𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 19

158 5 0
                                    

CHAPTER 19
    
May naalala naman ako na dapat ko palang itanong sa kanya.

“Tungkol sa Reunion na magaganap bakit kailangan ko pang dumalo?” Takang tanong ko at napangiwi ulit sa dulot na sakit nang parang karayom na bagay.

“Dahil, sakaling makaharap mo ang iilang mga tagapagmana at maaaring may malaman ka tungkol sa nangyari tatlong taon na ang nakaraan” Saad nito.

“Three years ago where the Supreme Princess was murdered without a trace at the same Reunion” She said almost whisper.

“There was no finger print but she have a wounds” She said almost whisper again, “Some of them envy her for being the Supreme partner of Mister Klint. Everyone can’t accept the fact that she is the chosen one and soon to be highest ranked lady in the history” Mahinang saad pa nito.

“About that Morgan, ano ang relasyon niya sa kapatid ko?” Takang tanong ko.

“Base sa narinig ko sa iba may relasyon raw sila ngunit, ang totoo ay wala naman talaga. Ang tatlong rango na may mataas na posisyon sila, Kaiken, Klint at Eros... Hindi ko maiitatanggi na minsan ay humanga sila sa naging kakayahan ng isang dalaga na kasing tigas ng bato” Nakangiting saad niya.

“Ngunit sa pagkakatanda ko, Hindi lamang sila ang humanga sa angking ganda at kakayahan ni Lady Litezia, marami pa ang mga humanga sa kakayahan nito at tiyak ako na katulad ng tatlo ay gano’n rin ang trato ng supreme princess sa kanila” Nakangiting Ani pa niya.

Napatango nalang ako at ibinaling sa kabilang dako ang aking atens’yon.

Napapangiwi ako at di kalaunan ay unti unting nasasanay sa sakit ng parang karayom na bagay.

“Ha? A...Anong?” Biglang saad ni Alexa na ikinataka ko at ikinabaling dito.

“Anong nangyari?” Takang tanong ko, “May gusto ka pa bang sabihin?” Takang dagdag ko pa.

Pero iling lang ang tugon nito sa akin, “Ang ink, bakit ayaw kumapit sa balat mo?” Takang saad niya ikinakunot ng noo ko at tiningnan ang namumulang balat sa ilalim ng aking collar bone at tulad ng sinabi ni Alexa ganon rin ang nakita ko.

“Dapat masyado itong pink, bakit parang naging powder pink nalang? Imposible” Mahinang saad pa niya.

“Ipagpatuloy mo” Utos ko rito at pinikit ulit ang aking mata.

Tulad ng aking iniutos, pinagpatuloy niya ang paglalagay ng simbolo sa aking katawan.

Napatingin ako sa malaking salamin at nakasuot ng isang asymmetric na damit at kitang kita ang tattoo na pinagawa ko sa malapitan.

Hindi man siya masyadong maitim ang kulay, sapat pa rin ang design na ‘yon sa aking pinagawa.

Hindi man masyadong kumapit ang tinta ay maganda naman ang kinalabasan ng aking pinagawa.

“Mukhang hindi masyadong hiyang ang inyong dugo Young Highness kaya hindi kumapit masyado ang tinta sa inyong balat” Mahinang ani nito.

“Tila, ayaw nang dugo niyo na tanggapin ang dini’desin’yo sa inyong katawan” Natatawang saad pa niya.

Ang ganda nang pagka ukit sa bulaklak.

Pero ang kulay nito ay katamtaman lang at hindi masyadong maitim.

Parang may pumipigil na dumampi at kumapit ang tinta sa aking balat.

Hindi ko mapigilang hawakan ang aking pinagawang tattoo.

“Tiyak na kung titingnan sa malayuan ay hindi ito masyadong maaninang pero kung sa malapitan klarong klaro ang pinagawa niyo at isa pa masyadong maganda ang pagkagawa, tiyak na mapapansin kaagad ‘yon” Nakangiting Ani nito.

𝗥𝗜𝗘𝗡𝗖𝗔𝗥𝗡𝗔𝗧𝗘 𝗔𝗦 𝗔 𝗕𝗔𝗗𝗗𝗔𝗦 𝗛𝗘𝗜𝗥𝗘𝗦𝗦Where stories live. Discover now