"congratulation!"
Niyakap ako ni mommy, sunod si kuya at ang huli si miggy. Hindi talaga pumunta si daddy sa graduation ko.
aaminin ko na medyo nalungkot ako dahil umasa din ako kahit konti na pupunta si daddy, kanina pa siya hinahanap ng mata ko pero wala talaga. Kahit text to congratulate me, nothing.
Sa mall kami kumain, katabi ko si miggy, nasa kabilang side naman ng table si kuya at mommy.
"next week birthday mo naman ang i-celebrate natin"
Nginitian ko si mommy, hindi ko alam kung disappointed din ba siya na wala si daddy dahil nakangiti lang siya simula kanina.
"saan ang venue ng debut mo?"
Inilingan ko si miggy.
"hindi ako mag pa-party, sa bahay nalang tayo kahit kaunting salo-salo lang"
Lumipat ang tingin niya kina mommy.
"wala naman ako mai-invite, tayo-tayo nalang." nginitian ko siya.
"why miggy? pwede mo parin naman isayaw ang kapatid ko. sa sala nga lang" sinundan iyon ni kuya ng malakas na tawa.
sinipa ko siya ng mahina, tinitignan kami ng kabilang table. ngumiti siya sa akin na pangasar at nagpatuloy.
"you should be honored na walang ibang lalaki inin-vite si gela. are you sure wala kang ibang papapuntahin?"
Napayuko ako, alam kong hindi dapat sa akin ang asar na iyon pero parang tinamaan din ako. Malungkot isipin na wala talaga akong ma-invite na kaibigan maliban kay miggy.
"ganyan ba dapat magsalita ang magiging lawyer?" tinuro ni miggy si kuya gamit ang tinidor.
hinawi ni kuya anag tinidor ng kutsara "what's wrong ? I'm stating the fact"
Hinawi ulit ni miggy ang kutsara ng tinidor at gumanti si kuya.
"Enough, boys, we're eating" saway ni mommy.
dinampot ko na ang kutsara ko at pinabayaan sila. ayos narin kahit kaming apat lang, maingay padin ang buhay ang usapan dahil sa kanila.
Naghintay ako hanggang mag gabi na baka sakaling mag text o tumawag si daddy kahit manlang konti paki dahil anak din naman niya ako, pero wala talaga siyang paramdam.
Kinabukasan ay sa bahay lang ako , tinititigan ang email sa akin ng university na pumasa ako sa exam at qualified. Tinititigan ko ang kasama ng email na list of requirement para makapag enrol.
Ngayon araw ko balak ipagpaalam kay mommy tutal nandito lang siya sa bahay at mag be-bake, may umorder daw sa kanyang cup cake na 2 dozen at kasalukuyan siyang nasa kusina ngayon at inaayos iyon.
"mommy"
"hmmm?"
Hindi siya nakatingin sa akin dahil naglalagay siya ng frosting sa cup cake. Kabado akong lumapit at nilapag ang phone sa tabi niya. Naka ready na iyon sa email.
"ano iyon bunso?"
"gusto ko po sanang sa taguig mag-aral"
Lumampas ang frosting na nilalagay niya at na deform ang flower formation nito. gulat akong tinignan ni mommy.
"taguig? saan doon? di'ba sa La salle ka mag college kasama ni miggy?"
binaba niya ang piping bag at pinunas ang kamay sa apron, kinuha niya ang phone ko at binasa ang email.
"kailan ka nag exam dito? bakit hindi mo sinabi sa akin?"
Napayuko at mas lalong kinabahan, halata sa boses niya na hindi niya nagustuhan ang ginawa ko.
BINABASA MO ANG
Everything about us
RomanceIs it possible to move on when there are so many "what ifs"? Angela might not be the smartest student, but she still excels on her level. Natural na sipag at kagustuhang mapansin ng kanyang ama ang nagbibigay sa kanya ng pressure para mag-aral maigi...