ENTRY#22

6 2 0
                                    

Sinabi ko agad kay miggy ang mga narinig ko. Hindi ako makapaniwala na may alam si kuya, bakit hindi niya sinabi noong una palang?

"Nakausap mo na ba ang kuya mo?"

"hindi pa. Gusto ko personal na itanong sa kanya!"

Magka video call kami ngayon. Wala sa akin ang paningin niya pero nakikinig naman siya. Tinitigan ko ang mukha niya sa screen ng laptop ko. Naka-focus pa siya sa ginagawa niya kaya hindi nagsasalita.

"linggo bukas, hindi ba uuwi ang kuya mo?"

"hindi ako sure. Pero sa tingin mo dapat ba sabihin ko na?"

Hindi agad ulit siya sumagot at nagta-type sa keyboard. Na-guilty ako bigla na hindi siya makapag focus sa tina-trabaho niya.

"miggy, matutulog na ako."

"are you sure? Salita ka lang angel makikinig naman ako."

"I'm sure"

I kissed him on my laptop screen. Hindi man literal na nagdikit ang mga labi namin atleast napangiti ko siya bago matapos ang call.

Hindi ako madalaw ng antok kakaisip. Madalang umuwi si kuya dahil busy sa law school kaya sila daddy ang bumibisita sa kanya madalas.

Hindi ko na open kay miggy na gusto ko siyang ipakilala sa mga kaibigan ko at opisyal na ipakilala kina mommy na boyfriend. Sa susunod nalang siguro kapag naging okay ang sitwasyon ng company nila.

Magaling na business man ang daddy niya, ang alam ko isa sa mga bagong business nila ay furniture pero hindi ko na alam ano pa ang iba.

Kinabukasan , araw ng linggo. Naging akward sa hapag kainin. I'm not comfortable with daddy more than usual. Nakangiti siya kay mommy habang nagku-kwento ito. Lalo umurong ang ideya ko na sabihin kay mommy ang narinig ko dahil sa saya na nakikita ko sa mga mata niya.

"How's engineering bunso?"

Hirap ngunit pinilit kong lunukin ang ulam.

"Fine, dad."

"Mabuti at nasasanay ka na ng wala ang mommy mo."

Hindi naging maganda ang dating sa akin ng sentence na iyon. Pakiramdam ko may ibang ibig sabihin.

"Nabalitaan mo na ba yung nangyari sa business nila miggy? Tinakbo daw ng kasosyo ng daddy niya lahat ng pera ng company"

Si daddy at mommy ang nag-uusap. Nakikinig ako pero hindi ko sila tinitignan.

Ang lala pala ng nangyari. Hindi na nila mahanap ang partner ng daddy niya kaya ang daddy ni miggy ang iniipit ng mga Investors.

"Wag ka muna magsa-sama kay miggy angela"

Napahinto ako sa paglalaro sa kanin ko.

"Po?"

"Ang laking kaso ang hinaharap ng family nila, baka malaman ng mga kaibigan natin madamay pa tayo. Ano nalang ang iisipin ng ibang tao. Tutal sa taguig ka naman nag-aaral. Wag muna kayo maglalabas."

Tumayo na si daddy ng hindi manlang ako pinagsasalita. Tumingin ako kay mommy at parang wala lang ang sinabi ni dad. Kumakain lang si mommy.

"Mom"

"Mag text -text nalang kayo bunso. Mahirap na baka machismis din tayo. Ayuko ng tanong ng tanong ang mga tao sa hindi naman natin issue."

"That's unfair mom! Uunahin ko pa ang sasabihin ng mga kaibigan niyo kesa sa nag-iisang tao na dinamayan ako sa lahat ng bagay?"

Hindi nito natuloy ang pag-inom ng juice. Kumunot ang noo niya. Medyo malakas ang paglapag niya sa baso kaya nilingon kami ng ilang kasambahay.

"Ano bang sinasabi mo angela! Anong nag-iisang tao na dinamayan ako sa lahat? Anong tingin mo sa akin!?"

Everything about usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon