ET 14 ⛽️ - Pineapple Juice

74 14 79
                                    




PAGKATAPOS ihatid ni Hemler si Golda sa kanilang bahay galing namasyal sa park ay naabutan niyang tahimik ang kanilang bahay. Tinungo ang refrigerator upang mahimasmasan ang natutuyong lalamunan at nilalamig na katawan. Bago pa man niya iyon nabuksan ay tumambad ang isang maliit na note na nakasulat sa isang papel na pinunit. Nakaipit ito sa banana magnet sa pintuhan mismo ng refrigerator.

Hemler, pupunta kami kina lolo at lola mo. Pumunta ka rin dito pagdating mo.

Napatampal siya sa kanyang noo. Gustuhin man niyang pumunta sa bahay ng lola't lolo, pero masama ang pakiramdam niya. Pasalampak na umupo sa sofa at kinapa ang remote na nasa center table. Manonood na lang muna siya ng basketball.

'Yes! Galing mo talaga, James!' tuwang sigaw niya, saka pumalakpak, nang maka-three points shot ang paborito niyang si James Yap mula sa Purefoods team.

Tila nawala ang naramdaman niyang mabigat na pakiramdam sa katawan nang makapanood ng PBA game. Mas lalo pang gumaan iyon nang makita ang isang shampoo commercial sa TV. Kahawig ni Golda ang artistang modelo nito. Hindi maintindihan ang sariling naramdaman; kahahatid lang niya ng nobya sa bahay nito ngunit heto at na-miss na niya kaagad. Napangiti na lang siya habang sinuklay ang buhok gamit ang kamay.

Matagal-tagal din siya sa isipang iyon nang marinig ang magkakasunod na katok sa kanilang pinto. Wala rin namang nagsasalita kaya pinntahan na niya agad iyon.

"Saglit lang," kaswal na wika niya, saka tumayo at tinungo ang pintuhan. "Oh, Weng, magandang gabi!" Napakamot siya sa batok na napangiti, nang bumungad si Wendielyn — ang dalagang kababata at kapitbahay nila.

"Leroy, nasira kasi ang aircon namin. Papatingnan ko sana. Wala kasi sina mommy at daddy. May pinuntahang event kasama ang mga friends nila," maarteng wika nito na muwestrang namaypay gamit ang kamay.

"Ahm, a-aah masama rin kasi ang pakiramdam ko, Weng, eh," tanggi niya rito sabay salat ng kanyang noo.

Napasinghap ito, sabay pamaywang at pinaikot ang mga mata. "So hahayaan mo na lang na magkapawis-pawis ako? Kung matuyuan ako ng pawis at magkasakit, sige ka," pagpakonsensiya pa nito. "Alam kong ikaw lang 'tong marunong mag-repair dito sa mga kapitbahay natin."

Ilang segundo ang lumipas pero hindi pa rin siya um-oo kay Wendielyn.

"Leroy, sige na please" pagmamakaawa nito at hinawakan ang kanyang braso sabay paawa ng mukha. "After mong ma-repair ang aircon, I'll treat you for a hot dinner. Nagluto ako ng sinampalokang baboy. 'Di ba favorite mo 'yon?" dagdag pa ng dalaga para kumbinsihin siya.

"Hmm sige na nga. Kung hindi ka lang makulit eh, 'no?"

Nagsimula na niyang binuksan at tiningnan kung anong nasira sa aircon ng kapitbahay na si Wendielyn. Tila naligo na siya sa sariling pawis habang tumuntong sa silya.

"Tsk. Ang thermostat pala nito ang may problema," palatak na wika niya habang patuloy sa pag-aayos.

Nang malingunan ang dalagang kababata ay napalunok siya. Naka-bra lang ito at maong na micro mini shorts. Kita pa niyang may piercing ito na nasa pusod. Nakapamaywang ito habang lumagok ng malamig na pineapple juice.

"Hoy, magdamit ka nga riyan, Weng!"

"Alam mong ang init-init kaya. Kaya bilisan mo na diyan."

Napailing na lang siya at patuloy sa pagkukumpuni. Mahigit trenta minuto rin bago niya tuluyang naayos ang yunit.

"Oh, ito, malamig na ito," wika ni Hemler pagkatapos inikot ang control ng aircon.

EMPTY TANK [Published under 8letters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon