Chapter 17: Sister's Rival
Chelsy Anne Velarde's PoV
Lumabas na ko ng comfort room, syempre inayos ko muna yung sarili ko. Ayokong makita ako ni Kris na hindi maganda, kalat-kalat make-up at gulo-gulo ang buhok. Pagkalabas na pagkalabas ko pa lang eh nainis na ko ng makita sila Kris, Kevin, Krystal at.. Si ate Camille?! Hinihila kasi ni Krystal si Kris palabas ng restaurant but then he has the guts to make pa-pogi kay ate Camille. Wtf! Nahuli lang ako ng ilang minuto eto agad ang makikita ko. Anong meron, bakit ganun nalang maka-tingin si Kris kay Ate Camille and the same way na makatingin si ate kay Kris na para bang in-love na in-love siya dito. Don't tell me may gusto si ate kay Kris?
Nakalabas na sila ng tuluyan. Nilapitan ko na sila ate Camille at Kevin. Mag kakilala ba sila?
"What's going on?" I asked.
"Oh Chelsy! Nandito ka pala?"
"Obviously?"
"Ang taray mo sister ah. Teka, mag kakilala kayo ni Kevin?" Tanong niya sabay akbay kay Kevin. Badtrip ako ngayon, baka sayo ko malabas lahat ng 'to. Si Kevin naman ngingiti-ngiti nalang na parang naiilang.
"Ah, yeh." Simpleng sagot ni Kevin.
"Oh?!" She reacted. Tinanggal niya na rin naman yung pagkaka-akbay kay Kevin. "Kelan? Pano? Woaaaah."
"Eh kayo? Paano kayo nag kakilala?" Tanong ko.
"Ahh, excuse me lang ah. Babayaran ko lang yung mga kinain namin. Ikaw Camille, what d'you want?" Sabi ni Kevin. Umupo naman kami ni ate Camille.
"Lilibre mo ko?"
"Ayaw mo?"
"Woah! Himala! Hahaha. Yung favorite ko nalang! Thank you best friend!" Aniya. Best friend daw?
"Sige. Maiwan ko muna kayo. Kayo nalang mag usap kung pano ko kayo kilala. HAHAHA. Ang gaganda niyo talaga." Aniya at lumakad na papuntang counter kaya nag tanong na ko kay.
"Mag best friend kayo? O kaya mo siya naging best friend kasi nilibre ka niya ngayon?" Tanong ko na nakataas yung isang kilay.
"Hala? Matagal ko ng best friend yan 'no!"
"Oh? Hindi ako informed! Best friend nga ba? O may nararamdaman ka na?" Inirapan ko siya.
"Hindi naman kailangan sabihin sayo eh. HAHAHAHA. Tsaka kasamahan ko yan sa trabaho! Hindi mo ba siya nakita one time na bumisita ka sakin? Hanggang best friend lang kami, Che. Grabe ka sakin." Aniya. Oh? Kasamahan niya? Bakit hindi ko alam?
"Hindi eh. Ang daming lalaking naka-tingin at sumasalubong sakin dun. Malamang hindi ko makikita si Kevin."
"Sabagay. Pano mo nga nakilala si Kevin? Grabe small world talaga 'no? Kilala pala natin yung isang tao pero hindi natin alam pareho na magkaka-kilala pala. Para bang love triangle! Pero gaya nga ng sinabi ko, hanggang best friend lang kami. So baka maging sitwasyon eh gusto ako ni Kevin pero di ko siya gusto, gusto mo si Kevin pero hindi ka niya gusto. Hindi kita gusto pero may gusto akong iba. Hayy ang gulo!" Aniya.
"Pinagsasabi mo? Best friend ng boss ko si Kevin. Kilala mo si Kristian? Best friend niya yun. Tsaka anong love triangle? No. Wala naman yun gusto sakin." Sabi ko sabay irap. Natigilan siya ng ilang minuto. So ilang minuto ring awkward.
"Chelsy.."
"Ano?"
"Yung sinasabi mong Kristian."
"Ano meron?"
"May gusto ako sakanya. Para bang love at first sight. Feeling ko nga destined kami sa isa't-isa eh. Ang gwapo niya! Ang tangkad, matipuno at maputi pa! Hayy, my dream guy." Aniya habang nag ha-heart shape ang kanyang mata. Pumalakpak yung tengga ko sa narinig ko. Tama ako sa hinala ko, may gusto rin siya kay Kris. It sucks a lot, you know.