KABANATA 1
ㅤㅤㅤㅤUGH. Aaron’s head hurt a lot.
Nitong nakaraan, hindi makatulog si Aaron dahil palagi na lamang mayroong umeeksena. Ayaw niyang i-name drop pero si Wade iyon – not that he could blame him, siya naman kasi ang may kasalanan kung bakit ang dalas nitong magbuntot sa kanya. Kung saan-saan siya hinahanap, at kung saan-saan siya nahahanap. Bwisit.
Sa bagay, iwas din naman kasi nang iwas itong si Aaron mula sa kaibigan nitong nakaran. Mula noong ilantad kasi nitong may gusto ito kay Easton, medyo lumayo ang loob ni Aaron kay Wade. Hindi iyon dahil nagkagusto si Wade sa lalaking gusto niya noon, hindi rin naman alam ni Wade na nagkagusto siya kay Easton, e. Umiiwas siya dahil sa tuwing mababanggit ni Wade ang pangalan ng lalaki, naalibadbaran si Aaron at bumabalik sa isip niya iyong gulo nila na nagsimula dahil sa English textbook niya noong first year.
Pero mas malala naman kasi ngayong… tatlong buwan na ang lumipas.
His best friend started dating that fake ass guy and everything instantly went downhill.
Noong araw na sabihin sa kanya ni Wade na sinagot siya ni Easton, ang tanging naging reaksyon lamang ni Aaron ay ang magpaikot ng mga mata. Malamang, nagulat si Wade. Nagtanong ito kung bakit ayaw niya kay Easton pero ngayon kasi, mayroon na siyang mas acceptable na maidadahilan – it was because he didn’t like Easton’s guts, he didn’t like how he ran the school, and Wade immediately accepted his reasons because he understood. But of course, not without defending Easton until he got exhausted!
“Mabait naman si Easton! Ganyan lang talaga siya mamalakad ng eskwelahan dahil may ideal siya,” Wade said, his voice really sounded desperate, so that his best friend would also like his new boyfriend. “Alam mo na, magulo na rin naman ‘tong eskwelahan natin. Nitong nakaraan nga e ‘di ba, may naabutan pa tayong police car sa labas ng gate? Tapos ang hinuhuli pala, iyong kaklase nating madalas wala sa klase. Iyong drop-out!”
Pagod na bumuntong hininga si Aaron at iwinagayway ang kamay, ipinapahiwatig na ayaw na niyang makinig pa sa dahilan ni Wade. “O sige na, sabihin nating whipped ka, ‘di naman kita aangalan. Malaki ka na Wade, ‘tsaka ano bang magagawa ko e gustung-gusto mo ‘yang Mariano na ‘yan?”
Pinamulahan ng mga pisngi si Wade pero hindi nagtagal, humagikhik ito. “Gustung-gusto ko talaga, kaya nga gusto ko ring magkasundo kayong dalawa e. Tanggap ko naman ‘yong dahilan kung ba’t ayaw mo sa kanya, pero bilang tao na lang, gano’n? Bilang boyfriend ko, sana magustuhan mo siya?”
“Ayos naman siya. ‘Wag lang siyang magpapakita sa ‘kin.”
Aaron let out a small sigh when he saw Wade’s shoulders fell, and he looked down, seemingly like a puppy whose owner rejected him. Kaso, wala nang ibang masasabi si Aaron kung hindi ayan.
God, only if this guy knew that Aaron had something buried deep within. Iyong inis na nagsimula pa noong first year high school sila.
ㅤㅤㅤㅤMULA NOONG araw na iyon, umiwas na si Aaron kay Wade. Lalo na noong ang madalas na lang nitong bukambibig ay iyong lalaking kinaiinisan niya, noong lahat ng usapan nila ay palagi na lamang nada-divert kay Easton. Tipong magbubukas siya ng pag-uusapan tapos maya-maya ay mababanggit ni Wade si Easton at hindi na nito matitigilan ang pagshi-share ng mga impormasyon tungkol sa lalaki?
Nunkang interesado si Aaron makinig!
Mas lumayo tuloy ang loob ni Aaron kay Wade dahil wala na silang mapag-usapang maayos mula noong araw na umeksena si Easton. Natuluyan lang talaga na halos hindi na pansinin ni Aaron si Wade nang magsimula na ring sumama-sama sa mga kaibigan ni Easton ang best friend niya’t halos makalimutan na siya.
BINABASA MO ANG
Won't Say I'm In Love (BxB, COMPLETED)
RomanceLooks can be deceiving - ito ang naging realisasyon ni Aaron noong una niyang makilala si Easton at nang kalauna'y nalaman niya ang tunay nitong kulay. He was a piece of shit who masked his trashy attitude behind his beautiful face. The two of them...