ENTRY#2

18 4 0
                                    

Nakatulala ako sa kisame ng kwarto ko.

'may babae si daddy?'

"bunso?" 

bumangon ako para pagbuksan ng pinto si kuya.

"po?"

"baba na dinner na"

Tumango ako at sumabay na ako sa kanya pababa.

"ayaw kumain ni mommy pero pinahatiran ko nalang siya ng pagkain sa kwarto. si daddy may aasikasuhin daw kaya hindi makakauwi."

Magkatabi ulit kaming umupo sa hapag kainan. 

"kamusta exams mo?"

"okay naman kuya"

Pinagsandok niya ako ng kanina at ulam. 

"Hinatid ka daw ni miggy?"

"opo" simple kong sagot.

"buti pa si miggy na de-date ang bunso ko. si kuya kaya kailan"

"hala! hindi kaya kami nagde-date!"

uminom ako ng tubig dahil uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.

"kahit sabihing mag best friend kayo lumalabas parin kayo ng kayo lang kaya date iyon! pag vacant niya nandito siya o basta kung nasaan ka, e ako? kailan mo ako ide-date"

"eh wala ka naman vacant di'ba? busy ka sa law school"

Bumait ang ngiti nito. "oo nga eh" sabay kamot sa ulo

"naka pag decide ka na ba saan mo gusto mag college? sundan mo ba si miggy sa architecture?"

Masyadong mababaw ang usapan namin, hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni mommy.

"ano kayang pinag-awayan nila mommy" panimula ko.

"hayaan mo sila, lagi naman silang nag-aaway. kaya ayuko umuwi dito minsan kasi naririndi ako eh"

Nagsimula na siyang kumain at binaliwala ang sinabi ko.

"may alam ka ba?"

bumuntong hininga ito. " bunso, mag promised ka kay kuya pwede"

"na ano?"

Bumaling ang buong katawan niya sa akin at seryoso akong tinignan.

"na mag stay ka dito sa bahay hanggang kaya na kitang suportahan"

"ha?"

"mag aral ka pa ng college at may two years pa ako sa law school. hanggat di ka pa kayang suportahan ni kuya tiisin mo nalang muna si daddy, please?"

"maghihiwalay ba sila?"

"hindi natin sigurado pero mas madalas silang mag-away ngayon kesa noon"

Umayos ito ng upo at pinagpatuloy ang pagkain.

"paano si mommy?"

"hindi ko pa nakaka-usap si mommy pero kailangan natin mag handa sa pwedeng mangyari." 

Natahimik ako. tinitigan ko si kuya. Malungkot ang mga mata niya pero matapang ang boses. Malungkot pero matapang. 

Hindi na ulit kami nagkaroon ng topic matapos noon. hindi ako halos kumain, wala akong gana. Parang naka-limang subo lang ako tapos ay binaba ko na ang kutsara.

"mag-aral na ako ulit kuya. ingat ka bukas sa byahe" bilin ko dahil alam kong madaling araw siya aalis ng cavite para bumalik sa dorm.

simula ng mag-asawa ay hindi na nagtrabaho si mommy pero sa pagkaka-alam ko ay magaling siyang mag bake pinatigil lang siya ni daddy dahil masyado itong seloso sa mga nagiging customer ni mommy dati.

Everything about usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon