𝗖𝗛𝗔𝗣𝗧𝗘𝗥 29

149 4 0
                                    

CHAPTER 29

Napatawa ng mahina si Momma, “That’s good to hear. Rest now, tomorrow ay tiyak na masusorpresa ka kung gaano karami ang bibisita sa atin rito na maski ang malaki nating living room ay hindi pa sapat”

Natawa naman ako sa sinabi ni Momma at natulog na ako. Tomorrow is a big day I can't wait to see there reaction.

Simple lamang ang suot ko at bumagay ang kulay ng aking damit sa aking balat, ang desinyo nito ay sapat na para makita nila ang tattoo ko.

Nakasuot ako ng puting maskara na kumikinang sa tulong ng kulay ginto nitong palamuti. Halos kalahati ng aking mukha ay sakop nito, hindi ako nila makikilala sa ganitong kasuotan.

Nakapusod rin ang aking buhok at may ilang hibla na iniwan sa magkabilang gilid na nililipad lipad sa tuwing naglalakad ako.

Naririnig ko ang tunog ng mga mamahaling mga alahas pag nagbabanggaan ito at ang tunog ng aking hindi kataasang takong habang naglalakad ako.

Papalapit ako sa balkonahe kung saan makikita ko ang labas at mga tumpok ng tao.

Ang mga makukulay na ilaw ng mga fountain na nakatayo sa magkabilang gilid sa ibaba.

“Young Highness”

Nahinto ako sa paglapit sa nakabukas na pintuan ngbalkonahe ng marinig ang boses ni Alexa.

Kaagad ko siyang binalingan, nakangiti ang mapupula nitong labi at napakaganda niya sa suot niya na parang dugo sa pula, ganoon na rin ang desinyo ng kanyang maskara.

Nasa likuran niya si Luhan at napakalinis nito sa suot suot, iba rin ang kanyang pag-ayos sa kanyang buhok.

Nagsiyukuan silang dalawa sa akin at binanggit ang salitang, “Young Princess”

Patakbong lumapit sa akin si Alexa na huminto lamang sa aking harapan habang nakangiti at labas ang mapuputing ngipin nito.

“Ang ganda!! Bagay po sa inyo ang suot niyo, hindi talaga nagkakamali ang Mahal na Ginang sa kanyang ipinagawang kasuotan sa iyo. Bagay na bagay at mula sa aking pwesto kanina nakikita ko ang tattoo na ako mismo ang gumawa” Nakangiting sambit niya.

“Ang mga alahas ay bumagay sa iyong maputi at malambot na kutis, ang kulay ng suot mo ay kasing kulay ng iyong buhok” Nakangiting sambit pa niya.

“Kung hindi ko lang talaga kabisado ang mga kasuotan mo, tiyak na hindi kita makikilala. Young Highness” Manghang dagdag pa niya.

Natawa na lamang ako ng mahina sa iniakto nito.

“Sophia Ysabelle” Dumapo kaagad ang aking mata sa kay Momma at nakita ko siyang papalapit sa akin.

Marahan niya akong niyakap ng makalapit siya sa akin, sinuklian ko rin ang yakap niya. Hinaplos niya pa ang aking buhok.

Sa likuran ni Momma ay sandamakmak na mga Royal Guard at nakapormal at may kanya kanyang mga maskara ang mga ito.

Parang mga alon sila ng nagsiyukuan ang lahat sa akin, “Young Princess” Sabay sabay na saad nila.

“This is the day, the day where we will stand out again. Are you ready, my dear daughter?” Malambot na tanong nito, ngumiti naman ako at sinagot ito.

“I’m always ready” Saad ko rito.

“Good to hear, alam kong alam mo na kung ano ang gagawin mo” Malambot na ani nito at hinaplos ang aking buhok.

“I’ll welcome our guest specially those families with high position like us” Ani pa niya at nagpaalam na sa akin.

Iwinagayway ko lamang ang aking palad at nagpaalam sa kanya.

𝗥𝗜𝗘𝗡𝗖𝗔𝗥𝗡𝗔𝗧𝗘 𝗔𝗦 𝗔 𝗕𝗔𝗗𝗗𝗔𝗦 𝗛𝗘𝗜𝗥𝗘𝗦𝗦Where stories live. Discover now