ENTRY#34

7 2 0
                                    

the first month since he left i'm still hoping for a message. I keep checking my phone. kahit laging bigo ay umaasa parin ang puso ko na maawa siya at mag message sa akin ng sorry.

Madalas hindi ko mapigilan ang mga luha ko pero ayuko nang umiyak sa harap ng mga kaibigan ko kaya lumalayo ako.

And now it's been six months. It's starting to get dark, but I'm still standing in front of his house.

I wasn't sure when I started doing this, but I consistently did it whenever I had the chance to go to his place.

Kapag walang pasok o kaya sa tuwing uuwi kami ng carmela sa kanila ay napapadpad ako dito, baka sakaling sa pagbalik ko may ilaw ko nang maabutan ang bahay.

Kilala na nga ako ng mga guard dito. One time inabutan nila ako ng meryenda.

I keep in touch with mira, umaasang may balita siya kay miggy. But nothing comes, until nanawa nalang ako bandang 3rd year na tumitig sa bahay niya.

"angela"

I was busy finishing my report when Daniel approached me. There were just a few people here in the library. One year na siyang graduate kaya pinagtaka ko ang bakit siya nandito sa school.

Hindi ko masabi kung okay ba kami o hindi. Bigla nalang kasi kaming hindi nagpansinan.

"wala ka atang kasama ngayon?"

"may ginagawa pa sila pero pupunta sila dito mamaya"

Umupo siya sa harap ko at hindi na nagsalita pa kaya tinuloy ko na ang pag-aayos ng presentation.

"kamusta naman?"

"I'm fine."

Hindi ako sa kanya nakatingin kundi sa laptop ko. I don't want to be rude pero hinahabol kong matapos ito agad dahil para ito sa last subject naming mamaya.

"Sige hahayaan na kita diyan mukhang busy ka"

Bahagya akong ngumiti sa kanya bago ito tuluyang umalis. I'm not mad at him, nag-usap naman kami noon ng maayos. Wala naman kaso sa akin kung may iba siyang niligawan sa friends ko lang may problema dahil nagpakita siya sa akin ng motibo.

"angela"

Nagkamali ako sa tina-type dahil sa gulat. Nandito na ulit si Daniel pero may dala siya, napatitig ako sa bitbit nitong pagkain.

Miggy doesn't like it when Daniel gives me food.

"hindi pa naman ako gustom" pagtanggi ko.

"I hope we can still be friends" hindi siya nagpaawat at nilapag niya ang pagkain sa likod ng laptop ko. "i know hindi naging maayos ang huli natin pag-uusap."

Really? Para sa akin ay ayos naman.

Tumalikod siya at humakbang na paalis. Napatitig ako sa malapad niyang ballikat. It looks familiar, wala sa sarili akong lumuha at napasinghap. Hindi ko inaasahan na lilingon pa si Daniel kaya agad siyang lumapit sa akin na may pag-aalala.

"are you okay?"

At some point his voice... boses ni miggy ang naririnig ko.

Mabilis kong niligpit ang gamit ko at umalis. I still have to finish my report at mahina ang signal sa dorm but I prefer there now.

I cry even more sa kwarto dahil sa stuff toy na binigay ni miggy. Naka-upo ito sa kama ko at hindi na nalabhan simula ng araw na iniwan niya ako.

Everything about usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon