"All passengers arrived from Czech Republic, I welcome you all here in Philippines.Please have a safe trip and enjoy your day."
Kakababa palang ng isang matangkad na dalaga sa isang malaking eroplano dala ang isang kulay itim na maleta.
Suot nito ang magarang damit na nababagay lang sakanyang angking kagandahan na siyang tanging hinahangaan ng lahat.
Siya si Hazny Bezylle Macajeto, kilala ang pamilya niya sa pinaka-mayamang negosyante sa ibat ibang bansa. Kilalang mababait at magalang ang kanyang magulang kaya naman nirerespeto ito lahat ng mga tao. Pero lingid sa kaalaman ng lahat, kung ano ang ugali ng kanyang magulang ay siya namang kabaliktaran sa ugali ng dalaga.
Lumaki siyang lahat ay nabibigay sakanya. Kaya naman gagawin niya ang lahat para mapasakanya ang gusto niyang makuha.
Nilibot niya ang buong paningin sa paligid bago taas noong nagsimulang maglakad na parang modelo.
Kasalukuyan siyang naglalakad papalabas ng airport para maghanap ng masasakyang taxi ng mapako ang ang paningin niya sa isang red ferrari car.
Mabilis ang pagmaneho ng may-ari nito kaya tanging kalahating mukha lang ng isang lalaki ang nakita niya bago siya mapadapa sa gilid ng daan dahil sa muntik na siyang masagasaan sa gilid ng kotse nito.
Inis naman niyang inihipan ang kanyang buhok na nagkalat sa mukha niya bago asar na tumayo.
Pinag- bubulungan siya ng mga tao at may iba namang pinagtatawanan siya.
"Lagot ka saking lalaki ka!" nangangalaiti niyang sabi sa inis habang pinapagpag ang designer dress niyang suot.
Tinanaw pa niya mula sa malayo ang kotseng parang nakikipag karera sa daan kung makapagmaneho sa mamahaling kotse.
Pupulutin na niya sana ang suot niyang mamahaling sunglasses ng may isang kamay na nitong naunang kumuha.
Nababagot ang mukhang pinasadahan niya ito ng tingin hanggang sa makita na niya ang kabuuang mukha nito.
Isang matipunong gwapong lalaki ang kaharap niya ngayon.
Naka suot ito ng white T-shirt na pinaresan ng black pants at black leather jacket.
Nakasabit din sa gitnang dibdib nito ang sariling sunglasses habang yung headphone naman ay nasa leeg. May itim na hugis bilog na earrings rin ang nakalagay sa magkabilang tainga nito.
Palihim siyang napalunok habang nakatingin sa mukha nito.
Makinis at Maputi ang mukha, may makapal rin itong kilay. Ang mga mata naman nito ay kulay bughaw na parang nakatitig ka sa isang napakalawak na karagatan. Matangos ang ilong at may manipis na labi. Maganda ang pagkakahugis ng mukha nito, tila hinulma ng maayos para maging perpekto.
"Miss?"
Doon niya lang napagtanto na matagal na pala niya itong tinititigan kaya wala sa oras na napakurap siya ng paulit-paulit bago napatikhim na nag-iwas ng tingin dahil sa hiya.
"Yes?" aniya pagkatapos makabawi sa pagkapahiya.
"Is this yours?" tanong ng binata sakanya na kahit alam naman nitong sa dalaga iyun.
Nahihiyang inabot naman niya ang kanyang sunglasses bago napangiwing ngumite ng naiilang sa kaharap nito.
"Thank you." hinging pasasalamat niya pero agad napakunot ang noo ng makitang biglang nawala ng parang bula ang lalaking kaharap niya.
Napakurap siyang hinanap ng mabilis ang sunglasses na nakasabit na pala sa gitna niyang suot na dress.
"Nanaginip lang ba ako?" bahagya siyang napanguso sa naisip bago napagpasyahang pumara ng taxi at sumakay.
![](https://img.wattpad.com/cover/318681233-288-k698523.jpg)
YOU ARE READING
Deal with the agent.
ActionPaano ba natin harapin ang mga seryosong problemang dumadating sa ating buhay? Bawat tao may kaniya kaniyang problemang sinosolba at bawat tao may kaniya kaniyang opinyon sa salitang prinsipyo. Pano pag yung sarili kong prinsipyo ay hindi ko ito mab...