Client 2

136 12 2
                                    

Like Yesterday - amarANNEth

Hi, thank you for trusting me! Ang mga sasabihin ko rito ay maaari mong magamit upang mas mahubog pa ang iyong kakayahan sa pagsusulat ng nobela. Sana ay huwag sumama ang loob mo sa akin dahil layon ko lamang na magbahagi ng aking nalalaman pagdating sa larangang ito.

Book Cover - 7.5/10

Akmang-akma ang katagang ‘simple yet attractive’ sa napili mong pabalat. Kuhang-kuha nito ang atensiyon ko. Lalo pa nang tingnan ko mas maigi kung gaano kaganda 'yung bawat detalye. Nagustuhan ko 'yung portrayer na ginamit mo. Sobrang nakaka-kalmang tingnan ng napili mong letrato. Hindi siya masakit sa mata. Ang ganda ng kulay at mood. Ngunit, narito 'yung mga napansin kong kahinaan ng iyong pabalat:

A.) Una, hindi ko alam kung dahil lang ba sa design o talagang mababa 'yung quality ng picture? Kung papansinin mo kasi para siyang oil in canvas ‘di ba? Sinubukan mo na bang i-remini 'yung letrato? Or kahit i-enhance pa 'yung features niya?

B.) Gusto ko ring bigyang pansin 'yung salitang ‘Like’ sa pabalat. Hindi ko lang din nagustuhan 'yung font na ginamit mo rito. Maganda siguro kung iisa lang silang font style katulad ng ginamit mo sa ‘Yesterday’. Ang nangyayari tuloy parang 'yung 'Yesterday' lang 'yung masyado noticeable sa pabalat. Hindi nabibigyang pansin 'yung salitang 'Like'.

C.) Puwede na sigurong tanggalin 'yung, a novel written by. Kahit 'yung name mo na lang ang nasa ilalim.

Ang lahat nang nasabi ko sa itaas ay pawang suhesyon ko lamang. Ikaw pa rin ang magpapasiya kung nais mong baguhin o hindi.

Plot - 8.5/10

Gusto ko lang itanong kung kailan ang next update? Nahuli mo ang kiliti ko. Natapos ko hanggang sa kaduluhan ng kabanata. Nakuha ni Sunny 'yung willingness ko para ituloy ang pagbabasa. Ngunit bago ko ilapag ang good points ng iyong istorya hayaang mong ibigay ko muna  ang ilan sa mga napansin ko bad points sa iyong nilikhang kuwento.

Masasabi kong gasgas na masyado 'yung plot na ginamit mo. Marami na rin kasing kuwento ang umiikot rito sa Wattpad na halos katulad ng sa iyo – binigyan ng pagkakataon upang bumalik sa nakaraan. Alam kong hindi na rin ito bago sa iyo, siguro naisulat mo rin ang nobelang 'yan dala ng inspirasyon dahil sa mga nababasa mo? Katunayan maihahambing ko ito sa kuwentong isinulat ni Lena Buncaras na pinamagatang ‘When It All Starts Again’. Itatanong ko lang din sana kung pamilyar ka rito? Isa siya sa mga nanalo ng wattys award noong taong 2019 kung hindi ako nagkakamali. May ilang bahagi rin kasi na nagkakatulad ang plot ninyo. Ang kaibahan nga lang, si Sunny ay isang Arkitekto na mayroong hindi magandang buhay sa kanyang edad na 26. Kaya hiniling niya sa dandelion na binigay sa kanya ng isang babae sa may flowershop na ibalik siya sa panahon kung saan masaya pa siya.

Gayunpaman, kahit masasabi kong hindi na masyadong 'unique' ang plot na ginamit mo, gusto ko ring purihin 'yung narration mo dahil damang-dama ko ang emosyon ng bawat tauhan. Nandoon na 'yung hinahanap ko. May ilang sablay ngunit bilang lamang sa daliri. Kung napapansin mo kasi, madalas mo ring gamitin 'yung aniya, ani, banta, and etc. Katunayan niyan, hindi naman required na isulat mo ang mga salitang 'yan para lamang i-describe 'yung pananalita nila. Doon kasi nawawala 'yung momentum at nagiging awkward 'yung kinalalabasan.

Halimbawa ay ito:

Halimbawa ay ito:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
EaglePen Critique ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon