CHAPTER FOUR

63 4 0
                                    

It's 5 o'clock in the morning nang magising siya mula sa malalim na pagtulog.

Nakapikit parin ang mga matang bumangon siya't umupo sakanyang kama habang sinusuklay ang buhok niya ng maayos gamit ang sarili niyang mga kamay.

Padabog siyang tumayo at napagpasyahang pumasok sa malawak niyang closet para mag bihis ng isang  kulay itim na sports bra at itim na short.

Habang naglalakad patungo papalapit sa gym, bumungad agad sakanya ang sunod-sunod na ingay na nanggagaling mula sa loob.

Mabilis niya naman agad na binuksan ang pinto at tiningnan ang medyo madilim at tahimik na paligid.

"Kung ganon, saan nanggaling ang ingay na yun?" kunot noong inilibot niya ang buong paningin sa bawat madilim na sulok ng gym bago napailing.

"Weird."tanging aniya at nagsimula ng mag exercise.

May alam siyang kunting self defense, natutunan niya ito mula sa China bago magpunta sa Czech Republic.

Magaling siya sa archery at lalo na sa pangbabaril. Maya niyang patamaan mula sa gitna ang target
kahit nasa malayo pa siya.

Pinagpapawisan na ang buong katawan niya habang sinusuntok ang punching bag gamit ang suot niyang punching gloves. May pagkakataong pinapatamaan niya ito gamit ang siko at mnsan naman sipa o tuhod.

Nakatuon lang ang atensyon niya sa punching bag na sinusuntok ng may biglang matulis na kulay bronze na kutsilyo ang tumarak sa punching bag na malapit lang sa ulonan niya.

Mabilis sa oras naman siyang napatingala at naaninag niya mula sa ibabaw ng ceiling ang isang pigura ng nakaupo na lalaki.

"Who are you?" tanong niya sa binata habang pilit na inaaninag nito ang mukha na natatakpan ng dilim.

"Glad you finally decided to came out in your room." saad nito na hindi manlang pinansin ang tanong niya rito.

Napataas lang ang isang kilay niya at  hinarap ulit ang punching bag saka nagpatuloy sa pagsuntok.

Narinig niya ang mahinang pagtawa nito na ikinainis niya lalo. Mas nilakasan niya pa ang pagsuntok sa punching bag gamit ang mabilisan niyang paggalaw kasabay ng pagsiko at sipa.

"You have no muscles, it doesn't work like that." rinig niyang Aniya nito sa naa-aliw na boses.

Hindi na niya sana papansinin ito ng maramdaman niya ang dalawang kamay na humawak sa beywang niya.

"Shit!" napasinghap siyang napatingin sa dalawang kamay nito bago napaliksi ng mabilis para umiwas.

Masamang tingin naman ang ipinukol niya sa lapastangang lalaki na humawak sa beywang niya.

"Y-you again?!" hindi makapaniwala niyang saad habang nakaturo ang isang daliri sa lalaking pamilyar sakanya.

Pero agad rin siyang napatingala sa ibabaw bago tumingin sa binatang nasa harapan niya.

"So it is you?!" napaawang ang kanyang labi habang hindi makapaniwalang tumingala ulit sa ibabaw ng ceiling bago sa lalaki.

How did he do that?Tumalon ba siya mula sa ibabaw ng ganon nalang kadali? Bakit wala manlang siyang narinig na ingay kahit kunti lang nong tumalon ito.

"Nice to meet you again, Ms. Hazny."pormal na pagbati nito sakanya bago yumuko.

Hindi naman niya alam kung ano ang sasabihin sa pagyuko nito kaya wala sa oras na isinara niya ang naka awang na bibig bago tumikhim.

"So you're one of my bodyguards huh?"mataray niyang tanong nito ng makabawi sa pagkabigla.

Nakita niya naman itong tumango bago buntong hininga na sumagot.

Deal with the agent.Where stories live. Discover now