CHAPTER 4
Hindi ko maintindihan kung ano ba ang pilit na ipinapahiwatig ng mga senar’yong lumalabas at pilit na sumisiksik sa aking isipan. Masyado ‘yung malabo, sekreto akong pumikit at pilit na iniisip kung anong magiging karugtong ng senar’yong ‘yon.Kumpara sa una medyo maayos ang mga senar’yong nakikita ko. Pilit kung hinahalungakat ang aking isipan.
Lumabas naman ang isang imahe na blurd. “You have to turn back and face the real you” Ani ng babaeng hindi ko naman kilala.
“Makinig ka Ysabelle”
“Wala akong kilalang Ysabelle” Napahinto ako nang marinig ko mismo ang sarkastikang boses ko.
“Uulitin ko, may pagkakamali ka kaya wala kang---” Hindi na natapos ang sasabihin nito nang napamulat ako ng mata nang makarinig ako ng bumagsak na kubyertos.
“Sophia! Ayos ka lang ba?! Bakit dumudugo ang ilong mo!” Nagulat naman ako sa sinabi nito at agad na lumapat ang kamay ko sa ilong ko at tulad no’ng nakaraang araw nakapa ko ulit ang isang malapot na likido.
Mabilis siyang tumayo at sinenyasan ang mga katulong, Nilapitan niya ako at sinuri ang aking ilong.
Nababasa ko sa kanyang mata ang pag’aalala kaya hindi ko mapigilang magsalita. “Wag ka po’ng mag’alala, ayos lang ako” Magalang na saad ko para gumaan gaan naman siya.
“Pano ako hindi mag’aalala? Ako ang Momma mo kaya responsibilidad kita”
Mariing ani nito sa seryusong boses kaya napatikom nalang ako ng bibig. Pinatayo niya ako at nilisan namin ang hapagkainan. Pinaupo niya ako sa isang sofa kaya isinandal ko kaagad ang aking likod. Umupo naman siya sa gilid ko.
“Natatakot na ako, Sophia. Bakit palaging dumudugo ang ilong mo?” Hindi mapigilang saad nito, napatingala naman ako at napapikit. Siguro dahil pinipilit ko ang sarili ko na malaman ang tungkol sa senar’yong pumapasok sa utak ko na dapat ay hindi ko gawin.
Huminga ako nang malalim at nagmulat ng mata, bumungad kaagad sa akin ang mukha ng lalaki’ng doctor. Inabotan niya ako ng tissue na agad kong tinanggap at pinahid sa aking ilong.
Nakatingin siya sa akin habang pinapahid ko ang dugo sa aking ilong, hindi naman masyadong malakas ang tagos ng dugo sa aking ilong kalaunan ay titigil rin. “If you're forcing your self to know about your past, I suggest you to stop. It won't help, babalik rin naman ang alaala mo. Hindi nga lang ngayon”
Seryusong saad nito kaya napahinto ako sa pagpapahid ng tissue sa aking ilong at kunot noo siyang tinanong “Pano mo nalaman?”
Tinaasan niya lang ako ng kilay bago siya nagsalita ulit “It is for me to hide and it's for you to find out” Ngising saad niya kaya inirapan ko nalang ito.
“Young Princess! Anong nangyari sa ‘yo” Hindi kalayuan narinig ko ang boses ni Alexa. Nangunot ang noo ko, bakit parang ka’close ko sila sa uri palang ng pagsasalita nila sa akin.
May naaalala naman ako na tungkol sa akin pero bakit hindi ko makuha ang pinapahiwatig ng isang babaeng panay ang dalaw sa aking isipan?
Narinig ko nanaman ulit ang pag’aalala sa boses ni Momma ng magsalita ito “Anong nangyayari kay Sophia? Bakit dumudugo ang ilong nito”
Sumabat naman agad ang lalaking doctor “Nakakalungkot mang sabihin pero, ang ilang alaala niya ay burado pa pero masasabi kung babalik pa ito, Hindi nga lang ngayon kailangan ng isang maikling oras para bumalik ito. Nagdurugo ang kanyang ilong dahil pilit niyang inaalala ang nga nawawalang parte ng pagkatao niya” Saad nito sa seryusong boses.
Nakita kung inalalayan ni Alexa si Momma na tumayo at pinaypayan pa nito ito. I feel pity for her. I know her, She's my mother and I adress her Momma unti unti ko siyang naaalala sa tatlong araw ko rito. Pero bakit may pilit na pumapasok sa aking isipan na hindi ko malinaw’linaw. Isang babaeng hindi naman pamilyar sa akin na parang pina’pakiusapan ako nito at isa pang babae, sa kanilang dalawa parang iisa lang ang nararamdaman ko. Pagkalungkot.
