Mabuting basahin ang pahina na ito upang malaman mo ang mga bahaging bibigyan ko ng puna. Maglalagay rin ako ng puntos bawat bahagi. Ten (10) ang pinakamataas, one (1) naman ang pinakamababa.
Ang critique shop na ito ay hindi para sa mahihina ang loob. Dahil hindi ako magbibigay ng mabubulaklak na salita kung kapansin-pansin naman ang ilang mga kamalian mo.
1. Book cover: pabalat ang isa sa bumubuhay sa nobela. Ito ang unang nakikita ng mambabasa kaya nararapat lamang na bigyan din natin ng puna kung hali-halina ba ito. Huwag na tayong mag-stick masyado sa katagang 'don't the judge the book by its cover'. Hindi na nagwo-work ang ganyang sistema sa panahon ngayon. Kailangang sa pabalat pa lang, pasabog na. Mae-engganyo ang mga mambabasa na buklatin ang inyong libro.
2. Plot: Isasama ko na rito ang story description, ang titulo na ginamit, pati na rin siyempee ang kabuuang plot. Magiging istrikto ako sa bahaging ito. Gusto ko ring makita ang magiging kaugnayan ng iyong pamagat sa flow ng kuwento. Baka mamaya ay lumilihis na pala.
3. Technicalities: Isa rin ito sa bumubuhay sa isang nobela. Aminin man natin o sa hindi, pihikan na ang mga mambabasa sa panahon ngayon. Hindi na uubra ang jeje typings, ang masakit sa matang sentence construction, at maging ang pagiging OA ng bantas.
Mga dapat tandaan:
1. Tagalog and taglish novel only.
2. Ang iyong nobela ay may tatlo at higit pang kabanata.
3. Maghintay at huwag akong madiliin.
BINABASA MO ANG
EaglePen Critique Shop
De Todo✓ Batch 1 - Close ✓ Batch 2 - Close ✓ Batch 3 - Soon [2024]