Mission: Pretend to be Her - bai_ayin
Hindi na ako magpapaligoy pa, gusto ko lang sabihin na sobrang dami mong kailangan malaman. Katunayan, nahilo ako habang binabasa ko ang kuwentong likha mo. Ang daming kulang, ang daming mali, ang daming kailangang ayusin.
Book Cover - 5/10
Narito ang mga puntos na maaari mong isaalang-alang upang mapabuti ang pabalat ng iyong kuwento:
1.) Ang paggamit ng letrato at portrayer ay mahalaga upang maipakita ang mood at tema ng kuwento. Katunayan, nagustuhan ko ang babaeng portrayer na ginamit mo. Subalit, maaaring mo bang pagtuunan ng pansin ang pag-enhance ng letrato upang maging mas maayos at kahali-halina ito. Nang tinitigan ko kasi, halatang-halata na sobrang baba ng quality ng picture. P‘wedeng mong isaalang-alang ang pag-adjust ng ilaw at kulay.
2.) Unahin ko muna ‘yung kulay na ginamit mo sa font, okay na ako doon. White and red, kitang-kita mula sa kulay ang tema ng nobela. Pero may issue lang ako sa font style. Kung ang hinahanap mo ay action vibes, mahalaga na piliin ang isang font style na nagbibigay ng kakaibang enerhiya at galaw sa mga letra. Maaring subukan ang mga bold, dynamic, o stylized na font styles na nagpapakita ng aksyon at pagiging maaksyon ng kuwento. Ang pagpili rin ng tamang laki at spacing ng mga letra ay makakatulong upang mas maging madaling basahin at mas maging epektibo ang pabalat.
Plot- 2/10
1.) Nagegets ko naman ang point ng story description na ginawa mo. Magpapanggap ang bida bilang ibang tao. But, sorry to say, hindi maganda ang choice of words mo. Pinaghalo mo ang Tagalog at English sa isang paragraph. Napaka-informal ng dating, nagmukha tuloy conyo . Bukod pa rito, kulang-kulang ang bantas at may pinaikling ka ring salita na nagiging dahilan para mawala ang pormalidad ng sinusulat mo.
To enhance the effectiveness of your story description, consider refining the language and ensuring consistency in either Tagalog or English throughout the paragraph. This will create a more cohesive and professional tone. Additionally, pay attention to sentence construction to avoid abrupt endings or missing elements that may disrupt the flow of your narrative. Furthermore, incorporating a balance between descriptive language and concise expression can significantly elevate the quality of your description. Instead of using overly simplified or informal terms, aim for a sophisticated yet accessible style that engages readers while maintaining the necessary level of formality.
2.) Tatapatin na kita, may mga bagay talaga sa istoryang ginagawa mo na kailangan ng malalim na pag-aaral at pagsasaayos. Hindi lamang ang narration ang may isyu, kundi pati na rin ang pagpapalitan ng mga diyalogo na tila walang tiyak na direksyon. Sa ganitong kalakaran, nahihirapan ang mga mambabasa na magkaroon ng malinaw na pag-unawa at koneksyon sa mga pangyayari at karakter.
Ang characterization ay tila napabayaan at hindi nabigyan ng tamang pansin. Ang mga karakter ay lumulutang sa mga pangyayari nang walang malinaw na pakay. Ito ay tulad ng pagsubok sa pagtutok ng isang kamera na hindi matagpuan ang tamang anggulo para maipakita ang tunay na kaanyuan ng mga tauhan. Halos wala akong nararamdaman na koneksyon sa mga karakter dahil na rin sa hindi maayos na paggamit ng point of view. Ang pagpapalit-palit ng pananaw mula sa first POV patungo sa Third POV at pagbalik ulit sa first POV ay nagdadala ng kaguluhan at pagkabigo sa pag-unawa ng mga mambabasa sa kuwentong nililikha mo. Sa kasamaang-palad, ang emosyon na dapat sana ay naglalarawan ng buhay at kabiguan ng mga karakter ay parang isang malamlam na kandila na walang natutulang liwanag. Ang pagpapahayag ng damdamin ay hindi gaanong nakakadama ng pagkakaisa at pang-uugnay sa mga mambabasa, kun 'di nagdudulot pa ng pagkadismaya at pagkalito.
BINABASA MO ANG
EaglePen Critique Shop
Random✓ Batch 1 - Close ✓ Batch 2 - Close ✓ Batch 3 - Soon [2024]