Retribution - Eon_LieuMarami akong correction sa nobela mo. Uunahan na kita, huwag sana sumama ang loob mo sa akin. Hindi ko nilalayong saktan ang iyong damdamin, lahat ng sasabihin ko ay para sa ikauunlad mo bilang manunulat. Nagpa-critique ka naman so I have the free will to correct your error.
Book cover - 9.5/10
Sa pabalat pa lang, nakita ko na agad kung ano ang puwede kong asahan sa nobelang sinusulat mo – dark. Sa porma at estraktura ng book cover masasabi kong hindi basta-basta ang temang ginamit mo. Ito bang lalaking naka-topless ay nilikha mo gamit ang iyong kamay? O kinuha mo lang siya kay pareng google? Maganda rin kasi 'yung kulay na ginamit mo maging ang portrayer na nilagay mo sa pabalat. Miski ang font at font size na ginamit ay sakto lang din. Simple lang siyang tignan pero malakas 'yung hatak sa akin. Wala na akong problema sa bahaging iyan. Sakto lang din ang laki ng pangalan mo.
Black and white, ano nga ba ang sinisimbulo ng kulay na ito? Kadalasan ang isasagot ay kalungkutan, kasamaan, at kadiliman. Kaya aasahan ko na diyan iikot ang istoryang likha mo. Nakaugalian ko na rin kasing magbigay ng review sa book cover pa lang. Madalas ko siyang gawin noon lalo na kapag naiimbitahan akong maging hurado sa mga patimpalak. Ito kasi ang unang makikita ng mambabasa, kung maganda ang pabalat mo ay mahihikayat sila. Katulad ng sinabi ko sa mga unang na-critique ko, hindi ko pa nababasa ang iyong istorya habang sinusulat ang bahaging ito. Gusto ko rin kasing maramdaman 'yung willingness na buklatin ang libro kahit pabalat pa lang 'yung nakaharap sa mata ko. Nais ko lang din kasing ilapag ang mga napansin ko at ang aasahan ko sa kuwento. Sa pabalat pa lang kasi, malalaman mo na kung ano ang magiging takbo ng istorya. Para bang ito 'yung nagsisilbing clue. Kaya mahalaga rin talagang pagtuunan ng pansin ang book cover.
Balik tayo sa pabalat ng iyong novel, katulad ng sinabi ko sa taas ay wala na akong nais na baguhin diyan. Nagulat lamang ako na nagpalit ka pala ng pamagat. Ang nirehistro mo kasi ay ‘The Ex Convict Retribution’ ngunit ang itinira mo na lamang ay ang salitang ‘Retribution’. Hindi ko alam kung ano ang dahilan kung bakit naisipan mo siyang baguhin ng walang abiso sa akin. Gayunpaman, nais kong purihin ka sa bahaging ito. Binigyang buhay mo na agad 'yung nobela dahil sa napili mong disenyo at kulay ng pabalat. Good job!
Plot - 2.5/10
1.) Nais ko munang bigyang pansin ang story description. Hindi ko masyadong nagustuhan kung paano mo hinabi ito. Nakulangan ako sa totoo lang. Sinubukan ko siyang basahin nang paulit-ulit upang alamin kung madadala ba ako sa kuwentong likha mo, kung mararamdaman ko ba 'yung excitement, at kung bibigyan ba ako nito ng pagkamangha ngunit wala akong naramdaman. Babalik siya para maghiganti ‘di ba? Tapos? Ano ang puwede naming asahan? Magtatagumbay ba siya kapag gumanti siya? O muli lang siyang mabibigo?
Sorry pero wala talaga siyang spice, kulang na kulang. Hindi ka man lang nag-iwan sa mambabasa ng thrill. Basta sinabi mo lang, ‘he's back for retribution...’ And so? Bakit siya babalik? Kasi nakulong siya and walang tumayo para sa kanya? Hindi ba masyadong mababaw 'yung dahilan na nilapag mo sa description? Dapat sa story description pa lang pasabog na. Huwag sasama loob mo ha pero lagyan mo pa ng kaunting flavor. Katulad na lamang sa ice cream, kapag kulang sa asukal – matabang. Nararapat siguro na baguhin mo ito at ayusin pa?
One more thing, as much as possible, avoid using 10 or 12, puwede mo siyang gawing text na lamang kasi isang word lang naman 'yan. (Ten and Twelve)
Example: (This is not my creation, I asked for the help of AI in doing this)
A decade ago, they silenced him with cold steel bars that shattered his world. Betrayed by friends and forsaken by family, he was left to rot in darkness. Now, twelve years have passed since that fateful day. He emerged from the shadows with a heart hardened by betrayal and a mind sharpened by solitude, he returns, unrecognizable. His every step is a whisper of vengeance, his every breath a promise of reckoning. Will he finally claim the retribution he so desperately seeks, or will the ghosts of his past drag him back into the abyss?
BINABASA MO ANG
EaglePen Critique Shop
Random✓ Batch 1 - Close ✓ Batch 2 - Close ✓ Batch 3 - Soon [2024]