ELIANA
YOU ARE FIRED
"Hindi ka naman ba nagsisisi na sumama sa 'kin?" Tumingin ako sa kanya bago sagutin ang kanyang tanong.
"Hindi ah. Bakit ko pagsisisihan ang desisyon ko? Kung alam kong ayaw ko, edi hindi ko na gagawin, 'di ba?" Tumango siya bilang sagot.
"Gusto mo na kumain? Let's go, let's have some snack." Tumayo siya saka iniabot ang kamay niya sa ‘kin. Agad ko naman itong inabot saka tuluyan kaming naglakad para maghanap ng makakainan.
"Paborito mo ang siomai?" Tanong niya. Tumango naman ako habang sarap na sarap sa pagkain ng fried siomai. Niyaya niya ako sa mamahaling fastfood ngunit sabi ko dito na lang. Ito na ata ang pangatlong kainan na pinuntahan namin.
"Hindi siya nawawala sa top five favorite food ko simula bata ako." Sumubo ako ng isa saka kumuha ulit ng tatlo at nilagay sa paper plate. Grabe kasi pagpupumulit na pumunta kami at kumain dito.
"Ikaw, anong paborito mong pagkain. Hmmm, sigurado ako sosyal ang paborito mo dahil nga mayaman ka." Ngumiti siya habang abala sa pagkain ng siomai.
"No, not really. Pang mayaman ba ang kaldereta?" Nanlaki ang aking mga mata sabay hampas pa sa lamesa.
"Kaldereta? Kaya kitang lutuan no'n. Siguro bilang pasasalamat na rin." Natuwa siya sa sinabi ko kaya pumayag na siya.
Inubos ko na ang natitirang siomai sa lagayan ko at gano'n din sa kanya.
"For sure, ayaw mo pa naman umuwi."
"So, ano pa gagawin natin dito?"
"Let's go back to the car. May pupuntahan tayo." Hinawakan niya ulit ang kamay ko at wala na akong nagawa dahil nasa labas na kami ng kotse niya.
"Saan ba kasi tayo pupunta?"
Nakabusangot kong tanong habang sumisimsim ng milk tea.
"No more questions, my lady." Kumunot ang noo ko sa sagot niya.
"Duh, hindi mo ako pagmamay-ari." Mataray na sabi ko saka siya bumaling sa akin habang nagmamaneho. "I'm just asking. Bawal ba magtanong?"
"Magtatanong ka pa ba kung nandito na tayo?" Agad akong napatingin sa paligid. Ang laki! Namamanghang ibinalik ko ang tingin kay Lucas.
"Anong gagawin natin sa kompanyang ito?" He smirked.
"Bibisita tayo," sabi niya saka ako hinila papunta sa loob.
Kilala niya ba ang may-ari nito? Kaibigan? Ngayon lang ako nakakita nang ganito. Iba pala talaga sa syudad, hindi nakasasawang pagmasdan ang paligid at ang lalaki ng mga gusali.
"Good morning, Sir. Good morning, M-ma'am." Napatingin ako sa guard na bumati na hindi mawala-wala ang ngiti. Medyo nabigla iyong guard nang makita ako ngunit hindi ko na lang binigyang pansin.
"Good morning," bati ko dito at ibinaling ang tingin kay Lucas.
Ngunit hindi niya ito pinansin o binati man lang at nagpatuloy lang sa paglalakad. "Ba't hindi mo man lang binati iyong guard?" Tanong ko saka siya tumigil sa paglalakad.
"It's not my job." Tila naging maamo ang kanyang dating nang sabihin iyon saka siya nagpatuloy. Napasinghap nalang ako nang mapansin kong lahat ng makasalubong namin ay binabati siya ngunit tila hangin lamang ito para sa kanya.
Sa bawat sulok ng lugar ay lahat sila nakatingin sa akin. Nakaramdam ako ng hiya. Yung iba naman ay matalas akong tinitignan saka iirapan. What's going on?
YOU ARE READING
WEATHER SERIES 1: Sunshine In The East
RomanceSimple-minded Eliana Anatola Addison has a desire of moving to Manila so she can study, work, and most importantly, escape her aunt, who has cursed her since her mother passed away. While she doesn't actually harm her, she is sick of slaving over he...