𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 1

876 17 0
                                    

CHAPTER 1

SOPHIA YSABELLE'S POV
    
“Kailangan mong mamatay Sophia! Kailangan mong bumalik!”

Isang sigaw ang nagpahinto sa akin sa paglalakad at napabaling sa kanya.

Kunot noo ko siyang tiningnan at natawa ng pagak “Tinanggap ko ng buong puso ang mis’yon at ngayon ‘yan ang sasabihin mo?” Hindi makapaniwalang saad ko rito.

Nakita ko naman siyang bumuntong hininga. “Makinig ka Sophia, Kailangan mong pagbayarin ang kumitil sa buhay ng Pinakamataas na prinsesa ‘yon ang mis’yon mo at... Kailangan mong mamatay... ULIT! Para pagbayarin ang nasa likod ng pagkamatay niya” Diniinan pa niya ang salitang ‘Ulit’.

“Ano bang pinagsasabi mo? Anong mamatay ulit?” Hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya.

“You have to turn back and face the real you” Bakas sa tono niya ang pagsusumamo at parang desperadang nakikiusap sa akin.

Napahawak ako sa aking ulo at napatingin sa kanya. “Turn back? Face the real me? Hindi kita maintindihan, tinanggap ko ang weird mong pinag’uutos, ngayon... gusto mo akong mamatay?”

“That’s not what I've mean Sophia Quinn! Ang mis’yon mo ay hanapin ang pumaslang sa dating pinakamataas na prinsesa.” Maikling ani niya habang lumalapit sa akin.

“Alam ko ‘yan, ‘Yan ang totoong hangarin ko kaya nandito ako ngayon” Walang ganang saad ko.

“Hindi kasi ganon ‘yon, Nagkamali ka kaya wala kang maalala. Burado lahat ng ala’ala mo at ngayon pinapabalik na kita para malaman mo ang totoong pumaslang sa dati mong kadugo.” Malambot niyang saad.

Naestatwa naman ako sa aking narinig, kadugo? Wala na akong mga kamag’anak o pamilya man lang.

“Alexia?” Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya. “Alam mo namang wala na akong mga kamag’anak” Madiing saad ko rito.

Umiling’iling naman siya.

“D’yan ka nagkakamali Sophia, Nanggaling na mismo sa bibig mo na hangarin mong malaman ang pagkamatay ng Pinakamataas na prinsesa, na siya ‘ring kapatid mo”

Magkasalubong ang mga kilay ko habang kaharap siya “Diretsohin mo nga ako Alexia, Hindi kita maintindihan”

“Hindi mo talaga ako maiintindihan, masasagot lahat ng katanungan mo sa pagbabalik mo..... sa totoo mong katawan” Makahulugang sabi niya at hinawakan ang aking dalawang balikat.

Nasa likod ko ang isang malalim na balon kaya pinapakiramdaman ko ang mga kilos nito.

Tumawa naman ako sa sinabi niya at napahawak pa sa aking bibig. Hindi ko akalain na marunong na pala siyang mag joke, sumama naman ang mukha niya sa inasta ko.

"I get you, Parang sinasabi mong Reincarnation? Sasapi ako sa katawan ng iba?” Natatawang saad ko rito, tumango naman siya.
“Makinig ka Sophia” Sabi nito

“Uulitin ko, may pagkakamali ka kaya wala kang maalala. Ang kailangan mo ay... Bumalik sa dati mong katawan, wala kang ma’aalala pag nakabalik ka na sa dati mong katawan tanging mukha at pangalan mo lang ang mananatili sa iyong isipan. Pati itong mga sinasabi ko ay malilimutan mo rin. Pero wag kang mag’alala babalik paunti’unti ang mga nangyayari ngayon.” Mahabang lintaya n’ya.

“Hindi ka sasapi sa ibang katawan, ibabalik lang kita sa totoo mong katawan”

“Ang totoo mong pangalan ay Sophia Ysabelle Quinn at ikaw ay nabubuhay bilang isang dugong bughaw na babae at ang mis’yon mo ay panagutin ang pumaslang sa nakakatanda mong kapatid” Mahabang sabi pa niya.

