𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 30

157 3 0
                                    

CHAPTER 30

KAIKEN NEVAREZ'S POV

Nakatingin lang ako sa may gilid habang nakikinig sa speech ng Ginang ng mga Quinn.

Hindi ko kilala ang ibang nakakasalamuha ko at kasalanan iyon ng mga maskara, kinukubli nito ang mga mukha ng mga tao na nasa paligid ko.

Nagmamasid masid lamang ako at naghahanda kung may pupunta sa aking pwesto.

Ang lugar na ito ay walang pinagbago, sadyang maganda pa rin at hindi napaglumaan.

Ang swerte talaga ng mga Quinn.

Napangisi ako sa iniisip at napailing, wala na pala ang tagapagmana ng mga Quinn kaya tiyak na babagsak rin sila.

“Yo! Nevarez”

Inayos ko ang pustora at hinarap ang tumawag sa akin.

Nagsalubong ang kilay ko ng makita ang isang babae na nakasuot ng kulay lilang maskara at animong lalaki kung kumaway.

Hindi ko saulado ang kanyang mukha pero basi sa kanyang boses ay tiyak akong siya si, “Sheakriz?” Mahinang sambit ko.

Narinig ko itong umangal habang papalapit sa aking pwesto, may hawak hawak siyang pamaypay at nakabukas iyon tinatakpan ang walang maskara niyang mukha.

“Just Kris, Sheakriz is too much feminine” She scoffed.

Nawalan ako ng emosyon ng makomperma na siya nga ito, “Ano ang ginagawa mo rito?” Malamig na ani ko.

Narinig ko siyang tumawa ng mahina, “Malamang imbitado ako at isa pa baka nakakalimutan mo ang relasyon ng aking pamilya sa mga Quinn?” Nang-uuyam niyang ani.

Nagsalubong pa lalo ang aking kilay at kumibot ang aking labi.

“You are a fox academy ranker, and this household’s heir is a Wolf Academy supreme ranker. What do you think are you doing here?” Balik uyam na ani ko.

Narinig ko pa siyang tumawa ng mahina, “Too bad of you Nevarez, masyado mo akong minamaliit parang may pinupunto ka. Care to tell me?” Malambot na aniya at lumapit sa akin.

She closed the little distance between us.

“Fox Academy, those cunning fox who-” I haven’t even finish my words when she cutted it using her mischievous voice.

“Who poisoned and killed the supreme ranker, Litezia Blythe Annabella Quinn... The Heir of Quinn household? Isn’t it?” She finished.

Inayos nito ang hawak na pamaypay at itiniklop pagkatapos ay binaba, she’s showing me her vicious smile.

“Nah ah, Nevarez. Fox Academy can’t do that. Malay natin ikaw pala ang gumawa nun at ibinibintang lamang ang kamalian mo sa amin” Mapaglaro niyang saad pa.

She’s trying to pissed me.

Bago pa ako makapagsalita ay nahinto ako ng marinig ang isang anunsiyo na hindi ko inaasahan. Parang nanigas ako sa kinakatayuan at naging tuyot ang aking lalamunan sa narinig.

“I, the respected lady of Quinn’s Household representing the Pride and Successor of Quinn Household!”

Lalo akong natameme ng humarap at bumungad sa akin ang babaeng purong puti at may tattoo malapit sa ilalim ng collarbone nito.

Hindi ko pinansin ang pagpalakpak ng katabi ko at kasabay nun ay ang mahina niyang tawa.

“Isn’t it lovely? She’s shouting power and respect” Narinig ko pang sabi nito sa likuran ko, “What I am expecting to her bloodline?” Nasasayahang ani pa nito.

𝗥𝗜𝗘𝗡𝗖𝗔𝗥𝗡𝗔𝗧𝗘 𝗔𝗦 𝗔 𝗕𝗔𝗗𝗗𝗔𝗦 𝗛𝗘𝗜𝗥𝗘𝗦𝗦Where stories live. Discover now