Chap 6

2.7K 25 0
                                        

Chapter 6: Threat


KUMAKAIN kami ngayon sa isang sikat na restaurant sa Pilipinas. Dito ko nalang ibubuhos yung gutom at inis ko kay Chelsy.



"Kris!" Sigaw niya kaya tinignan ko siya ng masama. "Nakikinig ka ba?"

Di ko siya pinansin at kumain nalang ng kumain. Naiinis na talaga ako sa babaeng 'to, pati ang company eh madadamay kapag bumagsak ang management.



"Hindi ka naman nakikinig eh! Okay lang ba sayong bumagsak kayo? Siguro damay din sila Sir Kyle at ang buong company. Hihi masaya yun." Sabi niya.



"Hindi babagsak ang company kahit umalis ka pa dahil may iba pa kaming pinahahalagahang talents na kaya kaming panatilihing nasa taas." Sabi ko sabay tingin sakanya.



"Oh?! Bakit yung ibang talents pinapahalagahan niyo? Eh ako hindi? That's unfair!" Medyo napalakas niyang sabi.



"Miss Velarde, ano kaya sa tingin mo ang ginagawa ko ngayon?" Tanong ko at ngumiti ng napaka-pilyo.



"Ginagawa mo lang naman 'to dahil binlackmail kita eh!"



"Sa tingin mo ba maniniwala ako sa blackmail mo?"



"Oh eh bakit mo pa 'to ginawa?"



"Exactly! Ginagawa ko 'to dahil pinapahalagahan kita. Isa ka sa mga talents ko na dapat alagaan kaya pinagbibigyan ko ang mga favors mo." Sabi ko. Inirapan niya lang ako at pinagpatuloy ang kanyang pagkain.



"Kris, tutal may nangyari naman na satin.. Bakit kaya hindi nalang tayo mag pakasal? Pano kaya kung nabuntis mo pala ako?" Tanong niya habang kumakain ako. Napabuga ako sa sinabi niya. Putang ina nakakagulat.



'Hindi ka mabubuntis dahil hindi ko naman pinutok sa loob.' Parang gusto kong sabihin.




"Asa kang papakasalan kita."



"Ano?!"



Hindi ko nalang siya pinansin at nag cellphone nalang, tutal may nag text naman eh.



From Krystal:

Kuya Kris, pwede mo ba akong puntahan dito sa condo unit ko? Bilhan mo nalang din ako ng gamot para sa headache. Salamat!

-end-



Napangiti ako sa nabasa ko. Pero hindi pa din maalis sa isip ko yung nangyari nung mga nakaraang araw sa condo niya. Baka mangyari nanaman yun o kaya nama'y may mangyari na nga talaga.



"Bakit ka ngumungiti d'yan? Sino yang ka-text mo?! Bagong babae mo nanaman ba yan? Sino yan?! Argh! Womanizer ka talaga!" Sigaw niya. Tinapunan ko nalang siya masamang tingin at nireplyan si Krystal.



To Krystal:

Sige. Pupuntahan kita d'yan agad kapag tapos ng meeting ko. Gusto mo din ba ng food? Te-take out nalang ako dito para madalhan kita jan sa condo mo? Pagaling ka baby girl ah!

-end-



May sakit si Krystal, kailangan kong protektahan at alagaan ang talents ko dahil sila ang nagpapasok ng pera sa kumpanya.



"Kristian! Pansinin mo 'ko!" Tinignan ko lang siya at binalik ulit ang tingin sa phone.



From Krystal:

Kuya bakit ang sweet mo ngayon? Haha sige po. Hindi ko na rin kayang mag luto eh.

-end-



"Kristian Ryle Manansalas!"



To Krystal:

Sige Krystal mamaya nalang. Hintayin mo nalang ako jan. Papapuntahin ko nalang muna ang kuya mo.

-end-



"Kris ano ba?! Dededmahin mo nalang ba talaga ako? Sayang naman beauty ko." Tinignan ko na siya at tinago ang phone kahit may text pa si Krystal.



"Tss. Ano bang gusto mo?" Medyo may pag ka-harsh kong tanong kaya inirapan niya ako.



"Basta. If you don't make out with me and if you don't date me, mag e-eskandalo ako. Mag papasabog ako ng isang malaking issue para ikasira niyo." Sabi niya.



"Kapag nag eskandalo ka sa social network, darating ang media sa company namin at mas sisikat kami. Ikaw, masisira ang pangalan mo at dadagsain ka ng mga haters lalo na't sikat ka worlwide. Daig mo pa nga ang isang artista at ang araw sa sobrang sikat mo. Malaki ka na, Chelsy. Alam mo na ang tama at mali." Sabi ko at ngumiti.



"Ang sama mo talaga Kris! Sinasabi ko sayo, gagawin ko lahat para mapabagsak kayo." Inis na sabi niya.



"Alam kong masama ako at wala akong pakielam kung gawin mo lahat mapabagsak kami dahil alam ko sa sarili kong ako pa rin ang mananalo." Sabi ko sabay ngiti at nag pa bill out na. Nag take out din ako ng food na kinagalit ni Chelsy dahil bakit daw mag te-take out pa eh kumain na raw kami. Huh, it's for me. It's for my baby.

The Last Womanizer [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon