ENTRY#17

13 2 0
                                    

REGINE

ako ang una nagigising sa aming apat dahil ako lang naman ang mahilig mag-almusal. 6am palang bumangon na ako.

Nagtaka ako pagbaba na wala si angela sa kama niya, wala din sa study table. himala.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Sensitive si kezia sa ingay baka magising siya.  

"Ang aga naman"

 Bukas ang pinto ng likod bahay at may humahagikhik sa likod. Naka-upo si angela sa bangko at sabog-sabog pa ang buhok. Hawaka niya ang cellphone sa kaliwang kamay at nakangiti.

May idea ako kung sino ang kausap niya. Isang buwan na simula noong mag usap sila sa 7/11. Maliban sa miggy ang pangalan niya wala na akong alam, hindi na din ako nag-usisa dahil buhay niya iyon.

pero simula noon hindi ko na nakikitang iniiwan ni angela ang phone niya, laging hawak kahit may klase. pagising palang phone agad hanap, kung sasabihin niyang childhood friends padin sila, ewan ko nalang talaga.

nagbukas ako ng ready to mixed na pancake. mukhang hindi napansin ni angela na nasa kusina ako kahit pa sinasadya ko ingayan ang kawali.

"sa linggo? sige, saan tayo kita?"

Mukhang masaya naman siya sa ginagawa niya, bahala na sila kung anong label nila. 

"Angela kakain ka ba? dadamihan ko ang luto"

Gusto kong tumawa ng literal na napatalon siya at putlang putla sa gulat.

"good morning" bati ko sa nakatulalang si angela.

"h-ha? oo, 9am pasok ko e, sige babye"

Nakatingin siya sa niluluto ko pagpasok niya. 

"bakit ka nahihiya?" tanong ko. Pulang-pula kasi ang mukha niya.

nako ateng kung alam mo lang ilan na naging boyfriend ko. Wala ka dapat ikahiya.

Umupo siyas a dinning table at nagbuklat sa isang notebook. Lagi niya sinusulatan iyon, diary ata.

Tapos na ko magluto ng saktong lumabas si kezia sa kwarto. dumiretso siya ng upo.

"pasabay milo" sabi ni kezia

tatlo kaming milo ang iniinom at hindi nagkakape, si carmela lang ang mahilig sa kape.

Pumasok si angela sa kwarto para itago ang notebook niya. Paglabas niya kasama na niya si carmela na naka-akbay at nagpapahila sa kanya.

"bakit ang aaga niyo nagising? mag 6:30am palang. Tulog pa"

tahimik kaming kumain. sa sobrang tahimik parang hindi normal na umaga. dahil maaga pa hindi kami agad kumilos. 

May pinaguusapan si kezia at angela tungkol sa programing, si carmela naman nag kabit ng earphone dahil may tumawag.

"ako na mauuna sa pagligo ah." 

Tatayo na sana si kezia para kumuha ng towel pero naagaw ni carmela ang atensyon naming lahat.

"chocolate o ako?" humagikhik si carmela.

landi naman nito.

"weh? tingin mo mas masarap ako sa chocolate?"

gusto ko masuka.

"candy o ako?" lumawak ang ngiti niya. "ayieee!!! sweatheart"

Tinitignan na siya ng masama ni kezia.

"langgam ba iyon boyfriend ni carmela? bakit niya kino-compare ang sarili niya sa matatamis?"

Everything about usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon