Chapter 15: Cat Fight
Sinabunutan ako ni Chelsy at ganun din naman ako sakanya pero mas masakit yung sakanya kasi naka-lugay siya unlike sakin na naka-braid ang buhok. Baliw talaga 'tong babae na'to. Baliw na nga kay Kris, baliw pa sa pinaggagawa. May sapak ata 'to sa ulo eh, or sadyang gusto lang talaga maka-hanap ng sakit ng katawan.
"Aw! Ang sakit!"
"Hindi ka siguro masasaktan kung hindi ka gagawa ng bagay na makaka-sakit sayo!"
"Ouch! Bakit? Ginusto ko naman 'to ah? Willing akong tumanggap ng sakit!" Aniya sabay hugot sa tali ko kaya nagulo na din yung pagkaka-braid.
"Yaah! Yung buhok ko!" Sigaw ko at nasampal ko siya. Ohem.
"Aba! Nanampal ka pa ah!" Sabi niya at sinampal din ako. Gusto ko sanang mag sorry pero ayoko. Ayoko kasi ma-da-down ako at mag mumukhang talo.
"You deserved a btch slap!" I said.
Nag sisigawan at nagsasabunutan na kami dito sa loob ng comfort room. Mabuti na nga lang at may pumasok na staff na babae at pinigilan kami.
"Ma'am, tama na po!" Aniya.
"H'wag kang mangielam kung ayaw mong madamay ka!" SIgaw ni Chelsy.
"Pero ma'am, bawal po talagang mag iskandalo sa loob ng restaurant namin." Sabi niya at natigilan ako, ganun din naman siya. Nag flash sa utak ko yung sinabi ni Kris. "Tama na po yan!"
"Ano? Talo ka 'no? Ha! Btch!" Sabi ni Chelsy. Inayos ko nalang yung sarili ko at kinuha yung mga gamit ko na hindi siya tinitignan. Nilugay ko nalang din yung buhok ko kaya sumabog at mukha na akong bruha.
"Sorry for inconvenience." I said then to staff then lumabas na ng Jane. Mangiyak-ngiyak na ako ngayon dahil sobrang ruined na yung 'date' sana namin kahit hindi naman niya sanabing date 'to. Mabilis akong nakapunta sa upuan kung nasaan may dalawang lalaking naka-tayo at nagkakagalit na katabi ang isang babaeng pamilyar sakin.
* * *
Kristian Ryle Manansalas' PoV
Naiwan kami ditong dalawa ni Kevin. Natapos na din naman kami kumain at nag luluto pa mga troops ko sa CoC kaya bored na ko. Naka-connect ako sa wifi ng restaurant kaya ako nakakapag-laro, sa mga nag tatanong.