Panay ang buntong hininga ko. Kahit malakas na ang tugtug sa earphone ay rinig ko parin ang sigawan ng parents ko.
Wala akong maintindihan sa sino-solve kong math problems. The truth is I hate math. that's why kanina pa ako naiiyak dahil wala akong maintindihan sa worded problem na sinusubukan kong i-solve but I failed 2 exams already and I can't afford to failed again dahil baka bumaba ang grado ko.
Pinahid ko ang isang takas na luha sa pisngi ko, masyado akong pagod ngayon araw at ang pag-aaway ng magulang ko sa labas ng kwarto ay hindi nakakatulong.
Niligpit ko ang gamit ko at nilagay sa shoulder bag. Kahit nasa second floor ang kwarto ko ay walang pagdadalawang isip akong lumabas mula sa bintana. mahigpit ang kapit ko sa bintana habang pilit inaabot ng paa ko ang tinayong gapangan para sa ampalaya ng lola ko sa side ni mommy.
Makapal ang kahoy noon kaya naman ng makatapak ay bumitaw ako sa bintana sabay talon. Sumagi ang pajama ko sa naka-usling pako ng kahoy kaya nalaslas iyon, buti nalang maliit lang at hindi naka abot sa balat ko ang pako.
Malaki ang lupa namin kaya may lugar sa taniman ni lola, sapat na may parking lot ng lima naming kotse at space para sa party pero ang pinaka paborito ko ay ang malaking puno na tinayuan ni lolo ng tree house bago siya mamatay.
tambayan lang talaga ang tree house na iyon pero kapag ganito ang sitwasyon at ang ingay ng bahay dahil sa pag-aaway ng magulang ko ay doon ako naglalagi. wala naman nakakapansin na nawawala ako kaya ayos lang.
dahan-dahan akong umakyat sa naka hang na lader. ni-hindi manlang ako kumain ng hapunan kaya naman ang bilis ko hingalin nasa kalagitnaan palang ako ng pag-akyat.
Binuksan ko ang ilaw at nilapag sa sahig ang mga libro at notebook ko. Kailangan ko mag-aral para makasama ako sa with honors manlang. naiiyak na ako ng malaman delikado akong mag cumlaude.
gusto kong hampasin ang ulo ko. wala talaga akong ma-gets. Naiiyak na ako ng biglang may naglapag ng pagkain sa tagiliran ko.
"paano ka makakapag isip ng maayos kung hindi ka pa kumakain?"
Naiiyak kong tinignan ni miggy na umupo sa tabi ko at kinuha ang libro.
Miguel Alonso T . De legazpi, ang nag-iisa kong kaibigan simula pagkabata. Sa kanya lang ako may tiwala.
"kumain ka muna" utos niya.
Kinuha ko ang tupperware may laman kanin at chicken curry. Nagsimula na agad akong kumain habang nakatingin sa notes ko.
"dahan-dahan" saway niya ng inubo ako kakasubo, inabot niya ang eco bottle at binuksan iyon. "drink."
"bakit ka nandito? wala ka bang pasok bukas?"
Normally 6 days in a week siya nasa university at bihira na kami magkita simula ng mag college siya.
Magkakilala na kami ni miggy 5 years old palang ako. Dalawang taon ang tanda niya sa akin, same kami ng tinahak sa lahat ng bagay. Mas komportable kasi ako kapag kasama siya dahil wala din naman akong masyadong kaibigan pero simula ng grumaduate siya ng senior high school ay mag-isa nalang ako.
Wala ng nagtatanggol sa akin sa school. Noong una ay lagi niya akong sinusundo pero ng nagtagal ay nawala na kasi naging busy na siya talaga.
"wala akong sched bukas"
Napangiti ako. ibig sabihin sasamahan niya ako buong araw bukas.
"inaaway ka parin ba nila nelly?"
umiling ako kahit ang totoo sinusungitan parin ako ni nelly. siya ang pinaka maganda sa school laging sumasali ng pageant pero hindi nananalo kasi bobo. Hindi nga alam noon ano ang 21st century eh.
BINABASA MO ANG
Everything about us
RomanceIs it possible to move on when there are so many "what ifs"? Angela might not be the smartest student, but she still excels on her level. Natural na sipag at kagustuhang mapansin ng kanyang ama ang nagbibigay sa kanya ng pressure para mag-aral maigi...