CHAPTER 5
Nagising ako at nang imulat ko ang aking mata naging malabo ang aking vision, kinusot kusot ko ‘yon at paulit’ulit ko pang pinikit’pikit ang aking mata hanggang sa unti’unti na itong naging maayos.Kung ano’anong scenario ang pumasok sa isipan ko kanina pero alam kung kulang pa ‘yon.
“Sophia! Salamat naman at nagising ka na” Isang malakas na boses ni momma ang bumungad sa akin animong nabunutan ng tinik, tulad ng una sinugod niya ako ng isang mahigpit na yakap. Nanuot sa ilong ko ang isang mabangong halimuyak niya.
Nakita kung nakatayo rin si Alexa sa gilid kasama ang lalaki, tiyak akong family doctor siya namin. Quinn’s Personal Family Doctor.
“Hindi naman siguro taon ang itinulog ko diba?” Pagbibiro ko para kahit papaano gumaan ang atmosphere sa loob ng silid na ito.
Ngumiti naman si Alexa at ang lalaki na hanggang ngayon hindi ko pa rin alam ang pangalan. “Hindi nga, dahil halos ilang araw ka ring natutulog.” Saad naman nito.
Natigilan naman ako at napakurap. “Bakit?” Tanong ko at naramdamang nagsalubong ang dalawa kung kilay.
Nagkibit balikat naman ang lalaki “I suggest you to stop thinking about your past, babalik rin naman ‘yan” Saad nito.
Ngumiti lang ako sa kanya “Hindi na kailangan, Dahil unti’unti na itong bumabalik” Ngiting saad ko rito, nanlaki naman ang mata nila at bigla akong nilapitan ni Alexa.
“Hindi nga?” Hindi makapaniwalang saad nito habang nakapaskil ang isang ngiti sa kanyang labi.
“Alam ko na ang ilang detalye ng pagkatao ko” Ngiting saad ko. Tumili naman siya kaya natigilan ako. Bakit parang an’saya’saya nito.
Napabaling naman ako kay momma nang hawakan nito ang aking kamay, naluluha siyang tumingin sa akin. “I am glad that you already know some of your past even though it's just a single thing” She whispered.
Alam ko kung sino ako, at alam ko kung bakit nandirito ako....
Nakaupo ako sa kama habang pinagmasdan ang isang pusa na naglalaro ng maliit na bola sa loob ng silid na ito nang biglang magsalita si Alexa.
“Balita po namin, bukas na ang pagbubukas nang pasukan sa Academy na pinasukan ng ate mo” Saad nito kaya napatingin ako sa kanya.
“Ano!? Hindi ko man lang napirmahan ang imbitas’yon nila?” Biglang taas boses na saad ko. Nakita kong napatalon ng mahina sa inuupuan si Momma.
“Sophia, bakit ka naman pipirma sa imbitas’yon nila?” Takang tanong ni Momma, binalingan ko naman siya at nginitian.
“Home school ang pina’attend sa‘yo ng nakakatanda mong kapatid at hanggang ngayon hindi pa rin namin alam ang dahilan non tapos maririnig ko nalang na gusto mong pirmahan ang imbitas’yon ng paaralang ‘yon?” Hindi makapaniwalang tanong ni Momma.
“Gusto kung tuklasin ang pagkamatay ng Supreme Princess” Magalang na saad ko, nangunot naman ang noo nito at napabuntong hininga.
Ngumiti ito sa akin, “Naaalala mo si Anna?” Gulat na tanong nito, nangunot naman ang noo ko. Ini’expect ba nitong hindi ko makikilala ang nakakatandang kapatid ko.
Sinuklian ko naman ang ngiti nito “Opo, siya lang naman ang nakakatanda kung kapatid” Ngiting saad ko, naging seryuso naman ang aking mukha at napakuyom ng kamao ng may maalala ako.
Alam kung lumapat ang mga paningin nila sa nakakuyom kung mga palad pero wala akong pakialam, isa lang ang gusto at alam ko. “Gusto kung pagbayarin ang pumaslang sa kanya” Seryusong saad ko sa kanila.
Nakita ko namang dumaan ang gulat sa kanilang mga mukha. “Pero Sophia! Wala pang nakakatuklas kung sino ‘yon na kahit ako na mataas ay hindi mahanap hanap ang pumaslang sa nakakatanda mong kapatid” Depensa agad ni Momma. Naiintindihan ko s’ya pero hindi sapat na rason ‘yon para hayaan ko na lang ang pagkamatay ng aking nakakatandang kapatid.
Nag init naman ang magkabila kung mata.
Bigla namang nagsalita si Alexa “Ngunit wala tayong katibayan na nasa paaralang ‘yan ang pumaslang sa Supreme Princess” Magalang na saad nito.
