CHAPTER 22
SOPHIA YSABELLE'S POV
Natapos ang buong maghapon sa paaralan ng normal.
Ngayon ay nasa labas ako, kung saan nakatayo ang isang puno na inaliligidan ng mga nag-iilawang mga alitaptap.
Dahil sa nag-iilawang mga alitaptap kasama ang buwan ay mailaw na mailaw sa aking pwesto rito sa labas kung saan ng ready si Alexa ng tatlong upuan at lamesa naman ang kay Luhan na iniutos ko sa kanila.
“Mukhang desidedo ang kataas taasang ginang sa party”
Kaagad kong ibinaling ang aking ulo sa gilid ng marinig na nagsalita ang kaharap na si Alexa.
“Hmm”
Tanging tugon ko at ibinalik ulit ang tingin sa puno.
Mula sa aming pwesto ay may nakatayo sa likuran at ilang metro rin ang layo nila sa amin, mga royal guard.
“Alexa! Come here! I need your help” Boses iyon ni Luhan.
Hindi ko alintana sila, basta nabibighani lang ako sa aking nakikita.
Parang nagniningning ang mata ko sa magandang senaryo sa harapan at isa nanamang ala-ala ang siyang pilit na bumubukas sa aking isipan.
“Sophia!”
“Sophia!”
“Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Sinabi ko na sa iyong wag kang punta ng punta sa Lugar na iyan!”
“Eh?”
“Baka gusto mong bigla bigla nalang higupin ng punong iyan? Tiyak na hindi kana makakabalik pa rito!”
“Totoo ba iyan?!-”
Hindi ko namalayan na napangiti ako pero siya ring nalasahan ko ang isang maalat na tubig.
Kinapa ko ang aking pisnge at natawa ng mahina ng makitang tumulo na pala ang luha ko.
“Kailangan mong mamatay Sophia! Kailangan mong bumalik!”
“Kailangan mong mamatay Sophia! Kailangan mong bumalik!”
“Kailangan mong mamatay Sophia! Kailangan monh bumalik!”
Napipilan ako at nanigas sa inuupuan ng marinig ang isang boses na siyang pilit namang nang-aagaw ng pwesto sa akin.
“I get you, Parang sinasabi mong Reincarnation? Sasapi ako sa katawan ng iba?”
“Makinig ka Sophia”
“Uulitin ko, may pagkakamali ka kaya wala kang maalala. Ang kailangan mo ay... Bumalik sa dati mong katawan, wala kang ma’aalala pag nakabalik ka na sa dati mong katawan tanging mukha at pangalan mo lang ang mananatili sa iyong isipan. Pati itong mga sinasabi ko ay malilimutan mo rin. Pero wag kang mag’alala babalik paunti’unti ang mga nangyayari ngayon.”
“Hindi ka sasapi sa ibang katawan, ibabalik lang kita sa totoo mong katawan”
“Ang totoo mong pangalan ay Sophia Ysabelle Quinn at ikaw ay nabubuhay bilang isang dugong bughaw na babae at ang mis’yon mo ay panagutin ang pumaslang sa nakakatanda mong kapatid”
“Nasaan na ang Badass na babaeng kilala ko?”
“Nasa harapan mo lang” Tugon ko rito.
“Alexia, from the first place you know that I don't believe in fantasy. Reincarnation is pure Fiction”
“Then let me prove it”
Magkahalo iyon nang boses ko at nang isang estrangherang boses ng isang babae na paulit ulit kong naririnig sa tuwing umeepal ang isang senaryo sa aking isipan.
YOU ARE READING
𝗥𝗜𝗘𝗡𝗖𝗔𝗥𝗡𝗔𝗧𝗘 𝗔𝗦 𝗔 𝗕𝗔𝗗𝗗𝗔𝗦 𝗛𝗘𝗜𝗥𝗘𝗦𝗦
Losowe𝐓𝐡𝐢𝐬 𝐢𝐬 𝐚 𝐰𝐨𝐫𝐤 𝐨𝐟 𝐅𝐢𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧, 𝐍𝐚𝐦𝐞, 𝐂𝐡𝐚𝐫𝐚𝐜𝐭𝐞𝐫𝐬, 𝐏𝐥𝐚𝐜𝐞𝐬,𝐄𝐯𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐈𝐧𝐜𝐞𝐝𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐚𝐫𝐞 𝐞𝐢𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐫𝐨𝐝𝐮𝐜𝐭 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐀𝐮𝐭𝐡𝐨𝐫'𝐬 𝐢𝐦𝐚𝐠𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐫 𝐮𝐬𝐞𝐝 𝐢𝐧 𝐚 𝐟�...