Client 8

71 9 2
                                    

The Eye of A Bullet - Mouriarteee

Hi, thank you for trusting this shop! Ngayon pa lang gusto ko ng sabihin na marami akong napansing mali sa nobela mo. Mukhang ‘major revision’ ang kailangan dito. Ang mga critique na nakalapag sa ibaba ay naglalayong matulungan ka upang mas mapagbuti mo pa ang iyong talento sa pagsusulat. Nawa ay tanggapin mo ito ng bukal sa iyong puso. Salamat!

Book Cover - 10/10

First time ko magbibigay ng perfect score sa pabalat. Gusto ko lang sabihin na napaka-astig ng book cover mo. Ikaw ba ang may guhit nito? Nagustuhan ko rin ang font style; sakto lang din ang font size. Kitang-kita naman kung gaano kakonektado ang book cover sa pamagat ng iyong nobela na ‘The Eye of A Bullet’.

Kahit black and white ito, talagang nag-standout ang simplicity at elegance. Ang pagpili mo sa minimalistic style ay nagbigay ng isang sophisticated at modern na vibe, na talagang angkop sa tema ng iyong libro. Bukod dito, ang pagkakaposisyon ng mga elemento sa pabalat ay napakaayos. Ang paggamit ng balang dumadaan sa salitang ‘bullet’ ay isang creative touch na nagbibigay ganda sa disenyo. Napaka-symbolic at talagang nagpapakita ng kahusayan sa execution.

Isa pang bagay na gusto kong purihin ay ang clarity ng mga linya at ang crispness ng mga edges. Kahit sa isang black and white na format, nagawa mong maipakita ang depth at dimensyon ng disenyo. Ang bawat elemento ay malinaw at distinct, kaya't walang parte na mukhang cluttered o magulo. Masasabi kong ang pabalat na ito ay hindi lamang visually appealing kun ‘di functional din. Nakuha nito ang esensya ng kuwento at naipakita ito sa isang napakagandang paraan. Talagang napahanga mo ako, at sa tingin ko ay maraming mambabasa ang maeengganyo dahil dito.

Plot - 1/10

1.) Nakulangan ako sa story description sa totoo lang. Hindi mo sinubukang bigyang-diin ang emotional stakes at potential consequences upang mas mapukaw ang interes ng mga mambabasa. Ang ganito kasi approach ay tumutulong upang mas mapalapit ang mga readers sa karakter na nagiging dahilan para mas lalong maging engaged sila sa kuwento.

Narito ang mga suhesyon ko upang mas mapagbuti mo pa ang iyong story description:

••• Maaari kang magdagdag ng kaunting background tungkol sa trahedya na nangyari sa kanyang pamilya upang mas maipakita mo ang conflict ng istorya. 

••• Katunayan, ang pagbanggit mo sa ‘fear of confrontation’ ni Keiran ay isang magandang simula, ngunit maaaring mas palawakin pa ito upang mas maipakita ang kanyang internal conflict. Ano ang mga eksaktong dahilan ng kanyang takot? Paano ito nakaapekto sa kanyang buhay hanggang ngayon? Ang ganitong detalye ay magbibigay ng mas malalim na pagkaunawa sa kanyang karakter.

••• Upang mas makuha ang atensyon ng mga mambabasa, maaari kang gumamit ng mas evocative at dramatic na wika. Halimbawa, imbes na "With his traumatic past," maaari mong gamitin ang "Haunted by the shadows of his traumatic past," upang mas maging vivid ang imahe sa isip ng mambabasa.

••• Halimbawa: Haunted by the shadows of his traumatic past, Keiran is driven by a relentless mission: to hunt down the merciless individual who annihilated his family. As the stakes rise and the shadows of the past grow darker, Keiran must confront not only his formidable enemy but also the fears that have chained him for so long. Will Keiran muster the courage to confront his foe and finally lay his past to rest, or will his fear render him powerless, leading to his and his friends' downfall?

2.) Hindi mo naipakita ang kaayusan ng narration dahil dito ay nawawalan ng saysay ang kuwento. Hindi mo rin binigyang diin ang nararamdaman ni Keiran at Rei. Nagpokus ka masyado sa dialogo kaya  hindi mo napansin na kailangan din palang ihayag ang sensory details, maging kung paano mas maipapakita ang conflict sa istorya. Kapag POV ni Rei, napagkakamalan ko siyang si Keiran. Walang proper distinction kung paano nagkakaiba ang kanilang katangian.

EaglePen Critique ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon