"wala kang utang na loob! pinakain kita! binihisan! pinag-aral tapos sasama ka sa mommy mo!?"
Halos ihagis ni daddy ang lahat ng gamit ko sa galit niya. Gusto sana namin kuhain ang mga gamit ko kapag wala si daddy pero inaantay niya pala kami. expected niya na pupunta kami.
"hindi ka tumulad sa kuya mo! may utang na loob!"
"itigil mo na nga ang pagsasalita ng ganyan sa anak ko! hindi pa ba sapat na sinaktan mo ako! napaka walang hiya mo hayop kang demonyo ka! at ikaw!" sabay turo ni nanay kay miss rose na nasa gilid ng pinto. "akala mo ikaw ang pinili kasi binahay ka dito? kapag laspag ka na iba naman ang iuuwi niya!"
"mommy tama na po" gusto ko nalang umalis pero handa ata makipagsaksakan si mommy.
"sige angela! sumama ka sa mommy mo! magsama kayo mag-ina! mga walang silbi!"
hinila ko na si mommy paalis pero lumingon ulit siya at sumigaw.
"at magsama din kayo ng kabit mo! mag sex kayo hanggang sa impyerno!"
"MOM!"
Dumura si mommy habang masama ang tingin kay daddy patunay na diring diri siya sa ginawa sa kanya ng asawa. Halos mawalan ako ng hininga kakahila sa mommy ko palabas ng malaking gate.
Pareho kaming umupo sa gatter sa pagod. maya-maya ay humagulhol si mommy. hinagod ko ang likod niya para magbigay ng simpatya.
Kung meron man akong nararamdaman ngayon ay malaking ginhawa. Maluwag sa isip at sa damdamin na hindi ko kailangan makisama sa kanila at kahit papaano ay makakawala ako sa walang katapusang pressure na meron sa bahay na iyon.
"uwi na po tayo"
Pero parang wala siyang narinig at panay ang silip sa bahay namin habang umiiyak. May humintong sasakyan sa harap namin. Inaasahan ko ng si miggy iyon. dinaluhan niya kami at walang salitang inakay ang mommy ko papasok.
Tinulungan ko siyang ipasok ang mga gamit ko. Magkatabi kami ni mommy sa likod at para naming driver si miggy sa harap. hindi parin siya humihinto sa pag-iyak.
Tinuro ko kay miggy kung saan ang bahay ni mommy. Doon niya kami hinatid.
"pasensya ka na miggy at ito lang mahahain ko ah"
namumula parin ang mga mata ng mommy ko ng nilapag niya ang anim na ensaymada sa lamesa.
"okay lang po tita"
"sa kwarto muna ako angela, asikasuhin mo si miggy. Magpapahinga lang ako" matamlay niya kaming tinalikuran at umakyat sa kwarto.
Alam kong iiyak na naman siya, kahit gaano kalaki ang galit niya kay daddy ay never niyang inisip na iwan at alam ko ang dahilan. Mahal niya. matapang siya kapag kausap kami pero alam kong kinakaya niya dahil mahal niya talaga si daddy.
"kamusta?"
si miggy ang bumasag sa katahimikan ng paligid.
"wala na ako sa honors"
natahimik ulit kami, hindi ko alam bakit ang awkward namin sa isa't isa ngayon.
"hey about last time"'
"okay lang miggy. Hindi naman pwedeng tumakbo ka every time na may mangyayari sa akin alam kong busy ka rin" hindi ko gustong magtonong nagtatampo pero hindi ko mapigilan.
"what do you mean?" seryoso ang mga tingin niya at alam kong hindi niya nagustuhan ang sinabi ko.
but that's reality.
"hey" lumapit siya sa akin at niyakap ako "You should have told me when you called. edi sana nagkaroon ako ng dahilan para hindi sumama sa bar"
Hindi ako nagsalita kaya nagtuloy na siya ng kwento. gusto kong pumalag sa yakap niya pero marahan niyang sinandal ang ulo ko sa dibdib niya.
BINABASA MO ANG
Everything about us
RomanceIs it possible to move on when there are so many "what ifs"? Angela might not be the smartest student, but she still excels on her level. Natural na sipag at kagustuhang mapansin ng kanyang ama ang nagbibigay sa kanya ng pressure para mag-aral maigi...