Huminga ako ng malalim at sinagot siya “’Yon ang aalamin ko, Hindi pwedeng pabayaan lang ang taong lumapastangang pumatay sa kapatid ko. Hindi ko matatanggap ‘yon” Seryusong saad ko.
“Pwede mong pirmahan ang binigay sa’yong imbitas’yon at ipapasa ko kaagad ‘yon ngayon mismo at e’hahanda namin ang mga kakailanganin mo para bukas pagpasok mo nalang ang iyong iintindihin” Magalang na sabi ni Alexa kaya napabaling ako sa kanya.
Bigla namang nagsalita ang lalaki “Alam mo naman dibang walang masyadong nakakakilala sa‘yo” Tumango naman ako sa sinabi nito.
“Wag kayong makampanti na walang nakakakilala sa ‘yo Sophia. Malay’ mo kilala ka pala nang iilan” Sabat naman ni Momma.
“My decision is final I will attend to that academy and find the person who's behind of my sister's death.” Sagot ko.
“Sophia naman! Ikaw nalang ang natitirang alas nang pamilya natin, pano nalang kung pati ikaw mawala pa? Alam mo ba ang Academ’yang ‘yon?” Taas boses na sambit ni Momma.
“They are teaching self defense and some of them are aware of killing because they came from those highest family like us. But the difference between them and us is we use peace and they use power. They came from assasin’s family Sophia!” Taas boses pang saad nito. Bigla naman siyang inawat ni Alexa.
“Huminahon po kayo, Mahal na Emperatress. Decision po ‘yan ng Young Princess” Magalang na saad naman ni Alexa dito kaya bumaling ito sa kanya.
Pinikit ko ang mata ko at nagsalita “I won’t turn my back, I will hide my background and lie for the sake of my safety. Hahayaan ko silang unti’unting malaman kung sino ang binangga nila.” Seryusong saad ko at tinitiyak kung matitigilan sila sa naging saad ko.
“Hindi ako papayag! Nawala na si Litezia ayaw kung pati ikaw ay mawala pa!” Saad ni Momma na siyang ikinamulat ko ng mata.
Binalingan ko ito ng tingin “Hindi naman ako mawawala, pagbabayarin ko lang ang hampas lupang pumatay sa kapatid ko” Sabat ko rito pero may himig pa rin nang pagrespeto ang boses ko. Aangal pa ito ng biglang sumabat ang lalaki
“Sasamahan ko siya” Magalang na saad nito. Tiningnan ko naman siya at nginisihan.
“Wag na, Ayaw kung maging ka’klase kita. Masyado kang matanda para maging ka’klase ko” Sambit ko, tinaasan naman ako nito ng kilay.
“At sinong nagsabi sa ‘yo na magiging ka’klase mo ako? Every people know me as a Loyal Doctor of the Respected House of Quinn, at diba sabi mo gusto mong ilihim ang iyong kataohan? Mag’aaply ako bilang isang nurse doon para hindi sila magtataka” Saad nito, kaya napatango’tango naman ako at nagsalita naman si Alexa.
“Sasama rin ako, babantayan lang po kita” Magalang na saad nito. Tumango naman ako sa kanya at ipinikit ang aking mga mata, wala na akong narinig na tugon kay Momma.
Isang buntong hininga lang ni momma ang narinig ko.
I guess I'm back to let those asshole pay for the pain they release to us.
YOU ARE READING
𝗥𝗜𝗘𝗡𝗖𝗔𝗥𝗡𝗔𝗧𝗘 𝗔𝗦 𝗔 𝗕𝗔𝗗𝗗𝗔𝗦 𝗛𝗘𝗜𝗥𝗘𝗦𝗦
Random𝐓𝐡𝐢𝐬 𝐢𝐬 𝐚 𝐰𝐨𝐫𝐤 𝐨𝐟 𝐅𝐢𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧, 𝐍𝐚𝐦𝐞, 𝐂𝐡𝐚𝐫𝐚𝐜𝐭𝐞𝐫𝐬, 𝐏𝐥𝐚𝐜𝐞𝐬,𝐄𝐯𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐚𝐧𝐝 𝐈𝐧𝐜𝐞𝐝𝐞𝐧𝐭𝐬 𝐚𝐫𝐞 𝐞𝐢𝐭𝐡𝐞𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐫𝐨𝐝𝐮𝐜𝐭 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐀𝐮𝐭𝐡𝐨𝐫'𝐬 𝐢𝐦𝐚𝐠𝐢𝐧𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐨𝐫 𝐮𝐬𝐞𝐝 𝐢𝐧 𝐚 𝐟�...