambing at malumanay na tinig nito, ang bilugang katawan, maalon-along buhok at ang matambok na pisngi. Kahit may dalawang may kalakihang tagihawat sa magkabilaang pisngi nito ay balewala para sa kanya.

Matagal-tagal din siya sa ganoong pagmuni-muni nang may sumiko sa kanya. "Hoy, pre! Ano bang iniisip natin diyan? Eh parang ang tamis-tamis ng ngiti mo?" tudyo ng kasamang pump attendant si Michael.

Napatungo lamang siya at patuloy sa pagngiti.

"Parang may nagpapa-inspire sa 'yo ah," hinuha pa nito, saka umupo sa monoblock na upuan. Nasa ilalim sila ng tent. Tinabihan siya nito matapos ilapag ang dalang backpack. "Hmm alam ko na, pre... Si Golda 'no?" nakangising wika nito.

Nilingon niya lamang ito, kasabay ng abot sa taingang ngiti, na nagpapalitaw sa dalawang malalalim na biloy sa kanyang pisngi.

Nang lumingon siya sa kanang bahagi niya ay mas lalong naging matamis ang mga ngiti niya. Dumating na nga ang nilalaman ng kanyang puso at isipan: si Golda. Tila naging teleskopyo ang kanyang mga mata nang masilayan ang dalaga na nasa kalayuan pa lamang. Mga pitong metro pa ang layo nito buhat sa kanya. Kita niya ang mangilan-ngilang namumuong butil ng pawis sa noo nito, na pinahid pa gamit ang mala-kandila nitong kamay.

Niyugyog siya ng kasamang si Michael na siyang nagpapagising sa kanyang diwa. "Pre, baka matunaw si Golda sa kakatitig mo," muling tukso nito sa kanya.

Napailing na lang siya sa tinuran ng kasama. Walang humpay pa rin ang kanyang pagngiti at hindi pinakawalan ng tingin hanggang pumasok sa convenience store ang dalaga.

'May nobyo na kaya siya?' hindi maiwasang maitanong niya sa isip. 'Sana ay wala pa.'

"Hoy mag-punch in ka na rin kaya doon, pre." Siniko siya ni Michael. Nakalimutan pala niyang gawin iyon dahil sa kasabikan niyang makita ang dalagang hinahangaan sa unang pagkikita pa lamang.

Napatawa na lang siya at napakamot sa batok, saka tumuloy na rin sa convenience store.



"HI GOLDA, good morning!" Halos mapatalon si Golda sa takot nang marinig niya ang tinig ng lalaki sa kanyang likuran. Kasalukuyan niyang hinugot ang kanyang time card mula sa pinaglalagyan nito na nakasabit sa dingding.

Kaagad namang pinagbalingan niya ito ng pansin. "Uy Hemler, good morning din! Ikaw pala," maang niyang sagot.

Ngunit ramdam na niya ito kung sino ang may-ari ng tinig na iyon — kay Hemler. Nang titigan niya ang mga mata nito'y tila nanunuot sa kanyang kaluluwa ang kaaya-ayang ngiti ng binata. Mapuputi at pantay-pantay ang mga ngipin na bumagay sa mapupulang labi. Kapag ngumiti pa ito ay may dalawang biloy na lalong dumagdag sa kaguwapuhan nito.

"Oo. Nakapag-punch in ka na ba? usisa nito sabay suklay sa buhok nitong may istilong bowl cut.

"Oo tapos na," maikling sagot niya rito, kunwaring nakatingin siya sa labas. Hindi niya ito matitigan nang diretso dahil pakiramdam niya'y nanghihina siya.

Kumuha siya ng dalawang inventory sheet upang magsisimula na sa trabaho. Ibinigay naman niya ang isa kay Hemler.

"Good morning, ma'am!" panimulang bati niya sa isang sexy at makinis na dalagang lulan ng pulang kotse. Tantiya niya ay hindi sila magkakalayo ng edad. "Full tank ba, ma'am? Premium o Unleaded?" magalang na tanong niya rito at sinserong ngumiti sa kustomer.

EMPTY TANK [Published under 8letters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon