CHAPTER 16

3.6K 56 2
                                    


MAAGA AKONG gumising at nag madaling nag bihis dahil excited na akong lumabas ulit. Nang makababa na ako ay nakita ko si Caleb may kausap sa living room. At dahil may kausap nga siya hindi ko nalang sila inistorbo at diritsong naglakad papuntang pinto. Hindi pa ako masyadong nakakalayo sa living room nang tawagin niya ako, kaya napahinto ako at mariing pinikit ang aking mga mata "where are you going?" he asked me

Lumingon ako sa kanya at binigyan siya ng matamis na pekeng ngiti. Siguro nahalata niya iyon kaya itinaas niya ang dalawa niyang kilay "Hindi ba nag sabi sayo si Nathan na lalabas kami ngayon?" I asked him

"he called me earlier, nag paalam naman siya saakin pero may biglaan silang lakad ni Ninong"

Bumagsak ang dalawang balikat ko nang marinig ko ang sinabi ni Caleb, why! why does this always happen?! At dahil wala nga tayong magawa kailangan nating bumalik sa kwarto at magbihis then mag mukmuk nalang doon.

"Sir, wala na po tayong stuck sa ref, pa g-groceriehin na po ba Sy?" tanong ng mayordoma dito

Mabilis akong bumalik kung saan ako nakatayo kanina "Kami, kaming nalang ni Sy mag g-grocery" volunteer ko

"No" I got a big NO from Caleb "Cal, just now and never again" He shook his head and put down his glass of wine, then approached me "tatakas kananaman?"

What! Tatakas? "hey! hindi na nga ako tumatakas diba? I promised you, right?"

"okay, but I will come with you" I looked at him in surprise "Cal, girls only. Saka kung sasama ka mab-bored kalang, wala kang makakausap"

he looked at me and smiled "who said na wala akong makakausap?..." he looked at the person he was talking to earlier "finish him off, that person is useless. we have nothing to gain from him" and he left

what tf does he mean? Finish him? kill nagugulohan kong tinignan ang kausap nito kanina na ngayo'y may nililigpit na mga papel. I want to ask him but I'm not sure if I should ask him or not. Ayaw ko kasing malaman na pumapatay si Caleb. Hanggang sa makaalis na ang lalaki ay hindi ko parin magawang maitanong sa kanya iyon, talagang sarado lang ang bibig ko at hindi ko magawang makapag salita.
‍ ‍ ‍ ‍‍‍    ‍   ‍     ‍‍    ‍   ‍     ‍‍    ‍   ‍     ‍‍    ‍   ‍     ‍‍    ‍   ‍     ‍‍    ‍   ‍     ‍‍    ‍   ‍     ‍‍    ‍   ‍     ‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍‍ ‍ ‍ ‍
I JUST FOUND myself talking to Sy while looking for the things we need. habang namimili ay hindi ko maiwasang tignan sila Caleb kung sumusunod paba sila. Kasama kasi namin si Jasper sila ni Caleb ang nag tutulak ng cart namin

"Kaya ayon, umuwi nalang din ako ng maaga" ani ni Sy na nagpagising saakin. Nag kukwentohan kasi kami "Hindi mo naman kailangan mahiya, mababait naman kami sa mga mababait saamin" ani ko

“salamat Yara ah. alam mo sa mansion ni sir, isa lang talaga kaibigan ko doon at ikaw yun” taka ko siyang tinignan “what do you mean?” tanong ko sa kanya. Ngumiti siya saakin at umiling “ahm... wag mo nalang siguro isipin yun. taposin na natin to?” kahit na gusto ko siyang pilitin ay hindi ko nalang ginawa, kung ayaw niya talaga pag usapan yun, hindi ko nalang siya pipilitin. Tumango ako at pinagpatuloy na ang ginagawa namin

Nasa kalagit-naan kami ng pamimili ay biglang sumingit sila Caleb at kinuha yung listahan ng mga bilihin saka mabilis itong pinunit at ibinigay kay Jasper ang isang piraso ng papel, at sa kanya naman ang isa“this list is too long. Matatagalan tayo kung magsasama-sama tayo” I was still surprised by what he did, but eventually I nodded “Yes you're right...” kinuha ko ang hawak niyang papel at tinignan siya “You and Jasper will go together and Sy and I will go together” His two eyebrows rose “No. alam kong mas mahaba pa sa listahan ang kwentohan nyo. Mas matatagalan tayo”

“so Sy will come with me...” singit ni Jasper at hinawakan ang kamay ni Sy saka ibinulsa ito sa bulsa ng jacket niya “and you two will be together” aniya bago tangayin si Sy. Kaya naiwan kami ni Caleb. Mga ilang segundo kaming tahimik bago nito basagin ang katahimikan “I'll just get a cart, you stay here” aniya bago umalis.  I looked at the list tinignan ko kung meron ba kaming kailangang bilhin dito sa row ng mga delatang pagkain. Nang may nabasa ako ay mabilis ko itong hinanap. Nang mahanap ko ito ay bigla akong nanghina dahil nasa tuktuk ito nakalagay. maybe I'll just wait for Caleb.

Pero hindi talaga nananahimik yung konsensya ko at pinipilit na abotin yun “malapit na, kaya mo'to” cheer ko sa sarili ko nang mahawakan ko na ang lata. Bigla akong nainis nang may kumuha sa latang nakapa ko, kaya mabilis kong hinarap kung sino yun.

“You are having a hard time...” at inabot saakin ang latang iyon “here. Let me help you” I still can't take my eyes off of him “hey?” he called my attention causing me to take my eyes off him. Narinig ko ang mahinang tawa niya

“I didn't like what you did, but thank you” ani ko at umalis na sa harapan niya. Umalis ako sa section na iyon at hinanap ko si Caleb. Ba't ang tagal nung lalaking yun? he made me wait for a long time. Ipinalibot ko ang mga tingin ko para mahanap siya. Pero wal– “I said, stay here” sabi ng kung sino sa likuran ko. I rolled my eyes “ang tagal mo eh” I saw the smile on his lips “are you worried?” he asked me “no, let's go” I said at nauna ng umalis sa kanya. I'm not worried, but I'm scared when he's not by my side. I feel safe when I'm with him, so sometimes I feel uncomfortable when he leaves me.
‍    ‍   ‍     ‍‍    ‍   ‍     ‍‍    ‍   ‍     ‍‍    ‍   ‍     ‍‍    ‍   ‍     ‍‍    ‍   ‍     ‍‍    ‍   ‍     ‍‍    ‍   ‍     ‍‍    ‍   ‍     ‍‍    ‍   ‍     ‍‍    ‍   ‍     ‍‍    ‍   ‍     ‍‍    ‍   ‍     ‍‍    ‍   ‍     ‍‍    ‍   ‍     ‍‍    ‍   ‍     ‍

MAFIA BOYS SERIES #1 : CALEB EASTONWhere stories live. Discover now