Alice_Salvo - The Poet's Escape
Hi my first client! Thank you for trusting me! Dahil ikaw ang aking unang kliyente, mabilis na serbisyo ang ihahatid ko sa iyo. Normally, dalawa hanggang apat na araw bago ako makatapos ng review. Pero dahil ikaw ang buena mano, may exception tayo ngayon.Book cover - 7/10
Katunayan, hindi ko pa nabubuklat ang libro mo sa bahaging ito. Gusto ko lang malaman kung mahihikayat ba ako ng istoryang likha mo sa pagtingin pa lang sa pabalat. Sa parteng ito, masasabing kong may factor na mahihikayat ako kahit papaano pero hindi ganoong kalakas ang dating. Dahil romance naman ang genre nito, bakit hindi natin isama sa pabalat 'yung tauhan sa kuwento?
Pero kung hindi ka pabor sa ganoong ideya, masasabi kong ayos na rin ang timpla ng iyong pabalat. Malakas ang simbolismong hatak ng kulay na ginamit, pati na rin 'yung nilagay mong statue sa gitna. Kitang-kita 'yung connection ng Title sa pabalat. Ang tanging concern ko lang naman ay font size na ginamit. Kung napapansin mo, masyadong malaki 'yung name mo, na o-overpower 'yung nasa taas which is 'yung pamagat ng nobela mo. Mas malaki pa 'yung font size ng Alice Salvo sa ‘Poet's Escape’.
Siguro try mong ilagay sa baba pa 'yung name mo? Tapos lakihan ang font size ng pamagat, puwede mo siyang gawin kung mag-stick ka sa ganyang estilo. Ngunit nasa sa iyo pa rin naman kung gusto mong sundin ang suggestion ko.
Ihabol ko na rin, maganda rin ang manipulation type of book cover. Mas naipapakita mo kasi rito 'yung magiging mensahe ng kuwentong likha mo. Puwede mo kasing babaan din 'yung visibility ng ilang details. May mga book cover shop naman dito sa Wattpad na expert sa manip. Hindi ko lang alam kung operating pa rin sila ngayon.
'Yung book cover mo kasi more on western style siya. Ganyan din kasi kadalasan ang estilo ng pabalat ng European and American book cover editor. Ang tanong, sino ba ang main audience mo? Malaking factor din kasi kung ipapasok mo sa trend 'yung style ng Book cover mo para makahatak ka na rin ng mambabasa.
Plot - 10/10
Ang kuwento ay umiikot kina Ethan at Gale. Inilahad mo kung paano ang takbo ng mga buhay nila. Magandang naipakita 'yung problemang kanilang kinahaharap maging kung paano sila nagkakilala.
Isa lang talaga ang masasabi ko, ang husay!
Madali ring makilala at matandaan ang mga tauhan dahil maganda ang nabuong plot, maging ang characterization. Tunay na binigyang hustisya ang bawat karakter, pinakita mo kung paano nagkakaiba-iba 'yung personalidad nila. Katunayan nga niyan ay hindi nakakasawa 'yung kuwentong nilikha mo, bawat kabanata nandoon 'yung thrill, nandoon 'yung emosyon na hinahanap ko. Hindi tinipid 'yung eksena. Pulido at suwabeng-suwabe. Story description pa lang, nasabi ko na agad sa sarili ko, maganda 'to, bagong-bago 'yung kuwento. At hindi ako nagkakamali, dahil hindi ko namalayan na nakaabot na ako hanggang sa chapter 15.
Bukod pa rito, habang binabasa ko 'yung kuwento doon ko naikonekta 'yung pamagat na ginamit mo. The Poet's Escape, sobrang galing ng atake. Noong una mapapaisip ka talaga, anong kinalaman niya? Bakit ganyan napili niyang pamagat? Nabibigyang kasagutan 'yung tanong ko sa bawat kabanatang binabasa ko.
Gusto ko ring purihin 'yung narration mo. Kahit papalit-palit nang point of view, hindi iyon naging hadlang upang malito ka kung anong katangian ang dapat inilalabas nina Gale at Ethan. Kapag POV ni Gale, siya lang talaga 'yung pinagpopokusan mo. Wala 'yung factor na ganito, “Hala, bakit parang si Ethan siya?”
Alam na alam mo kung paano kontrolin 'yung tauhan mo. Hindi mo ako binigo sa part na 'yon. And I want to praise you again for the job well done.
Lastly, nagustuhan ko rin kung paano mo ipinakita ang mga nararanasan ng iyong bawat tauhan. Lalo na sa panahon ngayon, marami ng kasal ang hindi nagbubunga ng magandang pagsasama. Hindi ko alam kung bakit damang-dama ko gayong hindi naman kami pareho ng sitwasyon ni Gale. Marahil ay may emosyon ding bitbit ang manunulat habang ginagawa niya ito? Kaya ganoon din ang epekto sa mambabasa?
Ang galing din kung paano mo binigyang halaga 'yung nararamdaman ni Ethan. Kahit magkaiba sila ng problema ni Gale, hindi ka nalilito sa kung paanong atake ang gagawin mo sa kanila.
Pasensiya na kung puro magagandang bagay ang napuna ko sa bahaging ito, deserve purihin ang iyong akda dahil halatang pinag-isipang maigi ang plot maging ang katangian ng character.
Technicalities - 9.5/10
✔️ Kuwento / K‘wento
❌ KwentoIyan lang naman ang napansin kong mali, nabanggit mo kasi ang salitang 'yan sa isa sa mga kabanata. Gayunpaman, nais ko ulit purihin ka sa linis ng pagkakasulat mo! Perpekto ang paggamit sa dialogue, action, at adverbial tags! Miski ang bantas ay nailalagay ng wasto sa isang salita.
Iyan talaga ang hinahangaan ko sa isang manunulat dahil hindi madaling mag-focus sa technicalities habang binibigyan mo ng emosyon 'yung tauhan sa kuwentong nililikha mo. May ganoon kasing pagkakataon, sa sobrang pokus mo sa teknikalidad, nakakalimutan mo 'yung karakter mo. Ang ending, nawawalan ng saysay 'yung kuwento. Malinis nga ang pagkasusulat ngunit hindi maramdaman ng mambabasa 'yung gusto mong iparamdam sa kanila.
Kaya muli ay binabati kita dahil balanse mong nagawa ang iyo. Hindi rin kasi madali aralin 'yung art of writing. Marami kang kailangang tandaan at malaman. Kaya maraming effort ang kailangan talagang gawin upang maging pulido 'yung istoryang lilikhain mo.
Overall score: 8.83/10
BINABASA MO ANG
EaglePen Critique Shop
Random✓ Batch 1 - Close ✓ Batch 2 - Close ✓ Batch 3 - Soon [2024]