Hindi ako malinawan kung bakit nangyayari ito, Alam ko sa sarili ko nawawala ang ilang parte ng alaala ko na kailangan kung alamin.
“Aalis muna ako, hindi ko kayang marinig ang maari mong sabihin” Isang malamig na boses ang narinig namin mula kay momma.
“Mahal na Emperatress” Mahinang bulong ni Alexa, bago pa tumalikod si momma tiningnan niya ako at nginitian bago pinahid ang luhang kusang bumagsak sa kanyang pisnge.
Tinapik naman ni Alexa ang aking balikat kaya napabaling ako sa kanya “Magiging maayos ang lahat, Hindi lang kayang sikmurain ng Empress ang nangyayari sa kanyang natitirang Anak” Malambot na saad nito.
Nginitian ko naman siya “Naiintindihan ko siya, uunawain ko siya at aalamin ko ang mga buradong alaala ko para hindi na siya masaktan” Tugon ko rito.
Bigla namang sumabat ang lalaki “Tulad nga ng sinabi ko kanina kailangan mo ng isang maikling oras para bumalik lahat ng alaala mo” Binalingan ko naman siya ng tingin.
“Gaano ka ikli?” Takang tanong ko, tumawa naman siya at pinakita sa akin ang kanyang daliri at tumant’ya.
“Sobrang ikli, Alam kung naaalala mo na ang Emperatress at unti’unti mo na ring naaalala si Litezia” Ngiting saad niya, napahawak naman ako sa aking ulo at napayuko ng sumugid ang sobrang sakit na kung ano sa aking ulo.
“Ahhh!!!”
“Sophia, Hali ka! Maglalaro tayo!”
“Ysabelle! Nasaan ka na nandito na si Ate Litezia”
“I prefer home school for my dearest Sister”
“She will attend a Home schooling rather than to attend in that kind of Academy that teach self defense and the student is aware of killing”
“I, Litezia Annabella Quinn take the position and responsibility of the Supreme Princess, I will promise, I'll fulfill the lost legacy of my Father and Mother as the highest Princess”
“I, Sophia Ysabelle Quinn accept the position as the Young Princess of the Respected House of Quinn Family”
“Wala na siya! Patay na siya! Sino ang lumapastangang pumatay sa nag’iisang tagapagmana ng posis’yon?!”
“A....Ate Litezia, Anna!!!”
Sandamak’mak na scenario ang pumapasok sa aking isipan na siya ri’ng dahilan kung bakit parang mabibiyak ang aking ulo sa hatid nitong sakit.
Naramdaman kung may yumuyug’yog sa akin, minulat ko ang aking mata pero malabo lang ang nakikita ko kaya pinikit ko ulit ito.
Umabot narin sa aking labi ang dugong tumutulo sa aking ilong, nalalasahan ko na ang parang kalawang nitong lasa. Isa namang Scenario ang pumasok sa aking isipan at nakaharap ako sa isang babae na hindi ko makilala.
“Ang totoo mong pangalan ay Sophia Ysabelle Quinn at ikaw ay nabubuhay bilang isang dugong bughaw na babae at ang mis’yon mo ay panagutin ang pumaslang sa nakakatanda mong kapatid”
Nakaramdam ako ng pagkahilo dahil sa sakit na dulot nito, parang nawawala ako sa aking sarili. Pakiramdam ko humihiwalay ang aking kaluluwa sa aking sariling katawan.
“Sophia, naririnig mo ako? Sophia imulat mo ang mga mata mo” Pati ang boses ni Alexa ay hindi ko na masyadong marinig.
Si ate Litezia ang tinutukoy nito.
Litezia, My Eldest sister.
YOU ARE READING
𝗥𝗜𝗘𝗡𝗖𝗔𝗥𝗡𝗔𝗧𝗘 𝗔𝗦 𝗔 𝗕𝗔𝗗𝗗𝗔𝗦 𝗛𝗘𝗜𝗥𝗘𝗦𝗦
Random𝐓𝐡𝐢𝐬 𝐢𝐬 𝐚 𝐰𝐨𝐫𝐤 𝐨𝐟 𝐅𝐢𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧, 𝐍𝐚𝐦𝐞, 𝐂𝐡𝐚𝐫𝐚𝐜𝐭𝐞𝐫𝐬, 𝐏𝐥𝐚𝐜𝐞𝐬,𝐄𝐯𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐈𝐧𝐜𝐞𝐝𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐚𝐫𝐞 𝐞𝐢𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐫𝐨𝐝𝐮𝐜𝐭 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐀𝐮𝐭𝐡𝐨𝐫'𝐬 𝐢𝐦𝐚𝐠𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐫 𝐮𝐬𝐞𝐝 𝐢𝐧 𝐚 𝐟�...