Love Notes From Nowhere - piemjay
Hi, thank you for trusting me! Pasensiya na kung natagalan bago ko natapos ang pagbibigay puna sa iyong likhang nobela. Naging abala lamang ako sa aking trabaho, natambakan ng paperworks. Kaya nawalan ng time magbasa ng iyong gawa. Paalala lang ulit, lahat ng sasabihin ko rito ay para rin sa ikauunlad mo bilang manunulat.
Book Cover - 7/10
Ang pabalat ng iyong libro na pinamagatang “Love Notes from Nowhere” ay may magandang font style na angkop sa tema ng iyong kuwento. Gayunpaman, may ilang aspeto na maaaring pag-isipan pa upang mapabuti ito. Unang-una, ang kulay ng font na ginamit mo para sa pamagat ay itim, na sa aking palagay ay hindi masyadong angkop sa kabuuang disenyo. Ang itim na kulay ay nagmumukhang mabigat at seryoso, na tila hindi tugma sa romantikong tema ng iyong libro. Mas makakabuti siguro kung subukan mong gumamit ng ibang kulay na mas magaan sa mata at mas kaaya-aya, tulad ng pastel shades o kaya’y mga kulay na medyo may warmth. Ito ay makakatulong na magbigay ng mas malambot at welcoming na impresyon sa mga potensyal na mambabasa.
Isa pang aspeto na maaaring pagtuunan ng pansin ay ang letratong ginamit sa pabalat. Kung mapapansin mo naman, masyadong light ang book cover mo. Kaya kapag gumamit ka rin ng warmth colors, baka hindi na mabasa ang pamagat ng librong sinusulat mo. Kaya gumamit ka rin ng itim ‘di ba? To tell you honestly, mawawala ang kakayahan nitong magdala ng tamang emosyon. Suhesyon ko lang na mabuting palitan ang letrato at font color na ginamit mo.
Plot - 6.5/10
1.) Nagustuhan ko kung paano mo binigyang buhay ang story description, maikli man pero malaman at may dating. Una, inilihad mo na sa aming mambabasa kung ano ang puwede naming asahan sa kuwento. Ikalawa, iniwanan mo rin kami ng mga katanungan na nagbigay ng malakas na impact sa istorya. Gusto ko lang purihin ka sa kung paano mo tinapos ang story description– Will Macy finally unlock the secrets of teenage love and turn her dream into reality? – ang ending na ito ay nagbibigay ng masidhing curiosity at excitement na tiyak na maghahatak sa mga mambabasa na abangan ang kuwento ni Macy. Bukod pa rito, masasabi kong may natural na daloy ang iyong pagkasusulat, kaya't madaling sundan at naiintindihan ng mambabasa ang nais mong iparating. Ang pagkakaroon ng malinaw na story description ay nagbibigay ng mas malalim na konteksto sa iyong nobela, na nagiging dahilan upang mas lalo naming malasap ang bawat eksena at emosyon na iyong nais ilahad sa kabuuang kuwento.
2.) Wala akong naging problema sa kung paano mo binigyang buhay ang mga tauhan. Nakuha mong ibalanse kung paano nga ba nagkakaiba-iba ang kanilang katangian. Katulad na lamang ng galit na dala-dala ni Macy dahil sa ginawa sa kanya noon ni Saint. Mahusay ang pagkakalahad mo ng kanilang relasyon, lalo na sa aspeto ng tensyon at galit na nararamdaman ni Macy. Isa pang aspeto na nagustuhan ko ay kung paano mo ipinakita ang kanilang mga personal na laban at kung paano ito nag-ambag sa kanilang karakterisasyon. Ang galit ni Macy kay Saint ay hindi lamang basta galit, kundi ito ay may malalim na pinagmulan. Naramdaman ko ang kanyang sakit at paghihirap, at ito ay nagbigay ng mas malalim na dimensyon sa kanyang karakter.
3.) May ilang sablay sa narration dahil may mga eksena namang sa tingin ko ay hindi na kailangan pa at puwede ng tanggalin o ayusin. Gusto ko lang ding bigyang pansin ang paghihimutok ni Macy noong nasa restaurant sila. Alam kong sumabog lang siya dahil nadala nang galit pero hindi ko maramdaman sa parteng ito ang emosyon na gusto mong ma-feel din sana ng mambabasa. Bigla mo kasing pinasukan ng napakahabang dialogue na naging dahilan upang hindi mo mabigyang pansin ‘yung ibang senses niya. Nagtuloy-tuloy ka ‘e. Pakitandaan lang na ang magandang narration ay siya ring nagbibigay ng emosyon sa isang tauhan.
BINABASA MO ANG
EaglePen Critique Shop
Random✓ Batch 1 - Close ✓ Batch 2 - Close ✓ Batch 3 - Soon [2024]