Chapter 20: Stranger
Krystal Raine Asuncion's Point Of View
Gusto kong pag selosin si Chelsy pero parang matutulad lang ako sa ginagawa niya kay Kris. Gusto kong mapa-sakin si Kris kaso mukhang magiging mang-aagaw din ako. Gustong gumawa ng move, kaso hindi maganda na babae ang mag fi-first move.
Hinatid muna ako ni Kris sa condo unit ko at umalis na rin siya. Gusto ko man sabihing, 'totoo yung sinabi kong samahan mo ko sa mall. Gusto kasi kitang maka-date' kaso hindi ko magawa. Babae ako pero bakit na-to-torpe ako?
Gusto kong mag pahangin. Nag ayos muna ako ng mukha na para bang hindi ako si Krystal. Sabi kasi ni Kris, kung gusto ko raw ng privacy eh wag kong ipakita yung identity ko. Sikat na model pa naman ako.
Lumabas na ako at nag lakad-lakad. Malapit lang naman yung park dito sa building. Mag di-dim na din ngayon kasi 5:30 pm na. Perfect sa pag muni-muni.
Umupo muna ako sa bench at pinagmasdan yung mga batang nag lalaro. Dalawang lalaki at isang babae. Nakikita ko ang childhood ko sakanila. Parang kahapon lang kami yan. Sumasabay ang simoy ng hangin habang binabalikan ko yung mga araw na bata pa lang ako at ang alam lang eh mag laro at mag saya. Naalala kong lagi kaming nag lalaro nila kuya Kris at Kevin. Sabi ko one of the boys ako, pero sabi nila prinsesa daw nila ako.. Hindi kabilang sakanila.
Sana maging bata ulit ako. Yung nasasaktan at umiiyak lang kapag nadadapa.
May lalaking tumabi sakin, umiiyak. Sinulyapan ko lang siya at tumitig ulit sa mga batang nag lalaro.
"Ganyan ba talaga kayong mga babae?" Aniya. Tinignan ko siya at nag hahanap ng sunod niyang sasabihin. "Bibigyan ng motibo ang pagkakaibigan tapos kapag ma-fall paasahin?"
"Ha?"
"Sa huli, masasaktan lang kami. Paasahin niyo lang kami! Ganyan naman kayo eh. Gusto niyo laging lalaki ang nag hahabol sa inyo. Napapagod din kami!" Sigaw niya habang patuloy na dumadaloy ang luha sa kanyang mga mata.
"Hindi lahat ng babae ganon!" Sabi ko. "Wag mo akong isama sakanila!"
"Ganun ka din naman eh!"
"Hindi ah!" Sabi ko. "Hindi mo pa naman ako kilala kaya bakit mo ko huhusgahan?! Tsaka bakit ka ba naiyak jan?"
"Hindi pa nga kita kilala, sorry. Umiiyak ako dahil ninakawan ako ng candy." Sarkastiko niyang sabi. Pinanlisikan ako ng mata. "Syempre sa babae!"
"Alam mo, hindi naman lahat ng babae paasa." Sabi ko. "Walang paasa kung walang umaasa."
"Mali! Walang umaasa kung walang paasa!"
"No! Kasalan ba niyang paasahin ka? You're the one na umaasa. Wala naman siyang sinasabing umasa ka kaya walang paasa kung walang umaasa!" I argued.
"Basta. Pare-parehas lang kayo. Mga paasa!" Aniya. "Binigay ko lahat. Even the luxury she wants. But what now? She just left me hanging and thinking what's the problem on our relationship."
"Lahat naman nag babago. Baka nag bago na ang nararamdaman niya sayo o kaya nag bago na ang tinitibok ng kanyang puso kaya ka niya iniwan."
"Ano ba nagawa kong mali? Ano ba yung naging pagkukulang ko? Bakit nag hanap pa siya ng iba?" Sabi niya sabay punas sa tumutulo niyang luha.
"Aba malay ko!" Sigaw ko. "Hindi naman ako yung girlfriend mo para masabi kung bakit ka iniwan."
Binitiwan niya ako at lumayo ng kaunti. "Sorry. Nadala lang ng matinding emosyon." Aniya.
"You know, you shouldn't cry over hoe. Marami pang babae d'yan. Gwapo ka naman eh, matipuno at maputi. Siguro.. Ahm.. Mag ayos ka lang siguro ng porma mo. Okay na." Pag che-cheer up ko sakanya.
"Sabagay nandito ka naman." Bulong niya.
"Ano?!" Napalakas kong sabi. Nabigla ako sa 'binulong' niya.
Tumalikod muna siya sakin at nag punas ng mukha gamit ang panyo at humarap sakin habang hinahawi ang kanyang buhok. Ang gwapo niya tignan si ginawa niya. Para bang nag slow motion siya at kumislap yung kanyang mga mata.
"Pwede ko bang malaman yung pangalan mo?" Naka-ngiti niyang tanong.
Gwapo naman pala siya. Hindi siya ganun ka-pogi sa unang tingin pero kapag natitigan mo na siya, pumopogi siya habang tumatagal.
"Sorry. I shouldn't talk to stranger." I said. Tumayo na ko at nag lakad palayo. Tama lang yung ginawa ko. Tama lang na maging loyal ako kay Kris.
"Teka!" Sigaw niya. Naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. Nilingon ko siya na nakataas ang isang kilay.
"May kailangan ka?" Masungit kong tanong. Kailan kong sungitan siya para ma-turn off siya sakin at hindi na guluhin pa.
"Oo." Aniya. "Ikaw. Kailangan kita."
_______________________________________
Author's Note:
3 months no update gaming. Hahahaha. Sorry po. Btw, thank you sa mga sumusoporta pa din sa story na to. Hindi ko na po kayo ma-mention pero alam niyo na po kung sino kayo :) Thank you po ulit!-Iamlouise_dado