It's just friendship. Wala naman sa rule na kailangan ko siya replayan lagi or dapat kami magkita.
Sabi nila wag ko daw lagyan ng masyadong pressure ang friendship. Importante padin ang boundaries and this is my boundaries with him!
"I have a job interview. Wag mo ako tawagan"
Mabilis kong binaba ang telepono. He's been messaging me none stop since we established our friendhip again.
"Ms. Laxamana?"
Inayos ko ang suot na coat bago pumasok sa interview room. It's my 5th interview. The rest is I'm rejected or tatawagan nalang daw nila ako pero di naman ako pwedeng maghintay sa wala.
Naging magaan ang interview na 'to. Medyo joker kasi ang engineer na nag interview sa akin.
But like any other interviews. Tatawagan nalang daw ako. I thought it would be different dahil nagbibiruan na kami bandang huli.
"Hello."
Parang may telepathy si miggy because right after the interview. Hindi pa ako nakakalabas sa building ay tumawag na siya ulit.
"Ano ba?"
Nanghihina ako kaya walang gana kong sinagot ang tawag. Palagi nalang kasi ganito ang nangyayari.
Nasasagot ko naman ang mga tanong. Maganda naman ang grades ko, kilalang semiconductor company din ako nag OJT. Pasado sa technical interview pero at the end kahit sabihin nila na tatawagan nalang ako, wala naman natawag.
[It doesn't end well?]
"What do you want miggy?"
[Friends bond, do they not? Kailan tayo mag bonding?]
"Update nalang kita"
[Sabado. Your choice basta magkita tayo sa sabado.]
He did not press charges pero araw-araw naman niya ako kinukulit. But unlike before, bihira na siya pumunta sa bahay. Medyo busy na siguro, hindi ko lang alam kung ano.
I'm just curious. I don't really care ano ginagawa niya sa buhay.
"So ano kayo?" may akusasyon ang tingin ni regine sa akin.
"Friends"
They side eyed me, maliban kay carmela dahil sa harapan ko siya nakaupo.
Nasa mcdo kami. Hindi ko ito libre, kay kezia.
"Walang benefits?"
"No! Friends lang. I told you pinagbuntungan kasi siya ng sama ng loob ni kuya kaya wala akong nagaw--"
"Oo na, alam na naman ang kwento." kezia dismissed me.
"Parang gusto ko ng burger" singit ni regine.
"Tara" sagot ni kezia.
Umalis sila para umorder ulit. Kanina pa tahimik si carmela. Kumakain lang siya ng fries at nakikinig sa amin.
"Are you mad?"
Tumaas ang dalawang kilay niya. "Huh?"
"Galit ka ba kasi nagkikita kami ulit."
"No, why would i be mad? Decision mo naman iyan."
Tumuloy na siya ng kain. Kinabahan ako sa asal niya. Hindi siya normal these days pero ako ang topic today at ganyan ang reaction niya.
"But i would be worried"
"You don't have to. Friends lang naman kami"
"I know that. Just worried."
"You think it's the wrong decision."
BINABASA MO ANG
Everything about us
RomanceIs it possible to move on when there are so many "what ifs"? Angela might not be the smartest student, but she still excels on her level. Natural na sipag at kagustuhang mapansin ng kanyang ama ang nagbibigay sa kanya ng pressure para mag-aral maigi...