ENTRY#7

10 3 0
                                    

I finished everything and I'm officially enrolled. 

Bumalik kami ni mommy sa bahay ni daddy and told him about my studying at a faraway school. He didn't like it at first pero sabi ni mommy na pambawi nalang iyon sa nangyari kahit nagdadalawang isip ay pumayag si daddy.

They acted like nothing happened. My mom and dad are acting like newlyweds when we get back. sweet sila ulit, nagdadala si daddy ng pasalubong kay mommy and mommy start cooking for dad,  again. 

Nakita ko na iyon before but i'm hoping this time it will last. Sana totoo ngan nag so-sorry si daddy at sana totoong bumabawi na siya.

Si daddy ang naghatid sa akin papuntang school. kinagulat ko ng husto ang pagpi-prisinta niya.

Today is orientation day for BS electronics engineering. I don't really know what I want pero iba ang pakiramdam ko sa ECE kaya doon na ako pumila. Hindi ko alam kung madali ba siya o mahirap pero ayos lang.

Umupo ako sa pangatlong hilira, ako palang ang nandoon. Limang babae ang nasa harapan ko, iyong tatlo sa kanila maingay na nagchi-chismisan tungkol sa mga pumapasok specially na lalaki sa room.

May tatlong upuan ang pagitan noong tatlong babae sa dalawang babae na nag se-cellphone. para silang kape at gatas, ang isa maputi ang isa morena. iyong maputi panay ang iling at halatang naiingayan sa mga katabi.

"yung naka blue na bag medyo gwapo" sabi noong naka crop top na pink.

"oo nga cindy at maporma" sagot noong isa.

Nakatingin lang ako sa kanila, orientation palang may mga kaibigan na iyong cindy. samantalang ako buong enrolment period wala akong nakasabay.

Naghagikhikan sila tatlo, tumayo naman iyong maputi babae sa gilid nila at lumipat sa hilira ko. Nakaupo ako sa pangalawa sa dulong upuan mula sa kanan. umupo siya sa dulo, kaya umusog ako para mag bigay space sa kasama niyang morena na sumunod sa kanya.

nginitian ako noong morena kaya gumanti ako ng ngiti. Magkakatabi kaming tatlo. Nagsimula na mapuno ang room, maingay padin iyong tatlo babae sa harapan na si cindy lang ang nakilala ko.

Si cindy kasi ang angat sa kanilang tatlo dahil palagi siyang naka make up at magaling siya at umaangat ang ganda niya, medyo matangkad din kaya lang maingay.

"wala ba silang gagawin kundi mag boy hunt" rinig kong sabi ng maputi sa tabi ko. Iritable ang boses niya.

"pabayaan mo na carmela, orientation daw ngayon syempre magmamasid sila" sagot noong morena.

"buti sana kung nagbubulungan sila eh ang iingay parang sinasadya pa nilang iparinig mga ratings nila"

Natahimik lang ang lahat ng magsimula na ang orientation, tatlong section kami ng first year ng ECE. sinabi nila ang rules and regulation ng department at kung ano ang dapat namin abangan sa mga event.

Tumagal lang ng 2 hours ang orientation tapos pinalabas na kami para mag ikot sa campus. Grupo-grupo sila at ako, the usual naglalakad mag-isa.

Nasa likod lang ako noong katabi kong morena kanina, kunyare nalang kasama ko sila mag ikot. Mabagal ang lakad nila kaya binagalan ko din mukhang hindi naman sila interesado sa campus.

"Ayuko ng bed space! Gusto ko dorm talaga iyong atin buong kwarto"

"may dorm naman dito sa school ah?"

"eh! May curfew! Gusto ko iyong kahit anung oras tayo umuwi okay lang"

"ang dami mo namang gusto carmela! Mag uwian ka nalang kaya sa cavite"

"okay na kasi iyong Nakita natin eh bakit ayaw mo?"

"kasi apartment iyon at ang mahal kung dalawa lang tayo mag re-rent"

Everything about usTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon