Chapter 16: Her Past
Chelsy Anne Velarde's PoV
Wala na akong parents dahil lahat sila eh may sarili na ring pamilya sa ibang bansa. Bumuklod ako pero hindi pa rin naman nila ako nakakalimutan at sinusustentuhan pa din ako. May dalawa akong kapatid, isang babae at isang lalaki. Si Charl na panganay namin na nakay Daddy, si Camille na pangalawa na napunta kay Mommy at ako na bunso ang nag buklod. But then, si ate Camille bumalik dito sa Pilipinas at dito na din nag trabaho.
Alam kong maraming naiinis sakin at gaya ng karamihan, nasasaktan din ako. Sino nga ba ako? Ako lang naman si Chelsy Anne Velarde na mas kilala nilang Miss Chelsy Velarde. Sikat ako, pero gano ba ako ka-sikat? Mas sikat pa daw ako sa araw pero bat ganun? Hindi ko gusto yung kasikatan ko. Oo nga't kilala ako ng karamihan, nakaka-ani ng fame, likes at attention pero sino ba ang may gusto non? Sino ba ang may gustong i-invade ang private life mo at hindi mo kayang gawin yung 'totoong gusto' mo dahil sa maliit na pagkakamali mo lang eh huhusgahan ka na agad.
Magaling ako sa kahit anong style ng modeling kaya nga mabilis akong sumikat kahit hindi na ako dumaan sa Next Top Model na palabas. Konting training at mas gumaling pa ako.
Nag sisimula palang ako ng career ko sa unang agency bago sa Manansalas' ng may malaking problema agad ang sumalubong sakin. Dahil newbie pa lang ako eh na-bu-bully ako. Yung tipong pupunitin at sisirain yung suot mo? But then if I finally wear it, bagay pa din sakin at mas lumakas yung sense of fashion kahit mukhang trashy na sa iba.
Dahil dun, mas na-insecure sila. Mas naging matatag din naman ako. Tahimik lang akong tao kaya okay lang sakin ma-bully basta alam kong wala akong ginagawang mali. Pinagplanuhan nilang ipahiya ako. Pinahiya nila si Anne Velarde,tinapakan at dinurog. Hindi ko na kaya tsaka sobra na yung ginagawa nila sakin. Anim na buwan din akong nawala sa fashion industry at nag resign na din ako sa agency kasi hindi nila 'inaalagaan' yung talents nila.
One time may nag text sakin, si Sir Kyle Manansalas. Nag offer siya sakin. Maganda yung offer niya kaya na-lighten up ako at nag boost yung self-confidence ko. Sabi ko sa sarili ko, 'Eto na yun Anne! Pwede kang bumangon ulit sa pagiging Chelsy'. Agad kong tinanggap yung offer.
Pagkapasok ng pag kapasok ko sa office ng kapatid ni Kyle eh nakita ko ang isang magandang lalaking naka-upo sa kanyang office chair at naglalaro sa kanyang iPhone. Sa simpleng posisyon eh natipuhan, nagustuhan at nag ka-interest na ako sakanya.
Sumabak agad ako sa pakikipagsapalaran. Sa una nag kakamali pero sa katagalan eh gumagaling rin. Marami na akong nakukuhang projects at nadala ko pa yung products ng Manansalas na 'Mansa Shoes' worldwide at nadagdagan ng ng iba pang products at nagkaruon na din ako mga shows at movies dahil daw sa angkin kong ganda, talino at strong personality.
Pero kahit sumikat ako ng bongang bonga eh hindi ko pa rin sinukuan, tinalikuran at iniwan ang Manansalas kaya ako naging 'Face Of Manansalas Company' na siyang mas ikinasikat ko at ng company.
Alam ko, nag iiba na rin ang ugali ko. Yung dating mahinhin, humble at mabait eh nag turn na sa isang nakaka-inis, mayabang at mataray na babae. Hindi na nga ako yung dating Anne pero ewan ko ba, mas nagustuhan ko kung ano na ako ngayon. Siguro nga heto talaga ako, 'Be Yourself' nga ika nila.
Sumikat na ko lahat lahat, napansin at minahal na ako ng mga tao pero hindi pa rin ako na-a-appreciate ni Sir Kris. 3 years na akong nagsisilbi sa kanila at sa 3 years na yun eh palihim ko siyang minamahal at ina-admire. Kilala ko na nga siya eh, kung anong mga gusto at hindi niya gusto. Napagkaalamanan kong 'Womanizer' pala siya so 'Player' din siya. Alam kong maari akong mapasama sa mga babae niya at binalaan na din naman ako ni Sir Kyle pero hindi ko na talaga matiis yung pagiging mushroom at pagiging wala lang sa buhay niya. Gusto kong mabago siya at gustong kong maging akin siya.
Maraming nangliligaw pero nililigaw ko. In short, binabusted ko. Gusto ko kasing sakanya ko ibigay yung una at puso ko. Baka naman kasi kapag alam niyang siya ang naka-una eh mapabago ko siya. Sabi kasi nila hindi daw napatol si Kris sa virgin. Siguro natatakot din.
Isang party ang naganap sa club ni Kyle. Oo, may sarili din siyang club. That was my happiest night in my life. Nasolo at naangkin ko siya. But then hindi pa pala yun sapat. Hindi pa rin pala sakanya yun uubra. Masakit? Oo. Sobrang sakit. Masakit na nga makuhaan ng una, masakit pang ma-ignore bago mo ito ibigay kaya ginawa ko talaga lahat makasama at mapansin niya lang ako ng matagal.
Eto may napansin ako sa loob ng 3 years. Si Krystal Raine Asuncion na palagi niyang kasama at pinapansin. Sa una akala ko nilalaro niya lang pero nalaman ko palang kababata niya 'to. Pero may iba. Makikita mo yung difference sa tinginan niya kay Krystal at sa iba niyang talents na katulad ko. Oo sabihin na nating womanizer nga siya at matinik sa mga babae pero sa babaeng 'to eh ibang-iba talaga. Ewan ko pero nakaramdam talaga ako ng inis at sama ng loob kaya kung anu-ano nalang nagagawa ko sakanya.
Mas lalong nag iba yung pananaw ko sa buhay at ugali ko. Nag bago ako.
Siguro nga nababago ka ng pagmamahal. Si Kristian ang gusto kong mapabago, pero ako ang nabago.
