Client 7

82 9 3
                                    

So It's You - CalysLee

Hi, thank you for trusting this shop! Kailan ang next update? Na-hook ako ng sobra sa kuwento! Ang solid grabe. Saludo ako sa iyo. Kaunti lamang din ang napansin kong mali na mababasa mo sa ibaba.

Book Cover - 9/10

Katunayan, nagustuhan ko ang pabalat ng iyong nobela. Maganda ang kulay na napili mo; hindi siya masakit sa mata, at talagang kaaya-aya ang kabuuang itsura. Ang font style na ginamit mo ay napaka-estetiko at tugma sa tema ng iyong nobela. Kahit manipis ang font style na napili mong gamitin, ibinawi mo naman ito sa font size. Nilakihan mo ito kaya hindi naging mahirap basahin ang pamagat, na isang mahalagang aspeto sa pagkakaroon ng maganda at kaakit-akit na pabalat. Napansin ko rin ang portrayer na inilagay mo—talagang nakatutuwa at nagdaragdag ng personalidad sa kabuuan ng disenyo. 

Gayunpaman, may isa lang akong issue na gusto kong ibahagi. Tingin ko, kahit wala na siguro ‘yung berde doon sa upper left and right corner, mas magiging maayos pa rin naman ang kabuuan ng disenyo. Ano ba ‘yan, dahon? Para kasing hindi ito masyadong nagko-contribute sa visual appeal ng pabalat. Sa halip na makatulong, medyo nagiging distraksyon siya. Maaaring subukan mong alisin ito at tingnan kung mas nagiging mas malinis at propesyonal ang itsura ng pabalat. Pero sa kabuuan, talaga namang kahanga-hanga ang effort at creativity na inilaan mo sa paggawa ng pabalat ng iyong nobela. Isa pang bagay na nais kong idagdag ay ang pagbalanse ng mga elemento sa pabalat. Ang visual hierarchy na ginamit mo ay malinaw, na nagbigay ng tamang emphasis sa mga importanteng detalye tulad ng pamagat at portrayer. Ang lahat ng ito ay nagresulta sa isang pabalat na hindi lamang maganda kun ‘di epektibo rin sa pagkuha ng atensyon ng mga mambabasa.

Plot - 9.5/10

1.) Binigyan ako ng will ng story description para ipagpatuloy ang pagbabasa, lalo na sa parteng ito: "But loving Zephyrus always had a price. At iyon ang katotohanang masasaktan lang ulit ako sa huli." Nagustuhan ko ang atake mo diyan; talagang may emosyon at lalim ang mga linya. Ang ganitong klaseng panapos sa story description ay nagiging hook na nag-aanyaya sa mga mambabasa na malaman ang buong kuwento at kung paano tatapusin ng mga tauhan ang kanilang mga pinagdadaanan.

May concern lang ulit ako, dahil hindi naging consistent kung anong language ang gagamitin mo. Kapag sinimulan mo sa English, tapusin mo sa English. Ganoon din kapag Tagalog ang ginagamit mo; mas mainam na manatili sa isang wika para hindi nawawala ang flow at coherence ng kuwento. Ang paggamit ng iisang wika mula simula hanggang katapusan ay makakatulong sa pagbibigay ng mas malinaw na direksyon sa iyong pagsasalaysay at magpapanatili ng engagement ng iyong mga mambabasa.

Bilang isang manunulat, mahalaga ang consistency sa wika upang hindi malito ang mga mambabasa at upang mapanatili ang kanilang focus sa kuwento. Kapag pinaghalo ang dalawang wika nang walang malinaw na dahilan, maaaring ma-distract ang mga mambabasa at mawalan ng interes.

Maaaring paghaluhin ang wika sa mga kaganapan sa loob ng nobela. Pero kapag story description ang pag-uusapan, kailangang mag-stick ka lang sa isa.

2.) Ngayon pa lang gusto kong batiin ka sa magandang kuwentong nilikha mo. Kinikilig ako habang tinitipa ito. Ang solid ng kuwento, bagong-bago. Bawat eksena walang tapon. I always feel satisfied sa bawat kabanata kasi ‘yung emosyon na hinahanap ko ay mabilis naipapakita. Ibinigay mo sa akin ‘yung halo-halong pakiramdam: tuwa, galit, inis at pagkagalak. Napakahusay din ng narration! Maging ang plot ay talagang pinag-isipan. Nagustuhan ko kung paano binuo si Kia at Zeph. Katunayan, inis na inis naman ako kay Jiro. Bakit kung kailan wala na si Kia saka niya na-realize na gusto niya ito?

EaglePen Critique ShopTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon