[Special Announcement: PAKI-LOAD PO NG STORY NA 'TO PARA PO LUMABAS YUNG TUNAY NA KULAY.. DE JOKE. TUNAY AT BAGONG BOOK COVER TSAKA YUNG NAMES NILA. I DECIDED TO USE KRIS' NAME, TUTAL SI KRIS NAMAN PO YUNG PINAG KUHAAN KO NG CHARACTER. IN-EDIT KO DIN PO YUNG IBANG EVENTS AT DIALOGUE IN PAST CHAPTERS. THANK YOU!]
Chapter 14
Habang nasa labas ako ng Jane eh nilapitan ako ng isang naka-ngiting babae.
"Uhm, Ma'am ano pong pangalan nung lalaking katabi mo kanina?" Tanong ng waitress na nag serve samin kanina.
"Bakit?"
"Ang gwapo po kasi eh! Gusto ko sanang malaman yung pangalan niya. May facebook po ba yun?"
Nginitian ko siya, "Oo may facebok siya pero hindi ko pwedeng sabihin kung ano. Sorry miss." Sabi ko sakanya.
"Sige na po. Sabihin niyo na po. Kahit pangalan lang." Aniya.
"Hindi talaga pwede eh. Kung pwede sana eh sinabi ko na. Ayaw kasi nun ng fame and attention." Sabi ko sabay ngito at papasok na sana sa Jane. Ngunit pinigilan niya ako. Ang landi naman ng waitress na'to!
"Please? Mukha kasing type niya ako eh." Aba! Assuming pa!
"Oh? Mukha lang yun. Wag kang mag assume." Sabi ko in final at pumasok na talaga sa Jane. Manigas siya! Ako nga hindi ako nagustuhan siya pa kaya?
Pero sinundan niya pa din ako. Nako! Desperada talaga.
"Sige na miss! Kahit first name lang!"
Napukaw yung atensyon ni Chelsy samin.
"Anong meron?" Tanong niya.
"Eto kasi ang kulit. Tinanong yung pangalan ni Kris." Sagot ko sa tanong niya.
"Ahh! Kris! Sige salamat miss!" Aniya sabay lakad palabas. "Nako pinahirapan pa ko." Bulong niya habang nag lalakad siya.
"Ang landi naman ng babaeng yun!" Sabi ni Chelsy.
Katabi ko lang si Chelsy na nag ma-make up. Kaming dalawa nalang pala dito sa loob. Nilabas ko yung foundation ko at nag re-touch.
"Syempre. Pogi ni Kristian eh." Sagot ko naman.
Binaksak niya yung make-up niya sa kanyang lalagyanan na gumaya ng tunog. Napa-tingin naman ako sakanya at ganun din siya, nag katinginan kami.
"May gusto ka ba kay Kris? Seryosong tanong." Aniya. Nagulat ako dun. Nginitian ko nalang siya at nag retouch. "Ano nga?"
"Hindi ko alam." Malumanay kong sabi.
"Edi meron?"
"Oo, hindi, pwede."
"Ang gulo mo!"
"Please Miss Velarde, wag mo nalang pakielam yung feelings ko. Baka ma-fall nga talaga ako kay Kris sa ginagawa mo. Sige ka, ikaw din." Sabi ko sabay tawa.
"Hayy." Buntong hininga niya. "May gusto kasi talaga ako sakanya. Mahal na ata 'to."
Hindi na 'ko nagulat sa sinabi niya. Halata naman sa kilos niya. Pero naiinis lang ako sa inaasta niya against me. Wala naman kasi akong ginawang masama sakanya.
"Nga pala Chelsy, ano bang problema mo sakin?" Tanong ko out of blue moon. Tinignan niya naman ako sa salamin.
"Ha?"
"Kasi lagi mo kong binubully tsaka pinapalabas mong malandi ako kahit wala naman akong ginagawa kay Kris tsaka sayo." Paliwanag ko.
"Anong wala? Inaahas mo naman kasi talaga si Kris! Hindi mo lang yon napapansin malandi ka!" Nagulat ako sa sinabi niya. Grabe talaga 'tong babaeng 'to!
"Wow. Eh ikaw? Mas malandi? Dala-dalawang lalaki pa? At yung mag bestfriend pa yung biniktima mo ah. Wow talaga ibang klase ka." Inis na sabi ko.
"Huh! Wala eh. MAGANDA eh. Sorry ka nalang." Pagmamayabang niya.
"Ikaw na nga mismo nag sabi. Daig ng malandi ang maganda. Kinombo mo in fairness! Malandi + Maganda = Chelsy Velarde." Sabi sabay nag effort pang pumalpak.
"LUL mo!"
"Wow! Nag mumura pala ang isang sikat na model? So kinaganda mo na yan?"
"LUL it means Landing Ugali Lagi. Para sayo talaga yan, don't worry."
"Oh talaga? Edi mas LUL ka?!"
"Tsk. Akala ko mahinhin ka. Tama nga ako, ang PLASTIC mo! Oh! See, yung kamag-anak mo oh. PLASTIC." Aniya sabau pakita ng hawak niyang plastic wrapper.
"Kamag-anak? So ibig sabihin plastic din ang kuya ko? Wow. Pumapatol ka pala sa plastic?!"
"What the?"
"Well truth hurts. Kaya next time, ingat-ingat din sa sinasabi ah?" Sabi ko sakanya sabay tapik sa balikat niya.
"Malandi ka!" Sigaw niya sabay sabunot sa buhok ko ng nakatalikod nako. Ang aking precious hair! Mabuti nalang at naka-braid yung hair ko.
GUSTO NIYA PALA NG CAT FIGHT AH?! SIGE MATITIKMAN NIYA ANG HIMAGSIK KO.
Sinabunutan ko na rin siya. Hinila ko yung straight ay lugay niyang buhok. This is it pancit!
____________________________________
Author's Note:
I dedicate this chapter to @LeyangProblems thanks for your support! Xoxo.TAPOS NA YUNG EXO NEXT DOOR! WAAH! WALA NA KONG AABANGAN TUWING TUESDAY AT THURSDAY NG GABI! GRABE NAKAKA-IYAK YUNG LAST EPISODE! FEELS~
-Iamlouise_dado