buong gabi nag practice kami mag solve at nagkabisado ng formula halos 3 hours lang ang tinulog namin.
Hindi ko mapigil ang paglalaro sa ballpen ko sa kaba ng binibigay na ni maam ang test. Kanina lang ang tapang ko ngayon heto at tinablan ng makita ang two pages exam.
tinitigan ko itong mabuti at biglang akong natawa.
"May problema ba miss laxamana?"
Umayos ako ng upo. "Wala po maam"
Unang beses sa buhay ko na gusto ko mag mura. Lahat ng klase namin kay ma'am puro computation ang tinuro niya tapos magpapa exam siya ng identification?
Pasimple kong nilingon si carmela na panay ang buntong hininga, si kezia naman mukhang nagbabasa ng test paper pero alam kong puro mura na ang nasa isip niya, si regine ang pinaka kalmado , hindi ko mabasa ang expression ng mukha niya pero alam kong wala din siyang masagot.
Hours of reviewing tapos iba pala lalabas sa exam.
Mula sa questionnaire, pinakiramdaman ko kung ano ba sa mga technical terms na ito ang pwedeng isagot. Labag sa loob kong inabot kay ma'am ang exam at lumabas ng room. Ako ang pinaka huling lumabas.
Walang nagsasalita sa kanilang tatlo paglapit ko. Kinuha ko ang notebook para tignan kung ano ba iyong mga pinasagutan ni ma'am pero inawat ako ni carmela.
"wag na gurl masasaktan ka lalo" aniya na puno ng simpatya.
"pares tayo! tangina sayang puyat doon ah" sabi ni kezia.
The usual may ka-text na naman si regine. Gusto ko siyang tanungin kung sino ang lagi niyang ka text pero hindi pa kami ganoon ka close.
"Excuse me"
Tumigil kaming apat sa paglalakad dahil sa tawag ng isang lalaki. Classmate din ata namin dahil same kami ng room na nilabasan.
"hello guys" may kinuha itong papel sa bag niya "Carmela baka gusto mo mag audition, pinabibigay ng kuya ko"
inabot niya kay carmela ang flayers para sa audition ng dancer sa department. Ngumiti naman ang babae at tumango.
"Erick nga pala, alam ko ilang buwan na tayo magkakasama pero baka hindi niyo pa alam name ko hehehe" pakilala niya.
"kakain kayo sama ako" si poseidon na bigla nalang sumulpot sa gilid ni carmela.
Sasabihin ko pa sanang nagulat ako pero naunahan ako ni kezia.
"kabuti ka ba?" Naglipat ang tingin ni kezia kay carmela at poseidon.
"bakit?" tanong nito.
"Hindi iyon pick up line, ungas! tinatanong ko kasi hindi naman kita nakita sa hallway and then boom! nandjan ka na"
Nagtawanan kami pero si kezia seryoso padin. Napailing nalang siya.
Naglakad na kami palabas ng building. Si erick kasama din namin magkakasabay silang maglakad nila poseidon at carmela. Pinag-uusapan nila iyong audition sa sayaw. Si regine nasa tabi namin ni kezia.
"Ano meron?" nakahalukipkip si kezia, diretso ang tingin niya sa tatlong taong naglalakad sa harap namin.
"Pinag-uusapan nila iyong tungkol sa sayaw?" sagot ko di niya ata nasundan ang nangyari kanina.
"hindi iyon"
"first week pa ganyan si poseidon kung iyong ang tinatanong mo" sagot ni regine na sa phone parin nakatingin.
Sino kaya talagang ka text niya?
"alam ba niyang may boyfriend si carmela?"
Finally tinago na ni regine ang phone niya at tumingin sa amin. "oo naman, tingin mo hindi mag kukwento si carmela"
BINABASA MO ANG
Everything about us
RomanceIs it possible to move on when there are so many "what ifs"? Angela might not be the smartest student, but she still excels on her level. Natural na sipag at kagustuhang mapansin ng kanyang ama ang nagbibigay sa kanya ng pressure para mag-aral maigi...