CHAPTER 33
“Gaano ba kayo kasigurado sa bago niyo, Wolf ranker?” Biglang saad ng lalaki.
“Bakit parang ayaw mo ata sa bagong highest ranker namin, Izzykiel?” Ngising banat naman ni Laxxus sa lalaki.
Izzykiel? Narinig ko na ang pangalan na iyan ah.
“May trust issue siguro, King Laxxus” Natatawang banat naman ni Eros rito.
“W-What?” Kaagad na ungot ng lalaki.
“Don’t worry Fox, kailan pa ba nagkaroon at nagpapasok ng mahina ang mga Wolf?” Banat pa ni Laxxus.
Narinig ko ang paghinga ng marahas ng Izzy na iyon, “Baka ngayon lang” Sarkastikong banat niya.
Laxxus scoffed sarcastically.
“Let’s talk about her appearance? I’m pretty sure that I stand the most!” Napatingin ako sa may rosas na maskara at hindi talaga ito nagpapatalo.
“Appearance? Nah, She stand the most” Iiling-iling na sabi ni Laxxus rito.
I stand the most?
“Her appearance can make you question your self if ever you deserve to see her. Baka mabaliw ka nanaman dahil mas lamang pa siya sa iyo” Banat naman ng ilang Wof Ranker rito.
“Bakit niyo ba siya pinag-uusapan? The last time I saw Sophia, she was in the corner with her escort I guess. Gusto niyo ba siyang makita? Pwede ko siyang tawagin” Inip na saad naman ni Farah, napatawa ako ng mahina.
Hindi niya alam na nandirito lang ako at nasa harapan niya lang mismo at ang tinutukoy niya ay ang pekeng ako.
“Don’t bother to call her, baka mabigla pa siya pagnakita ang mga Fox” Saad naman ni Kaiken rito.
“Hinahamon niyo ba kami?”
Nabalot ng kakaibang atmospera ang buong lugar, nagsisitagisan sila ng mga masasamang tingin at ramdam na ramdam ang tensiyon sa pagitan nilang lahat.
Matiim lang akong nakamasid sa kanila habang nakapilig ang ulo sa malaking katawan ng puno.
This people, alam kung isa sa kanila ang hinahanap ko.
Biglang umihip ang malakas na hangin, nabalot ng katahimikan ang buong paligid kaya napagpasyahan ko na wasakin iyon.
Malayo pa ang reunion pero bakit parang may magaganap na away pa rito.
“Reunion is coming, Good luck rankers” Mahinang saad ko kasabay ng isang malakas na ihip ng hangin at sunod sunod na pagtawag sa akin ng mga royal guard.
“Young Princess!!”
“Young Highness!!”
“Lady Sophia”
“Young Lady!”
Ngayon ay nakuha ko nanaman ang kanilang atensiyon ulit, nawasak ang kakaibang atmospera pero ang aura ng iba ay hindi nagbabago.
Ngumiti ako sa kanila, “It was nice to meet you all, Fox and Wolf Rankers” Nakangiting ani ko at umalis mula sa pagkakasandal sa malaking katawan ng puno at nagsimulang maglakad at nilagpasan ang dalawang grupo.
Inayos ko ang buhok ko na inaalon ng hangin at kaagad bumungad sa akin ang mga royal guard na parang kanina pa naghahanap sa akin.
Bago ako umalis ay bumaling muna ako sa kanila, “I hope I can get to know you all more...” for the sake of the justice of my sister’s death.
“Then attend the reunion and I will find you cause I have some questions that only you can answer” Biglang sabat naman ng malamig na boses ni Laxxus.
YOU ARE READING
𝗥𝗜𝗘𝗡𝗖𝗔𝗥𝗡𝗔𝗧𝗘 𝗔𝗦 𝗔 𝗕𝗔𝗗𝗗𝗔𝗦 𝗛𝗘𝗜𝗥𝗘𝗦𝗦
De Todo𝐓𝐡𝐢𝐬 𝐢𝐬 𝐚 𝐰𝐨𝐫𝐤 𝐨𝐟 𝐅𝐢𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧, 𝐍𝐚𝐦𝐞, 𝐂𝐡𝐚𝐫𝐚𝐜𝐭𝐞𝐫𝐬, 𝐏𝐥𝐚𝐜𝐞𝐬,𝐄𝐯𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐈𝐧𝐜𝐞𝐝𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐚𝐫𝐞 𝐞𝐢𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐫𝐨𝐝𝐮𝐜𝐭 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐀𝐮𝐭𝐡𝐨𝐫'𝐬 𝐢𝐦𝐚𝐠𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐫 𝐮𝐬𝐞𝐝 𝐢𝐧 𝐚 𝐟�...