Page 1: Paunang Bati

147 17 0
                                    

Hi!

Magandang araw sa inyong lahat!

Akin ng bubuksan ang kauna-unahan kong critique shop. Sapat na siguro ang halos walang taon sa larangang ito, ang pagsusulat ng nobela, maikling k'wento at iba pa upang makapagbahagi ng aking kaalaman sa kapuwa ko manunulat.

Ang EaglePen Critique Shop ay naglalayong matulungan ang mga manunulat upang mas mapagbuti pa nila ang kanilang likhang akda. Nilalayon din nito na mas mahubog pa ang talento ng isang manunulat sa larangan ng imahinasyon, sa pagbuo ng salita, at sa emosyong kinakailangan ilabas ng kanilang tauhan.

Hindi nilalayon ng shop na ito na masaktan ang inyong damdamin, bagkus ay upang imulat kayo sa inyong mga kamalian. Kung hindi mo kayang tumanggap ng 'constructive criticism' ay mabuting huwag na kayong tumuloy.

Palala: Mag-isa lamang akong magbibigay ng puna kaya asahan na may katagalan bago ko ma-ipost ang critique sa inyong likhang akda. Isa pa ay hindi ako professional critic pero gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang maibigay sa inyo ang serbisyong nararapat.

Kung ikaw ay interesado, mabuting tumungo sa susunod na pahina upang mabasa ang ilan pang anunsyo, salamat!

EaglePen Critique ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon