Hazny's Point Of View
Habang nagmamaneho ay hindi ko mapigilang mapaisip kung bakit kailangan ko pang makipag kita sakanya. Like , matagal na kaming tapos. Wala na kaming relasyon.
Napatingin naman ako sa GPS ng sasakyan ko. I'm tracking his phone, so that malalaman ko kung saan ko siya makikita.
I'm on my way to met him, my ex devil boyfriend. Nakakasuka, bakit ko nga ba naging ex ang lalaking yun?
Napailing ako sa aking mga iniisip bago nililingon ang bawat daan na dinadaanan ko.
Malaki naman ang daan, pero masyadong liblib ang lugar na ito. Marami akong nadadaanang mga puno at nag tataasang bato, kunti lang ang mga bahay na nakikita kong nakatira dito sa lugar na ito. Masyadong delikado.
Napa-angat naman ang tingin ko nang matanaw ko mula sa may bandang dulo ang isang malaking lumang mansyon. Napapalibutan na ng mga baging at nagtataasang mga damo at puno, halatang napapabayaan na.
Ibinaba ko ang suot kong shades para tingnan ng malinaw ang paligid mula sa salamin ng kotse ko.
Lumabas ako ng kotse at mahinang naglakad papunta sa may luma at kinakalawang na gate ng mansyon.
"Tama ba itong napuntahan ko?" napatingin ako sa hawak kong phone bago dumungaw sa loob. Parang wala namang tao dito e.
Bagot ang mukhang mahina akong nagpapadyak sa inis dahil sa init ng araw na tumatama sa mukha ko.
Where is he now?
Asar ang mukhang nilingon ko muli ng isang beses ang lumang mansyon bago napag pasyahang tumalikod at maglakad na papaalis papunta sa kotse ko.
Aksyung bubuksan ko na sana ang pinto ng may isang malakas na puwersa ang humila sa kamay ko papalapit sa katawan ng taong, hindi ko alam na nasa likuran ko na pala.
"Hanggang ngayon hindi ka parin nagbabago, ang bilis mo mainip."aniya nito sa natatawang boses habang ako naman ay natulala sa sobrang pagkagulat.
"Did you miss me?"
Mabilis pa sa oras na agad akong kumawala sa hawak niya.
Napataas naman ang dalawa niyang mga kamay ng mapansin ang mabilisan kong pag kilos. Patango-tango pa ito habang mahinang napatawa.
Ang totoo, may saltik ba siya sa utak?
"To tell you prankly, hindi kita namiss!" ako na naman ang napatawa bago naka pameywang na hinarap siya. Ang kapal ng mukha niya para sundan ako dito sa Pilipinas!
"What do you want?" I straightly ask, since ito naman talaga ang pakay ko, ang tanungin siya at syempre para sabihin naring tumigil na siya.
"I want you back."
Napatawa ako bago suminghap sa pagpipigil sa galit. Mariin ko naman siyang tiningnan bago dinuro.
"You know what, SCREW YOU!" I angrily said as I raised my middle finger in front of his face.
Dinuraan ko siya bago tumalikod ng bigla niyang mabilis na hinawakan ang kamay ko ng sobrang diin para pigilan sa pagtatangkang pag- alis.
Napadaing ako sa klase ng hawak niya, napakadiin.
I tried to breath slowly so that I can remained myself still. I look up on his eyes so that he can meet my cold stares.
"Let me go, Duane Náxos Lyon!" pagbanggit ko sa buo niyang pangalan.
Nakita ko ang pagkabigla sa mga mata niya ng banggitin ko ang pangalan niya. But he still manage to composed himself and stare back at my eyes too.
"No." he firmly said without letting go of my hand.
![](https://img.wattpad.com/cover/318681233-288-k698523.jpg)
YOU ARE READING
Deal with the agent.
ActionPaano ba natin harapin ang mga seryosong problemang dumadating sa ating buhay? Bawat tao may kaniya kaniyang problemang sinosolba at bawat tao may kaniya kaniyang opinyon sa salitang prinsipyo. Pano pag yung sarili kong prinsipyo ay hindi ko ito mab...