CHAPTER EIGHTEEN

54 0 0
                                    

"Ang hirap naman ng role ko!" naiinis kong sigaw kay Brylle, sabay napailing yung ibang kasamahan nila habang napa irap naman si Brylle.

"Wala tayong ibang choice, ito ang Plan A. If you want to end this and serve the justice of your mother you need to sacrifice." natigilan naman ako dun. Nandito kami ngayon sa inferno agency, habang nandito ako sa loob at sa buong building nila wala akong ibang masabi kundi sobrang 'kakaiba'.

Nasa hideout kami kung saan nila pinag memeetingan ang kanilang mga plano sa kanilang kaniya kaniyang mga mission. Nakakailang pa nga sa una kasi di ko mabilang kung ilang lahat kami ang nandito ang inasahan ko ay kami lang dalawang ang mag uusap kasama pala ang buong team niya, di ko naman akalain na madami palang representative sa planong to.

"Fine, just to be sure na gagana tong plano niyo!"

"Don't underestimate our team Hazny, magtiwala ka samin. Ni kahit isang beses di pa kami napalpak, except dun sa incident na nangyari sa residence niyo." sagot naman ni Kyler. Tumango ako tyaka tumayo. Isa isa kong binalingan ng tingin ang mga nandito bago ko tinigil ang tingin kay Brylle.

"Okay then, kailan ito mangyayari?"

"It depends kung kailan sila aatake. Wait for our signal and also for your reminder, you need to be safe. Aaminin kong delikado ang nasa posisyon mo, pwede may mangyaring masama sayo, just go to the flow and follow what's the plan. Don't do anything stupid." umirap ako bago natatawang tumango.

Kung ganoon 50/50 ang buhay ko dito, pwede akong hindi na masilayan muli. Do I need to bade farewell to my friends? Pano pag huli na ang lahat, yes I need to do that. Hindi natin alam ang mangyayari.

Sa dami ng sinabi nila and base to their reactions. Alam talaga nilang, kung ano ang nasa plano ay yun ang mangyayari. Hindi ko alam kung nagpapasikat lang ba sila o ano, seryoso talaga sila sa mga bawat bigkas nila.

Napailing ako sa mga inisip ko at nagpatuloy nalang sa pag dri-drive. Papunta ako ngayon sa rest house ni Akira, nanduon sila lahat tinext ko narin si Clyde ang sabi niya ay susunod daw siya.

Nag park ako sa gilid ng gate, nagtataka pa akong tinignan na may mga kotseng hindi pamilyar sakin. Ang pinagtaka ko pa bakit ang ingay sa loob ng rest house? Kunot noo akong nagmamadali papasok. Muntikan ko pang matamaan si Zyleen at ang kahalikan niya pagbukas ko sa pinto, napamaang kong nilibot ang tingin sa paligid.

"Wtf is this! Wala akong sinabing magpaparty!" inis na sigaw ko kahit alam kong walang makarinig sakin dahil sa lakas ng tugtug. Napadila ako bago tinungo si Shyne na printing naka upo sa couch napatayo siya pagka kita sakin at nakipag beso.

"Ano to?!"

"Aba ewan ko pagka rating ko dito wild na yung paligid."

"Patay to sakin si Akira!" naiinis kong wika. Nilibot ko ang paningin, hindi naman masyadong marami ang nasa loob. Pero ang kalat nilang tignan, nagkalat ang mga bote, kaniya kaniyang milagro sa gilid o ano pa.

"Shyne where's Aki---" di ko na tinuloy ang sinabi ko dahil may kausap na siyang guy, or should I say mayka flirt na siya. Ni hindi nga man lang niya tinanggal ang kamay ng lalaki sa legs niya. Pairap akong umalis at dumiritso dun sa bar counter, di nga ako nagkamali nanduon si Aki.

"Huy bruha! Ano ba tong bungad mo sakin?" lasing na napabaling ang tingin ni Aki sakin nang makita niya ako sumigaw siya tyaka inakbayan ako bago unti unting umiyak. Gulat ko siyang tinignan.

"Ano ka ba wag kang Kj, desperada party to!"

"Ha?! Anong desperada—" ako na mismo yung natigilan sa sinabi ko nang marealize ko ang sinabi niya agad ko siyang nilayo at binatukan "Despidida kamo! Tanga, may despidada party bang ganito. Ang tanga mo talaga! At tyaka hindi naman ako aalis siraulo."

Deal with the agent.Where stories live. Discover now