“Nasaan na ang Badass na babaeng kilala ko?” Nahihimigan ko ang pagkalungkot sa kanyang boses. Kumurap ako at tiningnan siya sa mata.

“Nasa harapan mo lang” Tugon ko rito.

“Alexia, from the first place you know that I don't believe in fantasy. Reincarnation is pure Fiction” Saad ko pa rito, animong pinapaintindi ‘yon sa kanya.

“Then let me prove it”

Akmang tatanggalin ko ang kanyang mga kamay sa aking balikat ng bigla niya akong malakas na itulak.

Nanlaki ang mga mata ko at parang nag slow motion ang paglaglag ko, Wala akong makapitan tanging ang malamig na hangin lang ang dumadampi sa katawan ko.

Biglang nag flashback sa akin ang mga sinabi nito at...

“Naiintindihan ko na... Ang hangarin ko ay malaman ang totoong pumaslang sa Highest Princess at malalaman ko lang ‘yon sa pagbabalik ko”

“See you soon, Young Princess”

Huling salita’ng narinig ko bago nagdilim ang aking paligid...

Napabalikwas ako ng bangon at napahawak sa aking dibdib, malapit sa aking puso.

Tanging malakas na pag kabog ang naririnig ko, parang nabibingi ako sa uri ng tibok ng puso ko. Napapikit na lang ako at dinama ang hangin na dumadampi sa aking pisnge.

“Tawagin niyo ang Empress! Buhay ang kanyang isang anak!” Isang malakas na sigaw ang nagpamulat sa aking mata na siya ‘ring ikinabaling ko sa kanang bahagi ko kung saan nanggaling ang boses ng babae.

Nang magtama ang mata namin, nababasa ko ang kanyang saloobin. Nakikita kung nalulungkot siya na may halong saya.

“Buhay ka, kamahalan” May kahinaang sambit nito at hinaplos ang aking pisnge. Nakatulala lang ako sa kanya.

“Maligayang pagbabalik” Makahulugang saad nito. Nakatunga’nga lang ako sa kanya, hindi ko maunawaan ang pinagsasabi nito.

Magsasalita sana ako ng may biglang sumigaw.

“Yssabelle !” Rinig kung sigaw ng isang boses babae.

Parang nag slow motion ang paligid ko ng bumaling ako sa direk’syon ‘non.

Isang babaeng may gasgas sa pisnge ang tumatakbo papunta sa akin.

Nang tuluyan na itong makalapit sa akin, mabilis pa sa kidlat ako nitong binalot ng kanyang braso.

Isang mahigpit na yakap ang natanggap ko dito at naramdaman kung hinagod nito ang aking likod.

Pero nang maramdaman niyang hindi ko sinuklian ang yakap niya, kumawala siya at hinawakan ang dalawa kung balikat.

“Ysabelle, ayos ka lang ba?” Nagtatakang saad nito, nahihimigan ko ang pag’aalala sa boses nito.

Napangiwi ako ng biglang sumakit ang isang bahagi ng ulo ko, lumapat doon ang kamay ko at napapikit nalang ako sa hatid na sakit ‘non.

“Yssabelle anak” Nag’aalalang pagtawag nito.

“Tumawag ka ng manggagamot, bilisan mo!” Natataranta’ng sigaw nito sa babae. Nakarinig ako ng mabilis na pagtakbo.

Pagmulat ko, ultimong naging malabo ang paningin ko at mahina nalang ang naririnig ko.

“Yssabelle!” Huling sinabi nito at naramdaman kung unti’unting dumidilim ang aking paningin.

Ngunit, nasaan nga ba ako?

Isa lang ang alam ko, Hindi ako si Ysabelle.     

𝗥𝗜𝗘𝗡𝗖𝗔𝗥𝗡𝗔𝗧𝗘 𝗔𝗦 𝗔 𝗕𝗔𝗗𝗗𝗔𝗦 𝗛𝗘𝗜𝗥𝗘𝗦𝗦Where stories live. Discover now