ENTRY#38

5 1 0
                                    

Miggy:

Congratulations angel. When are we going to celebrate?

--

He's consistent in his text. No calls. Nagrereply naman ako pero minsan lang.

Nag celebrate na ang pamilya ko. Kumain kami sa labas nila mommy at kuya. My brother reminded me again na gusto ni daddy magpakita ako sa bahay.

Sa kanya kanyang bahay nag celebrate iyon dalawa. Nagdadalawang isip nga kami kay carmela pero importante padin na masabihan siya.

She declined the invitation politely. That's the problem—being too polite.

She's the talkative one, outgoing, and does random stuff. Na lungkot siya noon ng maghiwalay sila ng boyfriend niya but this time it's different.

Dalawang linggo siyang hindi nagparamdam sa Group chat.

Miggy:

Natanggap mo ba iyong pinadala ko?

--

Puno na ng chocolate sa ref, ang dami din bulaklak sa bahay kakapadala ni miggy. Kinain nga ni mommy ang rose, hinalo sa salad para daw hindi sayang.

Hindi ko parin pinapaunlakan ang pag-aya niya. Hindi naman siya nag rereklamo.

My mind is preoccupied by Carmela. I feel guilty because I don't know what to say to her. She always patches me up every time I'm wounded, but I don't know what to do.

I don't want her to think I don't give her the same thoughtfulness she gave me. I tried to compose many messages that I couldn't send. I have written letters because I know she likes them. But still, I don't know if it will somehow comfort her.

"Ano bang ginagawa natin dito?"

Tinitignan kami ng mga kapit bahay nila carmela. Hindi ko din alam bakit kami nakaupo sa gutter ng kalsada.

"Practice tayo ano sasabihin." Sabi ni regine.

tinignan kami ng masama ni kezia, "Ano ba dapat sabihin?"

"Kailangan natin maging sensitive" sagot ko kay kezia.

"Mga 'te kapag pinaramdam niyo kay carmela na nag-iba ang turing niyo sa kanya. Lalo siya mada-down. "

May point siya. Tumayo na kaming tatlo, ngiting aso kami sa tapat ng bahay nila. Kanina pa pala kami tinitignan ni ate minda. Nakakahiya.

Bumati kami kay tito at tita bago umakyat sa kwarto ni carmela. Hindi na kumatok si kezia, binuksan nalang niya basta.

"Gag* ka! Paano kung nagbibihis ako!" Reklamo ng may-ari ng kwarto.

"Ano naman?" Sagot ni kezia na parang wala lang.

Totoo naman. Nagbibihis kami sa harap ng isa't isa sa dorm.

"Ano ginagawa niyo dito?"

"Dinadalaw ka may sakit ka daw sabi ni tita e"

Nakatayo lang kaming dalawa ni regine. Si kezia nakaupo sa kama ni carmela.

"Wala akong sakit"

"Okay. Edi tara." Sabi ni regine sabay taas ng paper bag na dala niya.

"Inom tayo" dugtong ko.

Nanlaki ang mata ni carmela. "Ikaw nag-aya? Seryoso ka?"

Matagal ko naman ng gusto subukan. sumasama ako kapag nag-inuman sila pero hindi nila ako pinipilit tumikim.

Ngayon parang gusto ko na. Madalas binibiro ko lang sila noon na inuman kami pero sila lang talaga nainom.

Tawang-tawa si tita nang kumuha kami ng baso sa ibaba. Ang lakas daw ng tama namin, bakit daw kami mag-iinuman ng alas onse ng umaga.

Everything about usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon