Warning: R-18
Nakayuko akong inis na nakikinig kay Dad. Nandito kami ngayon sa hospital, wala naman akong kahit anong galos sa katawan pero buo kong katawan ay masakit, akalain mo namang buong gabi bakbakan at takbuhan ang eksena namin. At ito ako ngayon, nakikinig sa sermon ng aking ama.
Dalawang araw na akong naka confine, pwede naman ako sa bahay magpahinga pero ayaw ni daddy.
"Hazny are you listening to me?!" bumuntong hininga ako at naluluhang tumingin sa kaniya.
"Dad, how many times do I need to tell you? Stop that stupid transactions of yours. Nang dahil dyan kaya tayo napapahamak eh, kung hindi ako nandun edi ikaw yung nakahiga dito ngayon!" sigaw ko, nakapamewang bumuntong hininga naman ito.
Halata na talaga sa mukha ni dad na tumatanda na dahil narin sa wrinkles na nasa mukha niya pero mukha parin itong nasa middle 30s kahit 50 above na ang edad niya. Kung nandito lang talaga si mommy hindi gaganito ang buhay sa magaling kong ama.
"Dad, kung ayaw mo kong madamay sa mga bisyo mo. Stop that, please."
"Hindi ito bisyo Hazny Bezyle----"
"Ganun parin yun! Bisyo mo yan, pagbibili ng mga illegal na bagay? Ano sa tingin mo matutuwa kaya si mommy sa pinanggagawa mo ha?!" di ko na talaga maiwasang mainis lalo. Walang papatunguhan tong usapan namin. Bigla nalang tumahimik si dad, tumingin ako sa gawi niya at tinignan ang mga kilos niyang pabalik balik sa harapan ko.
Malawak ang kwartong to, VVIP room. Dinaig ko pa yung may mga malalang sakit sa sitwasyon ko ngayon. Lumapit siya sakin at akmang hahawakan ang ulo ko pero agad akong umiwas.
"Don't touch me!" wika ko, pilit nalang siyang lumayo sakin tyaka nakapamulsang yumuko.
"Let me tell you something..." biglang wika niya, di ako tumingin sa direksyon niya kundi diritso lang ang tingin ko sa aso kong bigay ni Clyde na nasa sahig natutulog, pero nakikinig parin ako. "The agency that helps us that night, you don't know what's their agency's name right?" out of nowhere niyang tanong.
Kunot noo kong inangat ang tingin sa kaniya. Walang nabanggit sakin si Brylle tungkol sa pangalan ng Agency nila.
"I guess you didn't know." tila ba nabasa niya kung anong iniisip ko.
"What are you trying to say dad?!"
"If you're not aware kung saan galing ang personal bodyguard mo... He's from Inferno." mahinang sabi ni Dad pero para akong nabingi sa narinig ko. Malinaw pa naman yung pandinig ko, kaya paniguradong di ako nagkakamali sa pagkarinig galing sa bibig niya.
"W-what?!" parang napuwing ako sa sa sinabi niya. I blink for a couple of times bago yumuko. Humigpit ang hawak ko sa kumot. Di ko alam kung paniniwalaan ko ba ang mga sinasabi niya ngayon. Siguro sinasabi niya lang to dahil----
"They killed your mother Hazny, they killed my wife!"
No! This can't be. Brylle and his company, sila yung inferno?! P-panong nangyari yun. Gusto kong umiyak pero walang lumalabas sa mata ko, I.. just felt anger. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa kumot na para bang sa puntong gusto ko na itong punitin. Puno ng galit ang nararamdaman ko ngayon. Patuloy sa pagsalita ang tatay ko pero mula nung narinig ko ang sinabi niya ay parang wala na akong narinig dahil sa galit na nararamdaman ko.
Inis akong bumangon at agad tinanggal ang swero sa kamay ko.
"Hey Hazny what are you doing---" di ko na pinakinggan si papa at agad lumabas ng kwarto. Lahat ng taong dinaanan ko ay kusang umaalis, yung ibang di nakapansin sakin ay binabangga ko na at di na nag aksaya ng oras para humingi ng pasensya.
YOU ARE READING
Deal with the agent.
AcciónPaano ba natin harapin ang mga seryosong problemang dumadating sa ating buhay? Bawat tao may kaniya kaniyang problemang sinosolba at bawat tao may kaniya kaniyang opinyon sa salitang prinsipyo. Pano pag yung sarili kong prinsipyo ay hindi ko ito mab...