Chap 18

1.2K 12 0
                                    

Chapter 18: Father's Day Special

Kristian Ryle Manansalas' PoV

Nag drive na ako pabalik sa office kasama si Krystal. Napaka-tahimik ni Krystal kaya nag patugtog nalang ako. Para bang ang lalim ng iniisip niya. Syempre nag aalala rin ako, na-cu-curious din ako sa iniisip niya.Mukhang bothered na bothered siya eh. 

Laging nag vi-vibrate yung phone ko sa bulsa at sa point na 'to ay tumawag na ng tuluyan. Sinagot ko naman ito at napa-ngiti sa narinig. May gusto nga talaga ang babaeng 'to sakin. ANG POGI KO KASE!


"Hi Kristian!" Bati niya.


"Hello."


"Uhm, bakit hindi mo sinasagot yung mga texts ko?" Mahinhin niyang tanong.


"I'm on the road." Cool ko lang na sabi. Cool lang naman kasi talaga akong tao.


"Ayy! Ganun ba? Sorry."


"Okay lang yon."


"Uhm, pwede ka ba mamayang dinner?" She asked. Woah! Siya pa talaga nag tanong?! Kung anu-ano na pumasok sa isip ko. Libog na libog na 'ko.


"Wala naman akong appointment mamaya. Bakit?" I asked even though I know her real intentions.


"Pwede ka bang maka-date?" Hindi na ko nagulat sa sinabi niya, bagkos ay napa-smirk nalang. Ganun ba ko ka-pogi? Sabihin niyo nga sakin please, para naman makapag-donate ako sa nangangailangan.


"Oo, pwede naman. Saan?"


"Sa Seaside, MOA nalang tayo mag kita mamayang 7 pm. Sa tapat ng MOA eye, ha?" Sabi niya.


"Sige." Binaba ko na yung phone at nag patuloy nalang sa pag drive. Mukhang may matitikman nanaman ako ngayon.


"Kris, sino yun?" Biglang tanong ni Krystal nang ibaba ko na yung phone.


"Wala." Naka-ngiti kong sabi. Hindi nalang pinansin ni Krystal. Sayang, gusto ko pa naman pag selosen siya.



* * * *


6:30 pm na. Naka-porma na 'ko at ni-ready ko na yung mga condoms. Naka-boyfriend jeans ako na black, polo-shirt na blue at sneakers na brown. Sinabayan ko pa ng snapback na blue at brown para mag blend yung kulay.


Oo, excited ako. Maganda siya at mukhang masarap. Sino ba hindi ma-e-excite?


Nga pala, na-settle down ko na lahat ng company problems. Yung pag sama kay Krystal? Wala yun. Alam kong pinagseselos niya lang si Chloe kaya sumakay nalang ako kanina. Pero kung papa-piliin ako? Pagsama kay Krystal o kay Camille? Syempre wala! Parehas akong sasama. Ulul wag na tayo mag plastikan dito, parehas silang chixx kaya parehas ko silang pipiliin! Pero real talk! Si Krystal pipiliin ko, mahal ko eh.

The Last Womanizer [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon