"sabihin mo abades resisdence" Kausap ni carmela si regine sa phone.
Kakatapos lang namin kumain ng hapunan. Si kezia hindi natiis at nilinis ang kwarto ni carmela, gagawin daw niya plates niya kasi sa lamesa tapos napaka daming kalat.
Naguusap lang kaming tatlo kanina ng marealized namin na habang nagchi-chikahan ay nagliligpit na si kezia at may hawak na walis.
Puro tawa lang si carmela sanay na daw siya na nag-uusap lang sila tapos maya-maya naglilinis na siya.
"ano daw gusto niyo inumin?"
"inumin? coke. " sagot ko kay carmela.
"ungas bakit iinom? gagawa nga ng plates di'ba?" tinuro ni kezia si carmela gamit ang walis.
"ano ka ba! pampasipag iyon!" sabi ni carmela sabay tawa. "ikaw angela? ano iniinom mo?"
"coke" ulit ko.
"hindi ! I mean, beer? gin?"
"hindi ako nainom ng alak"
"Ahh! okay lang" sabi ni kezia
"ikaw 'tong nag da-drama dapat iinom ka din"
"magtigil ka nga e sa hindi nainom e! wag pilitin" saway ni kezia
"umiinom kayo?"
We were like what? 18?
"oo! ayos lang naman iyon eh basta kilalanin mo kainuman mo, lalo pag inuman tapos kasama tropa"
"anong ginagawa niyo ng mga kaibigan mo dati pag nagbo-bonding kayo?"
Hindi ako nagsalita. Nilingon ko ang mga libro ni carmela para ibahin ang topic.
"nabasa mo na ba lahat iyan?"
"hindi pa"
"bakit mo binili"
"para pag gusto ko na basahin may copy ako"
Sa dami ng nasa bookshelves niya parang halos kalahati ata doon ay nakabalot pa.
"wala ka bang hobby?"
Nilingin ko ang drawing tube nila para ibahin ulit ang topic.
"ilang plates na natatapos niyo? tatlo ipapasa next week di'ba?"
"May alam kang series? kahit anong napanuod mo na?" Hindi pinansin ni carmela ang tanong ko at tuloy lang siya sa paguusisa.
Kinuha ko ang drawing tube at tinignan kung may sulat na ba ang mga A3 paper na nandoon. Si carmela naka 2 na si kezia 1.
"Kdrama? anime? wala?"
Hindi ko na maiiwasan ang mga tanong niya at nangingiwi ko siyang tinignan.
"amboring naman ng buhay mo angela" sabi ni carmela
"anong ginagawa mo kapag bakasyon sa school?" tanong ni kezia.
"nag advance study" nahihiya ako parang krimen ang kawalan ng hobby, ganoon ang nararamdaman ko.
"You know there is more to life than studying"
tinignan ko si carmela, seryoso siyang nakatingin sa akin habang nasa kaliwang tenga padin niya ang cellphone.
"wag mo sayangin ang kabataan mo kaka-pressure sa sarili mo. if you don't have friends before? you have now. "
Naantig ako sa sinabi niya.
"Okay lang iyan angela, tuturuan ka namin mag enjoy but not in a wrong way" sabi ni kezia
"gusto mo ng recommendation? anime you what? ano ba trip mo? try mo iyong boku no pi--"
BINABASA MO ANG
Everything about us
RomanceIs it possible to move on when there are so many "what ifs"? Angela might not be the smartest student, but she still excels on her level. Natural na sipag at kagustuhang mapansin ng kanyang ama ang nagbibigay sa kanya ng pressure para mag-aral maigi...